00:00Para kay Ombudsman at dating Justice Secretary, Jesus Crispin Rebulia,
00:04dapat mag-imbestiga ang Department of Justice
00:06dahil sa mga napansin niyang irregularidad sa pag-aresto sa journalist na si Philip Lustre Jr.
00:13Inaresto kasi si Lustre noong Sabado,
00:15nang hindi daw niya alam na may kaso siya at kung sino ang nagsapan ito.
00:20Nakatutok si Darlene Kai.
00:25Sa isang media forum noong Sabado,
00:27inaresto ng Quezon City Police ang journalist na si Philip Lustre Jr.
00:32Bit-bit nila ang arrest warrant galing sa Davao City RTC Branch 10
00:36para sa kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act.
00:40Ikinagulat daw ito ng 72 taong gulang na si Lustre
00:43dahil hindi niya raw alam na may kaso siya at kung sino ang nagsampa nito.
00:47It's unfortunate na Sabado, senior citizen na si Philip,
00:51sinervya sa kanya yung warrant na galing sa Davao City,
00:55korte ng Davao City.
00:56Hindi natin alam kung sino complainan.
00:59Nakalaya si Lustre matapos magpiansa ng 48,000 pesos.
01:03Ang tinagtataka ko lang, meron yung complain ko,
01:06may complain pero walang complainan.
01:09Tapos yung address, mali.
01:11Ang binigay nilang address, address ng ***.
01:15Hindi ako empleyado ron.
01:16At hindi ako nagtrabaho ron.
01:19Inupload kanina ni Atty. Dino De Leon
01:21ng unang pahinang natanggap nilang dokumento mula sa Davao RTC.
01:25Nakasaad dito na ang online libel ay tungkol sa isinulat daw ni Lustre
01:29na nagpaparatang umano laban kay Atty. Manz Carpio.
01:33Nang aming kunan ang pahayag si Carpio,
01:35sinabi ng kanyang abugado na si Atty. Peter Paul Danau
01:38na maglalabas ng pahayag ang tagapagsalita ng second gentleman.
01:42Ayon naman sa tagapagsalita ni Carpio,
01:44pag-aaralan nila ang nasa post ni De Leon.
01:46Para kay Obudsman at dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
01:51may irregularidad sa nangyaring pag-aresto kay Lustre.
01:54Definitely, hindi ka natanggap yung papeles.
01:57It was submitted for resolution na issue on the warrant of arrest
02:01without the person knowing. Maliyon, maliyon.
02:04Kaya dapat daw investigahan ito ng Department of Justice o DOJ.
02:08May modus kasi yan. Yung mga nagpa-file ng kaso,
02:13binibigyan ng wrong address ang prosecutor.
02:16And sometimes the prosecutor just has to rely on the complainant
02:21for much of the information.
02:24Dapat hindi nangyayari yan. It should not happen.
02:26Kasi may prosecutor na mag-due diligence.
02:31Meron din silang duty to conduct due diligence.
02:34Ayon sa DOJ, maaaring mag-utos ng investigasyon ukol dito
02:39si Secretary Frederick.
02:40If it turns out later on in the investigation and in the validation
02:44that the complainant knew that there was really an address
02:50or that for one, he was never really connected with the ***
02:54and yet it was made to appear there as that ito yung address niya,
02:59pwede magkaroon ng issue kasi remember the investigation data form
03:04is under oath. So you can be held liable there for prejury.
03:08Sinusubukan naming hinga ng pahayag ang prosecutor sa kaso.
03:11Darlene Kai, Nakatutok, 24 Horas.