00:01Dahan-dahang pumasok ang lalaking yan sa bintana ng isang bahay sa General Santos City.
00:07Mapapansin na tanging underwear lang ang suot niya.
00:10Kinuha niya ang bag na nasa sahig at ibang gamit na nasa kabinet at saka lumabas sa bintana.
00:16Sa inisyal na tala, aabot sa mahigit 70,000 pesos ang halaga ng mga alahas at gamit na kanyang tinangay.
00:22Hinala ng biktima, modus ng suspect ang pagsusuot ng underwear para mabilis na makatakas.
00:28Patuloy ang embistigasyon ng mga otoridad.