Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nananawagan ang Ombudsman sa Korte Suprema na silipin ang isang doktrina tungkol sa pagpapanagot sa mga sangkot sa plunder.
00:07May ulat on the spot si Marie Zumali.
00:10Marie?
00:11Rafi, may paalala at bantarin si Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa mga lingkod bayan.
00:17Sa mga tapat, walang dapat ikatakot sa opisina nito.
00:20Pero sa mga tiwali at sisira sa tiwala ng bayan, wala kayong takas.
00:24Bahagi ito ng first annual report ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa kanyang unang taon ng panunungkulan.
00:30Kaya nanawagan siya sa Korte Suprema na muling suriin ang isang doktrina na anilay nagpapahirap sa pagpapanagot sa mga sangkot
00:37sa pandarambong sa pera ng bayan.
00:39Partikular na tinukoy ng Ombudsman ang 2016 Supreme Court ruling sa kasong Makapagal Arroyo v. People na isinulat ni Nuoy
00:47Supreme Court Justice Lucas Bersamin.
00:49Ayon kay Remulia, nagdagdag ang pasyang ito ng dalawang requirements na hindi naman anya nakasaad sa batas laban sa plunder.
00:56Una, kailangan matukoy ng prosekusyon kung sino ay tinuturing na main plunderer o pangunahing mandarambong.
01:02Ikalawa, kailangan mapatunayan na personal na natanggap o nakinabang akusado sa nakaw na pera.
01:08Para kay Remulia, nagiging dahilan nito para mas mahirap na panagutin ang mga tao nasa likod ng malalaking korupsyon,
01:14lalo na kung dumaan ang pera sa maraming tao, mga intermediary, dummy at shell companies bago napunta sa mga tunay
01:21na nakinabang.
01:22Narito ang pahayag ni Ombudsman Remulia.
01:26Hindi po yan, ustisya. Pananggalang po yan.
01:31Kaya sinasabi ko ito, nang may buong paggalang sa kataas-taas ang hukuman.
01:38Panahon na para balikan ang doktrinang ito.
01:43It's time to revisit it.
02:12Kung saan mahigit isandaang bilyong piso ang ibinayad sa mga proyektong hindi naman talaga naitayo.
02:17Inihambing niya ito sa naunang mga kaso ng korupsyon sa bansa gaya ng pork barrel scam na tinatayang nasa 10
02:23billion pesos
02:24at fertilizer fund scam na nasa 728 million pesos.
02:28Ayon kay Remulia, ang halaga ng mga ghost flood control project ay humigit kumulang labing walong beses ng halaga ng
02:35pork barrel scam.
02:36Sa kasalukuyan, may 30 siyam na kaso kaugnay sa flood control scandal na nasa korte na.
02:4135 sa Sandigan Bayan at 4 sa regional trial courts.
02:45May iba paumanong kasong sumasa ilalim na sa preliminary investigation at lifestyle checks.
02:50Sa 39 cases na ito, Rafi, aabot na raw sa 52 individual.
02:54Ang kinasuhan kabilang sinagdating House Speaker Martin Romualdez, Senador Gingoy Estrada,
02:59dating Senador Bong Revilla, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Congressman Zaldico,
03:05iba pa mga kongresista, DPWH officials at mga kontratista.
03:09Binigandiin din ni Remulia na ang mga kasong isinasampan ng ombudsman ay hindi binabatay sa popularidad ng issue sa social
03:17media,
03:17kundi sa mga dokumento at ebidensya.
03:20I-pinaliwanag din ni Remulia na hindi nagmamadali ang ombudsman sa pagsasampan ng kaso
03:25dahil kailangan matibay ang ebidensyang ilalahad sa hukuman.
03:29At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Office of the Ombudsman. Balik sa iyo, Rafi.
03:33Maraming salamat, Marie Sumali.

Recommended