00:00Makapal na usok ang dinatna ng mga bombero sa nasusunog na bahay sa barangay Damar, Quezon City.
00:06Abot sa 30 fire truck ang rumesponde. May unang balita si Jomer Apresto.
00:15Sunog ang gumising sa mga residente ng isang subdivision sa barangay Damar, Quezon City, pasado alauna ng madaling araw kanina.
00:22Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa 30 truck ng bombero ang rumesponde sa lugar.
00:26Makapal na raw ang usok nang dumating ang mga bombero kaya kinailangan nilang gumamit ng breathing apparatus.
00:57Isang aso ang nailigtas ng mga bombero mula sa maid's quarter ng bahay.
01:02Naapula agad ang sunog ilang minuto bago mag alas dos ng madaling araw.
01:05Walang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.
01:08Sabi ng BFP, partikular na nasunog ang bahagi ng garahe ng bahay kung saan nakaparada ang nasa apat na sasakyan.
01:14Isa sa mga yan ang nasunog.
01:15Ang iba naman, posibleng naapektuhan ng mga electrical wiring dahil nainita na mga ito ayon sa BFP.
01:21Na-contain siya sa garahe. Tsaka parang napakatibay ng structure nila. Matibay siya.
01:27Talagang usok lang talaga nagpumasok sa loob.
01:29Sinubukan namin hingan ng pahayag ang mga nakatira sa bahay pero tumanggi silang humarap sa kamera.
01:34Hinaalam pa ng BFP kung maganong halaga ng napinsalang ari-arian at kung ano ang pinagbulan ng apoy.
01:40Ito ang unang balita. Jomer Apresto, GMA News.