- 33 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bago ngayong gabi, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City.
00:05May live report si Jamie Santos.
00:07Jamie.
00:12Atong umabot na sa ikatlong alarma ang inaapulang sunog sa isang residential area
00:17dito nga sa barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.
00:22Dikit-dikit at karamihan gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay
00:26dahil sa likod lang ito ng San Agustin Elementary School,
00:30doble kayo da mga bumbero para hindi umabot sa eskwelahan ng apoy.
00:34Ayon sa Novaliches Fire Station ng Bureau of Fire Protection,
00:38kabilang sa mga red zone o fire prone area ang nasabing lugara.
00:42Kanya-kanyang likas sa mga residente, dala ang mga naisalbang gamit.
00:46Atom, inaalam pa ang bilang ng mga apektadong bahay,
00:49pati na kung may nasaktan o nasawi at kung ano ang sanhi ng sunog.
00:53At yan muna ang latest mula rito. Balik sa'yo, Atom.
00:57Maraming salamat, Jamie Santos.
00:59Trahedya sa Cebu City.
01:01Gumuhu ang bahagi ng bundok at bumagsak sa mga bahay sa paanan.
01:05Apat na magkakaanak ang natabunan ng lupa.
01:08Tatlo sa kanila ang nasawi.
01:09May report si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
01:15Maingang pero mabilisan ang pag-rescue ng mga otoridad.
01:18Sa mga natabunan ng lupang gumuhu sa dalawang bahay sa Sityo Riverside, Barangay Pulang Bato, Cebu City.
01:28Maya-maya pa, nakuha na sila.
01:30Dalawa sa kanila ay batang edad lima.
01:33Si Nakahidan Avery Andamon na wala ng buhay.
01:36At si Ian Kairi Cabalyero, nasa ospital na nasawi.
01:40Huling nahukay ng gabi ang 60 taong gulang na lula nilang si Judith Bunghanoy.
01:46Batay sa bisikasyon, kumakain ng tanghalian ang mga biktima nang gumuhu ang bundok malapit sa kanilang bahay.
01:54Ang inanikay din na si Julie Pearl, ligtas bagamat sugatan ng mahukay.
02:00Ang asawa niya dalidaling umuwi nang malaman ang nangyari.
02:10Kita ang laki na matipak ng bato at lupa na gumuhu sa mga bahay.
02:15Ayon sa opisyal ng barangay, posibleng lumambot ang lupa sa mundok matapos ang ilang araw ng pagulan.
02:27Pinaghahandaan na ngayon ang pag-relocate ng mga nakatira malapit sa lugar.
02:32Mula sa GMA Regional TV, Alan Domingo, GMA News.
02:39Nang dayo naman o sa damit na hindi ibinalik, isang binatiyo ang sinapak at pinagtatadyakan ng isang grupo ng kabataan
02:46sa Tondo, Maynila.
02:48Nang isa'y pa ang biktima matapos mabagok sa gutter.
02:51May report si Vona Quino.
02:56Habang naglalakad sa Bambang Street, barangay 254 Tondo, Maynila, ang grupong ito kagabi,
03:01biglang sinapak ng isa sa kanila ang 14 anyos na binatili yung kasama nila.
03:07Lumagapak siya sa gutter at pinalibutan pa rin ang grupo at tinadyakan ng dalawa sa kanila.
03:14May dalawang lumapit at sinubukang itayo ang biktima, pero bigla siyang nangisay.
03:18May sinugod ng kanyang lola ang biktima sa ospital.
03:22Bigla na lang po sinapak yung bata.
03:25At pag tapos po ng sapak, nakahiga na po siya.
03:29Tapos pinagsisipa pa po ng dalawang beses.
03:33Sinigawan lang po namin yung bubogbog.
03:36Na tama na.
03:38Tapos noon, nasigtakbuhan na po yung mga bata.
03:42Nitong hapon, inabutan namin ang 14 anyos na biktima at kanyang guardian
03:46na kinukuha na ng pahayag sa Women and Children Protection Desk
03:50ng Moriones Tondo Police Station 2.
03:52Tumangging magbigay ng pahayag ang guardian ang biktima sa GMA News.
03:56Pero ayon sa Manila Police District,
03:58nagtamo ng minor injury ang biktima.
04:01Agad din siyang na-discharge mula sa ospital.
04:03Dagdag ng pulis siya.
04:05Damit ang ugat ng nahulikam na pag-aaway.
04:16Dinala na sa Manila Social Welfare Department
04:18ang walong minor de edad na sangkot sa gulo.
04:2113-15 anyos ang kanilang edad.
04:39Ang DSWD sir.
04:43Von Aquino, GMA News.
04:47Dalawang isudyante ang nasawi sa sunog sa isang residential compound sa Cagayan de Oro City.
04:52Na-trap ang mga babaeng biktima sa pagkasunog ng boarding house nitong umaga.
04:57Ang isa sa mga nasawi ay anak ng may-ari ng boarding house.
05:01Anya nang ibalita sa kanyang nasusunog ang lugar,
05:04tinawagan niya ang anak na nasa loob noon pero hindi sumasagot.
05:07Tanghali na ng may ilabas sa dalawang sunog na labi na positibong kinilala ng mga kaanak at kaibigan.
05:15Hindi patukoy ang mitya ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.
05:18Pero ayon sa may-ari ng boarding house,
05:21kamakilan lang ay nagpalit sila ng mga lumang kawat.
05:25Magkahiwalay na pagguho sa Pampanga.
05:28Ang isa ay direktang bahagi ng bagong gawang proyekto pangontra sa baha.
05:32Sa Kandaba, bitak-bitak at mistulang nahati ang lupa sa bahagi ng Pampanga River sa barangay Mandasing.
05:39Tandong bahay ang nasira.
05:41Ayon sa LGU, nangako ang kontraktor ng proyekto na ayusin nila ang nasirang proyekto.
05:47Pinalikas muna ang mga residente na ahanapan daw ng LGU ng paglilipatang tirahan.
05:53Sa Arayat naman, tumagilid ang mga sheet pile at bumuho ang kalsada na bahagi ng isang flood control project.
06:00Nagkakahalaga ng P291M ang proyekto.
06:04Ininspeksyon ng LGU at ni DPWH Secretary Vince Dizon ang istruktura na nitong 2024 lang itinayo.
06:12Bubuo ng Joint Inspection Team ang DPWH at Provincial Government ng Pampanga
06:17para matukoy ang sanhinang sira at kung substandard ang mga materyalis na ginamit.
06:24Hindi lang pagmahal ng karneng baboy ang iniinda ng mga mamimili.
06:28Alalahanin din nila ang kaligtasan ng karne sa tindahan.
06:32Sa Balintawa kasi, listado ang mahigit isang libong kilong karne na dugyot dahil nakatiwang lang lang at nasa lapang.
06:40My report si Bernadette Reyes.
06:45Sa maruming lapag ng Balintawak Market, todo hampas ang tinderang ito nang hawak niyang kahon ng frozen meat.
06:51Diskarte yan para mapaghiwahiwalay ang mga karne.
06:55Nakuna nito bagong operasyon ng National Meat Inspection Service o NMIS at PNPCIDG.
07:01Ilan pa sa mga naabutan nila mga frozen meat na nakatiwangwang sa simento.
07:06Meron din karneng na sa loob ng cooler pero wala namang yelo.
07:10Depensa ng mga nagtitinda.
07:24Humigit kumulang 1,400 kilos ng mishandled frozen meat ang nakumpiska
07:29kasama ang 10 kilo ng mga bagong katay na manok na may lamang loob pa.
07:35Dadali na mga yan sa rendering facility para maayos na madispose.
07:39Dapat ito ay nakalagay sa mga freezer at chiller at namimaintain yung tamang temperatura.
07:47Ang daming contaminants dyan na pwedeng maging health hazard.
07:51Pwede tayo magkasakit, nakakain tayo ng mga mishandled na mga frozen meat.
07:55Sampung stall owners ang inisuhan ng confiscation receipt.
07:58Pwede silang kasuhan kapag nahuli ulit.
08:01Ramdam sa ilang pamilya ng mataas na presyo ng karning baboy.
08:05Sa ilang palengke sa Maynila, nasa P380 pesos na ang kada kilo ng kasim.
08:10P450 pesos ang kada kilo ng liyampo.
08:12Sabi ng National Federation of Hog Farmers Incorporated,
08:16hindi dapat ganyan kataas ang presyo.
08:18So kung tutusin, sa lightweight price na 120 ngayon, plus 120,
08:25240 na.
08:26Kahit na 250 na.
08:27Kahit na 250 sa merkato.
08:29Pero 350.
08:31So sino kumikita?
08:32Kaya umaapila ang local pork producers na ibalik na ang dating taripa sa imported na baboy
08:37dahil posibling manganib ang local hog industry.
08:40Kung maaaring araw itigil na muna ang pag-angkat hanggang makabawi ang local hog industry.
08:45In spite of mababa yung tarip, hindi bumaba yung retail price.
08:49Dapat kinayos ng government yung value chain na.
08:54Hanapin yung sinong may problema dun sa chain na yun.
09:00Ayon sa Department of Agriculture, may two-phase proposal ng isinumite sa Tarif Commission
09:05para unti-unting taasa ng taripa sa imported pork.
09:08Pero posibling magkaroon daw ng 5 pesos na dagdag sa kada kilo ng imported pork kung matuloy yan.
09:14Kasama na yung mga processed meat gaya ng hotdog na gumagamit ng imported na karni.
09:19Pinag-aaralan din bigyang prioridad ang meat processors sa minimum access volume
09:23kung saan mas mababa ang taripa sa importasyon.
09:26Nasubmit na yung proposal para maibalik ulit yung tarif scheme nga back to its original level.
09:34Kaya lang hindi mo dapat biglayin nga.
09:35Siniguro naman ang DA na sapat ang supply ng baboy ngayong holiday season.
09:40Aabot para sa 170 days ang supply ng baboy base sa local production at importasyon.
09:45Bernadette Reyes, GMA News.
09:48Sinubukan ang depensa na kontrahin ang mga pinalutang na ebidensya ng prosekusyon
09:52tungkol sa yaman ni Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manazes Carpio.
09:57Sabi ng prosekusyon kahapon, tumanggap ng kita si Duterte noong 2022
10:02mula sa city government ng Davao kahit Vice Presidente na siya noong panahon yun.
10:07Paliwanag ng depensa, alkade pa si Duterte noong January 1 hanggang June 30, 2022.
10:14Pero, giit ng prosekusyon, kahit sa taxable year na 2023 ay may bayad pa rin tinanggap ang vice
10:20mula sa Davao City LGU kahit isang buong taon ng vice si Duterte.
10:27Pinakita sa'yo yung mga 2022 2316 forms kanina.
10:32Naalala ninyo po.
10:33Tama po.
10:34Pinoong 2022.
10:36Pero kahapon ang pinakita sa'yo ay 2023 2316 form.
10:41Tama po.
10:43So, iba yung pinakita sa'yo kanina na 2022 2316 form
10:47dun sa pinakita kahapon sa'yo na 2316 form na nagsasabing may natanggap na
10:51compensation income si VP Sara sa City Government of Davao.
10:56Tama po.
11:01Iniharap din ang prosekusyon ng isang financial forensic analyst
11:04na sumuri ng mga dokumento ni Duterte at Mister na si Atty. Manasas Carpio.
11:10Ayon kay Atty. Alexander Cabrera,
11:13umabot umano ng mahigit 817.87 million pesos
11:18ang kabuang halaga ng hindi naideklarang yaman na mag-asawa.
11:22Sabi ni Cabrera para magawa ang kanyang report,
11:25umamin siya ng accounting method, transaction tracing, financial analysis at iba pa.
11:31Tinalakay rin ang dalawang kumpanyang diniklara ng bisi sa kanyang SAL-IN,
11:35ang Metro City Chow Foods Corp at ang Gen Corp Industries.
11:39Pareho halos ang mga opisyal ng parehong kumpanya at maaring ang ibang pangalan ay kinatawan-umano ng bisi.
11:47Ayon kay Cabrera sa kanyang expert opinion at batay sa accounting rules,
11:52malaki-umano ang share ng bisi sa mga naturang kumpanya.
11:56Kung owner ka ng Gen Corp at wala yung pangalan mo sa JS,
12:02baka yung iba pong mga pangalan sa JS ay representative or nominist mo.
12:06Sa Metro City Chow po ay 80-20,
12:09at sa Gen Corp po ang tingin ko po ay Jaime T. Cruz 55 at BP Sara 45.
12:16Why did BP Sara include Gen Corp in her salin?
12:20Napaka halaga po kasi ng Gen Corp. Malaki po ang value ng Gen Corp.
12:26Bakit nyo sinasabing malaki ang value ng Gen Corp?
12:29Kasi po sa loob po ng Gen Corp, meron pong limang Jollibee branches po.
12:36Samantala, iniatras na ng prosekusyon ang Article 3 ng Articles of Impeachment
12:42nila tungkol sa bribery o panunuhol-umano ni Duterte sa ilang opisyal ng Department of Education.
12:49Sabi ng prosekusyon, ginawa ang pag-withdraw para mapabilis ang paglilitis.
12:55Sa mga gustong magpapayat at sumubok ng mga nauusong slimming coffee,
13:00dobling ingat dahil baka ang mabiling kape ay peke.
13:03Sa Bulacan, bistado ang isang bodega na gawaan niyan.
13:06May report si June Veneracion.
13:12Masa pullback sila.
13:14Wala pong laman to.
13:15Barcode o.
13:17Barcode pa.
13:18Kahon-kahong slimming coffee ang tumambad sa PNPC IDG
13:22nang salakayin ang isang pagawaan sa Plari del Bulacan.
13:25Pero ang mga kape, pinekey pala.
13:27Huwag lang gano'n ng kape nyo.
13:30Nakabukas, wala pa na safety measure.
13:33Nakayin ng mga tao, layanan na din sa lapag lang.
13:36Kasi tatang machine, magagala.
13:38Mahit 6 na milyong piso ang halaga ng mga kinumpiskang kontrabando.
13:42Kumpiskado rin ang mga makina at iba pang gamit sa bodega.
13:45It's not registered with the FDA, yung nilalagay nilang product.
13:50Again, serious risk ang pinopost nito sa health ng ating mga kababayan.
13:57Mismong ang rehestradong may-ari ng slimming coffee ang dumulog sa pulisya.
14:01Walo ang arestado kabilang isang Chinese national
14:03na nahaharap sa reklamang paglabag sa Republic Act No. 8293
14:07o Intellectual Property Code of the Philippines.
14:10Wala pa silang pahayag.
14:11Wala namang sa bodega ang may-ari na isa rin Chinese.
14:14Tinitignan na natin how long were they able to operate,
14:18ano na po yung mga nalabas nilang product, ilan na ito,
14:21at kung matitrace pa natin para pumabawi.
14:24Payo ng pulisya para hindi mabiktima ng mga peking slimming coffee.
14:27Huwag basta kumagat sa murang presyo.
14:29At tingnan kung legit ang bibilhan.
14:32June Van Arashon, GMA News.
14:35Isang jurist mula South Africa ang itinanghal na Nobel Peace Prize Laureate ngayong taon.
14:45Pinalakpakan sa forum sa Germany si Navana Tum Navi Pile
14:48nang inanunsyo ng Norwegian Nobel Committee ang kanyang karangalan.
14:53Kinilala ng Nobel Committee ang mga ginawa ni Navi Pile
14:56sa pagkataguyod ng kapayapaan at international law.
15:01Nagsilbi siya sa High Court ng South Africa,
15:04International Criminal Tribunal for Rwanda,
15:06at sa International Criminal Court.
15:08Naging United Nations High Commissioner for Human Rights din siya
15:12at namuno sa fact-finding mission ng UN,
15:15kaugnay sa sinasabing genocide ng Israel sa Gaza.
15:19Ngayon, hukum na siya sa International Court of Justice
15:22para sa kasong genocide laban sa Myanmar.
15:27We are living through an era
15:29when international law and human rights
15:33are under significant political attack.
15:37This worsening reality is particularly visible
15:41with the attacks on the International Criminal Court.
15:45This award strengthens my conviction
15:47that we must stand together in defense of the rule of law,
15:53in defense of independent courts,
15:55and an international legal order based on principle
16:00rather than selectivity.
16:02Iniluklok na bagong dean ng College of Cardinals
16:05ng Sibang Katolika si Luis Antonio Cardinal Tagle.
16:09Siya ang taon-naonahang Asyano at Pilipinong humawak ng pwesto.
16:13Inaprobahan ni Pope Rio XIV ang appointment ni Cardinal Tagle
16:17matapos magbitiaw ang 92-year-old na si Cardinal Giovanni Batistare.
16:22May limang taon ng bawat din at pwedeng muling mahalal
16:25sa ikalawang termino.
16:27Di lang din, si Cardinal Tagle ang mamumuno
16:30sa mga Cardinal Bishops,
16:31lalo na sa conclave o pag-ahalal
16:34ng bagong Santo Papa.
16:36Primos Interpares o kapatay pa rin ni Tagle
16:39ang mga Cardinal sa kabila ng pagiging dekan.