Balik-WTA tour na ang Filipino tennis star na si Alex Eala matapos ang Asian Games. Simula ngayong Oct. 12, sasabak si Eala sa Wuhan Open. Una niyang makakalaban ang 20-year-old Chinese player na si Han Shi.
Ang Wuhan Open ang third to the last tournament bago ang WTA Finals. Pero batay sa kasalukuyang Race to the Finals ranking, hindi makakasali si Eala sa WTA Finals. May qualification rule kasing itinakda ang WTA rito.
Sino nga ba ang mga qualified na makapaglaro sa WTA Finals at bakit hindi pasok si Eala rito? Alamin sa video.