Skip to playerSkip to main content
State of the Nation: (Part 1) Nanaksak sa eskuwelahan | Nasirang tubo | SONA


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:02Kahit nasa tamang tawiran, sinalpok ng motorsiklo ang babaeng yan sa Pasig City.
00:08Parehong tumilapon ng biktima at rider.
00:11Kritikal ang babae habang sugatan ng rider na inaresto kalaunan.
00:15Mahaharap siya sa reklamong serious physical injuries.
00:18Pinaharap din siya sa Land Transportation Office para magpaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang kanyang lisensya.
00:27Nagpang-abot naman ang isang motorsiklo at tricycle sa lawag city, Ilocos Norte.
00:32Nasawi ang apat na buwang gulang na sanggol na sakay ng tricycle.
00:36Sugatan ng dalawang minor de edad na pasahero rin ng tricycle.
00:40Ayon sa polisya, sinubukang umiwas ang tricycle pero inabot ang sidecar nito.
00:49Panibagong karasan sa paaralan.
00:51Isang estudyante ang nanaksak ng kanyang ka-eskwela sa loob mismo ng isang elementary school sa Davao City.
00:58May report si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
01:03Pinalibutan ng mga otoridad ang estudyante nito sa loob ng isang elementary school sa Davao City.
01:08Ang 13-anyos na estudyante may hawak na kutsilyong ilang beses niyang winasiwas.
01:14Nang makakuha ng tempo, agad na inagaw ng mga pulis ang kutsilyo.
01:20Bago nito, may nasaksak na palang 11-anyos na ka-eskwela ang estudyante.
01:24Ligtas naman ang biktima na nagsusulat sa classroom ng saksakin sa likod.
01:29Dali-dali po nag-respond rito. Pag-abot na mo,
01:32di-corner na itong batang on.
01:35Nagunit siya ang kutsilyo.
01:36So ang kutsilyo niya ang gigunitan.
01:37Ulay handel.
01:38Dito po sa ng guardhouse.
01:40Ang bata na ginungga.
01:41Bin-applyan ng first aid sa kumaka-uban.
01:43Agad na nagsuspende ng klase sa paaralan.
01:46Nasa kustodya na ng PNP Women and Children Protection Desk ang nanaksak na estudyante.
01:52Iniibisigahan ng Davos City Police ang kanyang motibo.
01:55Anila nakakarana sumano ang estudyante na nanaksak ng problema sa pamilya.
02:00At may problema rin sa social media.
02:16Inaalam din kung paano na ipasok sa school compound ang kutsilyo.
02:20Gayong na-check naman daw ng school guard ang bag ng nanaksak.
02:31Wala pang pahayag ang pamunuan ng eskwelahan.
02:35Jandy Esteban, ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA News.
02:41Ramdam sa ilang ospital ang pagdami ng mga may malatrang kasong sakit.
02:45Pero ayon sa mga doktor, normal ang ganito kapag papasok na ang mas malamig na panahon.
02:51May report si Marie Zumali.
02:55Alalang-alala si Mami Rea nang biglang makaranas ng hingal at hirap sa paghinga
03:00ang pitong buwang gulang niyang sanggol na si Baby Guia.
03:03Kaya agad niya itinakbo sa Philippine Children's Medical Center.
03:07Yung impression po is pneumonia sa viral po.
03:11Siguro sa mga nakasalamuan ng baby ko na siguro may trangkaso, parang ganun.
03:17Eh, nahawa siya.
03:18May influenza-like illness na pala si Baby Guia na usong-uso sa mga panahon ito.
03:23Sabi ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, nakapagtala na sila ng 10,269 na kaso ng influenza-like illness
03:30sa nakalipas sa dalawang linggo.
03:32Mas mataas ng 16% kumpara sa 8,853 na kasong naitala mula August 30 hanggang September 12.
03:40Base sa historical data na kapag nagsimula na yung pag-uulan, tapos patungon na tayo sa malamig na panahon,
03:48meron talaga tayong ine-expect na pagtaas ng mga kaso.
03:52Kabilang sa mga rehyong nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ay sa Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.
04:00Magiging ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng influenza-like illness.
04:06For the past two weeks, we have been getting patients na may influenza-like symptoms like fever, cough and cold.
04:14Pag hindi natin nababakunahan yung mga bata, mas prone din sila na magkaroon ng flu.
04:20And pag kunyari may isang bata ka na nagkaroon ng flu, ang bilis kasi niyan maghawa-hawa.
04:25Ang influenza-like illness ay isang syndrome o pangkat na mga sintomas gaya ng lagnat na may kasamang ubo at
04:31sipon.
04:31Para makaiwas sa sakit, payo ng mga doktor, laging maghugas ng kamay, magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o
04:39babahing,
04:40panatilihing maayos ang ventilation, mag-mask at magpakonsulta na rin daw agad sa doktor kapag may maranasang sintomas.
04:47Inaasahan posibleng tumaas pa raw ang mga kaso sa papanapit na holidays, pero wala naman daw dapat ikabahala.
04:53Nakikita din natin na yung pagtaas ay within the expected numbers pa rin.
04:57Wala tayong tinatawag na mga alert or epidemic threshold na nagbe-breach sa ngayon.
05:05Mariz Omali, GMA News.
05:08Walang tubig sa ilang bahagi ng Kainta at Antipolo sa Rizal dahil sa nasirang tubo ng tubig sa Marcos Highway.
05:15Ayon sa Manila Water, nasira ang kanilang tubo ng tamaan ng ibinabaong sheet pile para sa isang drainage project.
05:22Isinara ang mainline kaya nawala ng tubig ang Town and Country Executive Village sa Kainta.
05:27At parangay Mayamot sa Antipolo City.
05:30Nagpadala ng water tanker ang Manila Water para bigay ng tubig ang mga apektadong residente.
05:36Nagulutin ang baha ang tumaga sa tubo kaya bumagal ng trapiko.
05:40Badang alastos ng hapon, wala nang baha sa highway.
05:45Pumalag ang Malakanyang sa pagdedeklaran ng Korte Suprema na unconstitutional ang 2024 at 2025 General Appropriations Act at ilang probisyon
05:55ng 2026 National Budget.
05:57May report si Ivan Mayrina.
06:01Sa pasyan ng Korte Suprema, labag sa konstitusyon ng 449.5 billion pesos na unprogrammed appropriations sa 2024 General Appropriations
06:11Act o GA-A.
06:12Unprogrammed appropriations ang tawag sa mga programang nilaanan ng pondo kahit wala pang pagkukunan.
06:17Ang konstitusyonal din ang idinagdag na 17.99 billion pesos sa DPWH Special Road Fund sa 2025 GA-A.
06:26Nagresulta raw ang mga ito sa paglobo ng pondo hinihingi ng Pangulo.
06:30Bagamat pwedeng baguhin ang kongreso ang isinumiting budget ay ehekutibo,
06:34hindi pwedeng higitan ng kongreso ang National Expenditure Program o panukalang budget.
06:39Isasay pinagbawal ng Supreme Court ang SAGIP o Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs
06:46noong 2024-2025 dahil lump sum ito o buong pondo na walang detalye kung para saan.
06:53Kasi ano po ito, it can be subject to discretion, to abuse.
07:00And yun na nga po, ang naging epekto niyan also yung sa ekonomiya natin.
07:06Nagkaroon ng slowdown dahil naantala yung paggastos.
07:12Partly granted naman ng Supreme Court ang kwestiyon ng ilang petitioners.
07:16Kaugnay sa 2026 budget, partikular ang pagbigay ng otoridad sa Unprogrammed Depropriations.
07:22Sabi ng Korte Suprema, hindi naman labag sa konstitusyon ang mismong Unprogrammed Depropriations,
07:27pero dapat daw itong mabantayan.
07:29Sabi ng Malacanang, iaapila ng gobyerong desisyon.
07:32Ginawa nitong inutil at hindi na magagamit ang mekanismong ito para sa mga programa ng pamahalaan.
07:39Pinalaga ng Malacanang ang inilatag na kondisyon na bago gamitin ang Unprogrammed Depropriations,
07:44ay dapat malampasan muna ang kabuang koleksyon ng buwis at ibabangkita ng gobyerno.
07:49Tahas ang pagbabago ng mga kondisyong itinakda ng Kongreso.
07:54Bilang sangay ng pamahalaan na naatasan ng ating konstitusyon na bumalangkas ng taonang pambansang budget.
08:03Ang tanong, ano pang silbi ng desisyon ng Korte Suprema ngayong lumipas ng 2024 at 2025 at patapos na ang
08:112026?
08:12Sabi na isa ekonomisa, mararamdaman ang halagan niyan sa mga susunod na budget gaya ng 2027 na tinatalakay ngayon sa
08:19Senado.
08:20Very important decision, pinagtitibay nito ang pambansang budget na dapat itong sumusunod talaga sa konstitusyon.
08:30Hindi maaaring baguhin ng lampas sa itinakdang kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan.
08:38Meron bang mapaparusahan kung sakali?
08:40Well, the accountability was not an issue in this case, but the court did say that the author, implementer or
08:48perpetrator of the unprogrammed appropriations that violate the Constitution,
08:56they can be subject to civil, criminal or administrative liability provided that they did not act in good faith.
09:02Because if they acted in good faith, then that could be an excuse.
09:06Kasama ba ang Pangulo sa pwedeng ituring na implementor?
09:08We do not know that. I mean, it will depend on the case that's filed and the evidence presented.
09:14But so far, all the court just said was about whoever implemented it, whoever offered it.
09:22Sabi ni Vice President Sara Duterte, dapat sagutin ni Pangulong Marcos kung bakit nilagdaan niya ang budget na hindi niya
09:28tumutugma sa ipinanukalan ng kanyang administrasyon.
09:31Wala namang nilalabag na batas, walang nilalabag na probisyon sa konstitusyon.
09:35Ang administrasyon na ito ay tumutupad lamang sa mga naging proseso na isa na sa adi naman sa batas.
09:45So, wala tayo nakikita ang ano maaari maging pananagutan ng Pangulok.
09:50Ivan Mayrina, GMA News.
09:52May apela ang Malacanang kay Sen. Bato de la Rosa na may arrest warrant mula sa International Criminal Court,
09:58kaugnay ng Duterte Drug Wire.
10:02Sumukok ka na.
10:04Sumukok ka na. Kasi para wala ng dugong dadanak.
10:08Sinabi kahapon ni DILG Secretary John Vic Rimulla na magiging madugo kung pipiliting hulihin si de la Rosa
10:16na nasa Mindanao at protektado o manoon ng armado at makapangyarihan grupo.
10:21Napabahala ang palasyo sa naturang grupo dahil may tuturing daw na national security threat.
10:26Paalala rin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa mga nagkakanlong kay de la Rosa,
10:34huwag pakasangkapan sa mga anya'y dapat mapanagot sa batas.
10:43Department of Justice sa Bureau of Immigration.
10:46Walang record ng pagalis ni Atong Ang sa bansa.
10:49Pero ayon kay Justice Secretary Frederick Vida,
10:52hindi naman inaalis ang posibilidad na gumamit si Ang ng backdoor exit.
10:57Gaya ng sinasabi ni Interior Secretary John Vic Rimulla.
11:01Sabi naman ang Malacanang,
11:03Kailangan muna ang imbesigahan kung may lapses sa naging pagtakas ni Ang.
11:08Apat na pong subpina,
11:10inisyo ng PNPCIDG para sa mga person of interest,
11:15kognay sa mahigit 3 bilyong pisong halaga ng shabu mula laos na tinangkaumanong ipuslit sa Pilipinas.
11:22Isa sa mga inisyohan si dating Bangsamoro Parliament Member,
11:27Edriezan Haji Naserimbang na ayon sa DILG ay financier ng operasyon.
11:34Umabot-umano sa 11 milyong piso ang ginastos para sa shipment.
11:38Apat naman sa mga POI ang patuloy pang hinahanap dahil peking address umano ang ginamit nila.
11:47Tatlong maliliit na scam hubs hinahanap ng mga otoridad.
11:51Ayon kay Secretary Rimulla,
11:53tago sa maliliit na bahay ang micro-scam hubs
11:56at pinatatakbo lang ng 10 hanggang 20 tao.
12:02Mga Pinoy at foreigner daw ang nasa likod ng mga ito
12:05at kasama umano sa mga kinokontrata para sa iligal na operasyon
12:10ay ang mga dismissed na polis at sundalo.
12:13Ian Cruz, GMA News
12:16Nasunuga ng mahigit siyam na pug pamilya sa Mandawis City sa Cebu.
12:20Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials sa mga bahay.
12:24Nahirapan sa pag-apula ang mga bumbero dahil sa masikip na daanan.
12:29Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago na apula.
12:32Dalawang residente ang nasugatan.
12:34Sa tansya ng Bureau of Fire Protection, 72 bahay ang natupo.
12:39Mahigit 3 milyong piso ang halaga ng pinsala.
12:41Tinitingnan min siya ng apoy ang problema sa electrical wiring o kaya'y pag-wielding sa lugar.
12:48Nagpabot na ng tulong ang LGU sa mga nasunugan na pansamantalang nasa evacuation center.
13:00Bago ngayong gabi, kumikilos pahilagang kanlura ng Super Typhoon Rosal habang nasa dagat malapit sa extreme northern Luzon.
13:08Nakataas ang signal number 2 sa Batanes at sa northeastern portion ng Babuyan Islands.
13:13Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, Ilocos Norte at Apayaw.
13:22Huling namata ng sentro ng bagyo, 645 kilometers, kanlura ng Kalayan, Cagayan.
13:28Ayon sa pag-asa, hindi tatama sa lupa ang bagyo.
13:31Nasang nalapit ito sa extreme northern Luzon, bukas ng hapon hanggang biyernes ng umaga.
13:36Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw, posibleng nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Recommended