00:00Bugante na ang turing ng NBI kay Batangas First District Representative Leandro Leviste na ipinaaresto ng Makati Regional Trial Court.
00:08Para yan sa kasong paglabag umano sa Public Service Act na isinampa ng Department of Energy dahil sa hindi umano
00:15pagtupad ng kumpanya ni Leviste sa mga dapat nagawa sa ilalim ng 25-year franchise nito.
00:22Pwede namang magpiansa si Leviste ng 72,000 pesos pero sabi ng Department of Justice, dapat personal siyang magpakita sa
00:30korte.
00:30Wala sa bansa si Leviste na umalis noong August 2 kasama ang inang si Senadora Loren Legarda.
00:37Sa huling impormasyon ng mga otoridad, nasa France o Germany si Leviste.
00:42Pinag-aaralan ng NBI ang pagkakansila sa passport at travel authority ni Leviste.
00:47Ang DILG naman, magpapatulong na sa International Police.
00:52Sa isang post, sinabi ni Leviste na maliit na bagay lang ang arrest warrant.
00:57Pinisyon niya rin kung bakit ginawang prioridad ng NBI ang pagtutok sa kaso kahit di ganong kalaki ang halaga ng
01:04piyansa.
01:05Tinawag naman ang tagapagsalita niyang si Atty. Tony Lavinia na panghaharas ang inaharap na kaso ni Leviste.
01:12Wala raw na labang na batas dahil hindi naman talaga na ipatupad ang prangkisa dahil sa mga hindi naibigay ng
01:19DOE.