00:00Magandang hapon mula sa DOST Pag-asa. Ito po ang ating weather update ngayong Webes, October 8, 2026.
00:07Yung Intertropical Convergence Zone, o yung tinatawag din natin na ITCC,
00:11ito po yung lugar na kung saan nagkakaroon ng salubungan ng hangin from northern and southern hemisphere
00:16at nagkakos ng pagkilos ng hangin from surface papunta sa upper part ng ating atmosphere.
00:21Ibig sabihin, yung ITCC po ay nagdudulot ng mga kaulapan na sa kasalukuyan ay nakakaapekto dito sa Provinsya ng Palawan.
00:29At ganoon din po sa buong Visayas at Mindanao.
00:32Ibig sabihin, yung karagdagang mga kaulapan na yan ay magkocontribute din po sa karagdagang tiyansa ng mga pagulan
00:39dun sa mga binanggit natin na lugar.
00:42Samantala, dito naman po sa hilagang bahagi ng ating bansa ay mayroong tinatawag na northeasterly wind flow.
00:48Usually, itong northeasterly wind flow po ay associated sa hanging amihan.
00:53Pero, hindi pa po tayo nag-onset ng amihan.
00:55Isa po ito sa mga sinyales na papunta na po tayo sa hanging amihan.
00:59At ito rin po ay nagdadala ng mga kaulapan, lalo na dito sa Cagayan Valley Region,
01:04sa malaking bahagi ng Cordillera Administrative Region at Provinsya ng Aurora.
01:08Ibig pong sabihin naman ito ay yung mga kaulapan na yan ay posibleng magdulot ng mga pagambon o pagulan.
01:14At wala pong masyadong mga pagkiblat at pagkulog kapag epekto po ng northeasterly wind flow.
01:20At ganoon din naman kapag amihan.
01:22Except kapag merong shear line.
01:23Also, dahil po sa northeasterly wind flow at meron din pong hangin na nanggagaling dito sa Silangan,
01:30nagkakaroon din po ng confusions o pagsasalubong ng hangin.
01:34At ito naman po yung nagkukos ng kaulapan dito sa Bicol Region kasama din yung probinsya ng Quezon at dito
01:40rin sa Marinduque.
01:41Sabihin may kataasan yung chance ng mga pagulan dun sa mga binanggit natin.
01:45Lalo na po ngayon dito sa Quezon dahil may nakataas po tayo sa kasalukuyan ng thunderstorm advisory.
01:51Dito naman po sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon, less po yung mga kaulapan.
01:56Pero kahit may bawas po, may mga patches o mga parte-parte na mga kaulapan na posibleng pa rin magdulot
02:05ng mga pagulan in form of thunderstorm.
02:08So, ibig po sabihin nito ay posibleng pa rin yung mga panagdaliang pagulan for specific places.
02:13Halimbawa, sa Metro Manila, may ilang-ilang barangay o may ilang city na posibleng makaranas na mga pagulan at paglabas
02:20natin sa city na yun ay wala na pong mga pagulan.
02:23Ayun din po yung karakteristik ng tinatawag natin na localized thunderstorm.
02:27Para sa magiging lagay ng ating panahon bukas, yung nararanasan po natin ngayon ay magpe-persist po sa susunod na
02:34dalawa hanggang tatlong araw.
02:35Kaya naman po, ay ganun din po most likely yung mararanasan nating weather condition bukas.
02:41At dito sa Metro Manila, ang agwat ng temperatura ay 25 to 32.
02:45Dito naman sa Tagaytay ay 21 to 30.
02:47Sa Tugigaraw ay 24 to 34.
02:50At sa Legaspi naman ay 25 to 32.
02:53Dito naman sa Palawan ay mananatili pa rin na maulap.
02:57At ganun din sa buong Visayas at Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.
03:02Agwat ng temperatura dito sa Puerto Princesa ay 25 to 32.
03:06Dito naman sa Iloilo ay 24 to 32.
03:09At dito naman sa Davao ay 25 to 33.
03:13Wala po tayong nakataas na gale warning.
03:16Pero magingat po, lalo na sa mga kababayan natin na mangingisda o maglalayag na maliit na sasakyang pandagat yung gagamitin.
03:23Posible pa rin po na umabot ng hanggang 3.1 meters yung taas ng alon na posibli nating ma-encounter
03:30kapag tayo ay pumalaot.
03:31Kaya magingat po.
03:33At para naman sa magiging lagay ng ating panahon sa susunod na tatlong araw.
03:37Simula sa weekend hanggang sa Monday.
03:39Saturday to Monday dito po sa Metro Manila.
03:41Malaking bahagi ng Kandurang Luzon ay makakaranas po ng mga thunderstorm activity pa rin lalo na sa hapon.
03:49At posibli rin po yung mga light rains lalo na sa northeastern part ng Luzon.
03:53Dito naman po sa Legazpi dahil dun sa binanggit natin ng mga kaulapan magpapatuloy pa rin po na mataas yung
03:59chance ng pagulan in general dito sa may Bicol region.
04:03Some parts of Bicol region at nandyan din po yung malaking bahagi ng probinsya ng Quezon.
04:09Dito naman sa Cebu at Iloilo at Tacloban in general po buong Visayas ay mananatili pa rin po na maulap
04:16at nandyan pa rin yung chance ng mga pagulan.
04:18Ganon din dito sa buong Mindanao.
04:21So meron po tayong ilang mga katanungan.
04:23Kailan po ba magsisimula yung ating hanging amihan?
04:26Sa ating pong analysis, posibli po na mag-onset na o mag-declare na ang pag-asa na mag-aamihan
04:32na by third or fourth week po ng Oktubre.
04:36And also, sa pagpasok ng amihan, provided na may LN nyo po ngayon, ano po ba yung in-expect natin
04:42na mangyayari?
04:43Lalamig pa rin ba?
04:44Yes po, bababa pa rin po yung temperatura dahil papunta pa rin naman tayo.
04:48Doon sa tinatawag natin na cold dry season.
04:52Pero kung i-cocompare natin yung lamig na naranasan natin noong mga nakalipas na taon
04:56at sa lamig na in-expect natin for this coming amihan season,
05:00relatively bagyang mas mainit po yung mararanasan natin this coming amihan.
05:06Also, may efekto po ba ito sa bagyo?
05:08Actually, yung LN nyo po may efekto po ito sa Genesis o sa lokasyon kung saan nagsisimula yung mga bagyo.
05:14Dahil mas mainit po dito sa may Pacific Ocean, ay dito rin po nagsisimula yung formation ng mga bagyo.
05:22Kaya naman po, meron po tayong dalawang bagyo ngayon na merong international name Coguma at Nolo.
05:27At ang good news naman po dito, hindi po ito papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
05:32Dahil na rin po malayo yung kanilang pinagmulan na simula o yung Genesis na tinatawag natin,
05:39maliit po yung chance na ito ay mag-landfall.
05:42Pero, yung mga nagperform po na bagyo during LN nyo ay relatively mas malalakas
05:47as compared doon sa mga nagperform during La Nina.
05:50At yung La Nina naman o yung mga bagyo naman na nagperform during La Nina
05:54ay usually malapit po sa Pilipinas.
05:55Kaya yung mga nagperform naman doon ay mas mataas naman yung chance ng mga pagulan.
05:59Pero, marami pa pong factors na nakaka-apekto kung bakit ganito po yung characteristic ng mga tropical cyclone tracks.
06:08And ito po, by the way, yung ating latest na TC threat potential or yung forecast natin
06:13kung may papasok ba na bagyo o may mamumu ba na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility
06:18sa susunod na dalawang linggo.
06:20So, dito po sa ating analysis o sa produkto na ito,
06:23meron pong posible na mamuo, although mababa po yung chance.
06:26Yellow po ay low chance lamang, pero may potential po.
06:29At sa darating na second week, hindi ko na po yung pinakita,
06:32pero may posibilidad po, low chance din na may mamuong bagyo dito sa eastern part ng ating bansa.
06:37Sa loob pa rin po ng Philippine Area of Responsibility.
06:41May ulan din ba kapag amihan na?
06:44Actually, kapag nag-aamihan po, hindi po ibig sabihin na amihan na,
06:49ay wala na tayong mararanasan na ulan.
06:50Yes po, mababawasan yung pagulan sa kanlurang bahagi ng ating bansa,
06:54kasama yung Metro Manila, pero yung silang bahagi naman po ng ating bansa,
06:58yung makakaranas ng mga pag-ulan.
07:00Dahil sa amihan, so, hindi lang po malamig na hangin yung dala nun.
07:04Meron din po yung mga kaulapan na nagdadala, usually,
07:07ng mga light rains, mga ulan,
07:09at during amihan din po,
07:12nagpo-form yung tinatawag natin na shearline.
07:14Pero para sa karagdagang informasyon,
07:15pwede rin po natin i-elaborate yung shearlines
07:18sa mga susunod natin na updates.
07:19So, bakit po ba umuulan pa rin kahit El NiƱo na
07:22at kahit tapos na yung habagat?
07:24Actually, hindi lang po habagat yung nagkukos ng mga pag-ulan
07:28dito sa kanlurang bahagi ng ating bansa
07:29o sa malaking bahagi ng ating bansa.
07:31May iba pa pong factors.
07:33At kahit El NiƱo na,
07:34yes, El NiƱo po ang naidudulod niyan sa ating bansa
07:37ay relatively mas konting pag-ulan
07:39at mas mainit na temperatura,
07:40pero hindi lang po El NiƱo yung nakaka-affect sa atin.
07:43May mga iba pa pong weather system
07:44na posibleng magdulot ng mga pag-ulan.
07:47Halimbawa na lang yung binanggit natin kanina
07:49ITCC, posibleng shear lang yung pagpasok ng Amihan
07:52at posibleng rin po yung mga thunderstorms.
07:54At para po sa efekto ng El NiƱo,
07:56gusto natin ng mas malalim na informasyon,
08:00pwede po natin na i-scan itong PDF file.
08:03So, dito po nakapaloob yung ating outlook.
08:06Ano ba yung mga lugar na kung saan ay makakaranas
08:08ng mga dry condition, dry spell,
08:10o di kaya naman ay drought for the next 6 months.
08:13Ganon din yung pagtaas ng temperatura.
08:15At meron din po tayong platform.
08:16Sa kasalukuyan, sasagutin po nitong platform na ito,
08:20ano ba yung mga nasa dry condition,
08:21dry spell, at drought ngayong buwan na October.
08:25Also, yung platform po natin na yan,
08:28of course, pwede po natin i-explore.
08:30At yung ibig sabihin ng dry spell,
08:32dry condition, at drought,
08:34ay dito po natin din makikita
08:35sa may PDF file.
08:37Ang ating pong araw ay lulubog mamayang
08:395.41 ng hapon at muling sisikat bukas
08:42ng 5.46 ng umaga.
08:44Ako po si John Manalo,
08:45ang panahon na ay nagbabago,
08:47kaya maging handa at alerto.