- 10 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 1) Hamon na drug test sa Vice Mayor ng Reina Mercedes; Dadalo si PBBM sa F1 race; Pagpapaaresto kay Leviste; New Sparkle stars, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:04Isa ang critical sa pang-aararo ng pickup truck na nawala naman nun ng control habang bumabiyahe sa Quezon City.
00:12Sugatan ang nakadisgrasyang driver at dalawang iba pa kabilang ang isang estudyanting naglalakad lamang sa kalsada.
00:19Damay rin sa aksidente ang isang school service at mga poste kaya nawala ng kuryente at internet sa lugar.
00:26Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:30Yuping-yupi ang tricycle na ito matapos araruhin ng isang pickup truck sa North Fairview, Quezon City kaninang umaga.
00:38Pero umpisa pa lang ito ng mahabang perwisyong dinulot ng pickup.
00:42Basa sa inisyal na investigasyon, unang nabanggan ng pickup truck ang tricycle bandang alas 9.30 ng umaga.
00:48Sugatan ang driver habang kritikal ang babaeng pasahero nito.
00:52Sunod nabanggan ng pickup ang isang estudyanting naglalakad sa kalsada.
00:56Halos 200 meters mula dito sa kalsadang ito, yung hinarurot ng pickup truck hanggang tuluyan na nga ito bumanga dito
01:03sa school service at sa poste ng Meralco.
01:05Sa ngayon, iniimbestigahan pa kung ano talaga ang nangyari.
01:08Pero ayon sa barangay ay dapat nasa 20 kilometers per hour lang ang maximum speed dahil subdivision area ito.
01:14Ang lalaking driver ng SUV, sugatan din. Dinala silang apat sa ospital.
01:19Patuloy rin iniimbestigahan ang ugat ng aksidente.
01:23Pero ayon sa barangay, 20 kilometers per hour lang ang speed limit dito sa subdivision area.
01:28Mabuti na lang daw at walang sakay ang school service at hindi pa uwian dahil madalas daw maraming estudyanting naglalakad
01:35sa lugar na yon.
01:36Sa nangyari, sa laki ng damage na ito, hindi natin masabi kung gaano ito kabilis dahil ilang metro bago matumba
01:43itong poste, yung sinalpok niyang poste, meron na siyang nabangga na tatlo.
01:47Humahanap pa ng mga CCTV.
01:49Nawalan din ang kuryente at internet sa lugar dahil sa nabanggang poste. Inaayosan ang Meralco ang supply ng kuryente.
01:56Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
01:59Drug test ang hamon kay Reyna Mercedes, Vice Mayor Harold Respicio.
02:05Kasunod ng paninigaw niya sa open forum ng Sangguniang Pambayan hanggang labas ng session hall.
02:12Agad namang kinasahanap, busy alkalde, ang hamon ng Department of Interior and Local Government o DILG.
02:20Nakatutok si June Veneracion.
02:36Pagkatapos makasigawan ang mga kapitan ng barangay, ni Reyna Mercedes Isabella, Vice Mayor Harold Respicio, sa gitna ng sesyon ng
02:43Sangguniang Pambayan.
02:49Makikita sa viral video na ito, ang Vice Mayor palabas ng session hall.
02:58At dito, pati polis pinagtaasan niya ng boses.
03:04Para ka Interior and Local Government Secretary John Vic Rimulia, kakaiba ang asal na ipinakita ni Respicio.
03:21Pinag-aaralan ng DILG ang pag-i-issue ng show cost order para pagpaliwanagin si Vice Mayor Harold Respicio.
03:28Ang DILG ay merong general supervision at kapangyarihan mag-imbestiga sa mga local government officials.
03:35Sa pagkakataong ito, ang inatasan ng DILG ay si Isabella Governor Rodolfo Albano III para tutukan ang kaso ni Respicio.
03:45Isa raw sa mga posibleng paglabag ni Respicio ang paninigaw sa mga polis.
03:49Pero bago ito, kailangan daw ipadrag test muna si Respicio.
03:53Papadrag test ko muna. Parang wala sa sarili. Mukungadik yung asal niya.
03:57Game na game naman si Respicio.
03:59No problem, Secretary John Vic Rimulia. Let's go drug test right now. Sabihin mo ako, let's go to St. Louis
04:03right now. Let's go, baby!
04:05Mismo ngayong araw, kusang nagpa-drug test si Respicio.
04:08Ang resulta natin, Secretary John Vic, all negative, sir.
04:12Pumunta po ako dito sa St. Luke's. Agad-agad, the most comprehensive drug test po.
04:16All negative po lahat si Attorney Harold Respicio. Attorney Harold Respicio is drug-free.
04:22Mr. John Vic Rimulia, bossing, since permission niyo ako mag-drug test, official function, I think reimbursable yan, bossing.
04:28So meron po akong resibyo dito, boss. I-reimburs niyo, sir, napakamahal. 28,000 pesos.
04:33Paliwanag ni Respicio. Uminit ang kanyang ulo dahil hinaharas umano ng mga opisyal ng barangay,
04:39ang mga tobacco farmers sa kanilang bayan.
04:41May korupsyon daw sa paggamit ng pondo mula sa tobacco excise tax na dapat mga tobacco farmer ang nakikinabang.
04:48Libre po si Sen. John Vic na i-criticize ako. No offense taken, sir. I love you, sir, so much.
04:53Children, huwag niyong gayahin si Attorney Harold Respicio. Huwag niyong gawin yan sa bahay at sa school.
04:58But at any rate po, consistent pa rin tayo sa pagpuna.
05:01At kung meron silang utos sa akin, susundin ko po dahil isa po akong obedient public servant.
05:06June Veneration Nakatutok, 24 Horas.
05:10Reaction naman ni Department of Interior and Local Government Secretary John Vic Remulia.
05:16Congratulations!
05:18Ngayong kumpirmado manong hindi nakadroga si Respicio.
05:22Tila natural pala ang mga ikinilus niya.
05:27Mga kapuso, dinakip sa magkaiwalay na operasyon ng isang lolo at isang school bus driver na wanted sa kasong rape.
05:34Ang biktima ng una, sariling apo.
05:36Habang ang ikalawa, kanyang pinsan.
05:39Narito ang eksklusibo kong pagpuno.
05:45Pasakay na sana ng school bus para sumundo ng mga estudyante ang suspect.
05:49Pero hindi na siya pinahintulutan ng mga polis at isinilbi na sa kanyang warrant of arrest.
05:55Wanted siya sa kasong rape.
05:57Picture na sa kanilisensya, payat pa siya dun.
05:59Pero nakita namin sa mismong aktual, mataba na, meron na siyang bigote, tapos talagang pumuti siya.
06:07Agad siyang binitbit palayo sa kanyang bahay sa Mandaluyong at dinala sa headquarters ng Eastern Police District Mobile Force Battalion.
06:14Ayon sa polisya, taong 2005, kinasuhan ng suspect matapos sumunong pagsamantalahan ng pinsan.
06:21Patuloy naming sinusubok na makunan ang panigang suspect.
06:25Nung kinausap namin yung suspect, mag-shota naman daw po sila.
06:29Sa Mexico, Pampanga, isang lolo ang dinakip ng mga polis na wanted din sa kasong rape sa Pasig.
06:35Todo deny pa na hindi nga niya daw ginawa, pero identified po talaga siya ng biktima.
06:43Nung tinanong ko siya kung alam mo ba yung ginawa mo, sabi niya, ay, sir, yan ay pinagbintangan lang ako.
06:51Ang biktima, ang walong taong gulang niyang apo.
06:55Tutuloy ko po yun, sir, kasi yun ka na po, grabe yung trauma eh.
06:59Sakay lang po kami ng jeep, kasi matidigital lang po siya ng ibang tao.
07:04Grabe na po yung takot niya.
07:06Sumasa ilalim sa cancelling ang biktima na ayon sa kanyang inay, labis na nag-iba ang asal.
07:11Gusto kong magbulok siya sa kandungan sa ginawa niya sa anak ko.
07:15Ayon sa PNP, tumataas ang antas ng incestuous rape o yung rape sa loob ng tahanan o magkakadugo ang sangkot?
07:22Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
07:27Dumepensa ang palasyo sa gitna ng mga ulat na manunood muli ng Formula One race si Pangulong Bongbong Marcos sa
07:35Singapore tulad ng ginawa niya noong mga nakalipas na taon.
07:39Sabay na naman kasi ang schedule niyan sa kanyang working visit.
07:42At nakatutok doon live si Jonathan Manda.
07:45Jonathan!
07:49Yes Vicky, sabi ng palasyo, eh hindi pa naman daw sigurado kung manonood talaga ng F1 race si Pangulong Bongbong
07:54Marcos dito sa Singapore.
07:56At kung manonood man daw ang Pangulo ng F1 race, eh hindi naman daw gagamitin ang buwis ng bayan pambili
08:02ng tiket.
08:03Narito ang report.
08:07Sa ikalimang pagkakataon bilang Pangulo, biyahing Singapore si Pangulong Bongbong Marcos.
08:13Kagagaling lang niya rito noong July pero balik muli para sa limang araw na working visit dahil sa imbitasyon ni
08:19Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
08:21October 7 hanggang 11 ang working visit dito sa Singapore ni Pangulong Bongbong Marcos sakto sa schedule ng Formula One
08:28Singapore Grand Prix.
08:29Nagaganapin dito ngayong weekend, noong 2022 at 2023.
08:33Nanood din ang F1 race dito sa Singapore si Pangulong Bongbong Marcos na binatikos ng kanyang mga kritiko.
08:37Kaya ang tanong, manonood na naman ba siya ulit ng F1 race dito?
08:42Itutuloy niya yan manhid at tila bingi sa mga panawagan ng mamamayan sa kalagayang naghihirap nga 7.2% inflation.
08:53Wala namang kinalaman dun sa mga pangunay na pangangailangan ng ating kababayan sa panahon ngayon ng crisis.
09:00Masiguro masama kung linggo naman. So tingnan lang po natin kung aate ng Pangulo.
09:05Pero kasi ang punta po talaga ng Pangulo dito e para sa mga investments.
09:11Noong 2022, ikinatwira ng Pangulo na ang panonood ng F1 race ay paraan niya para makausap ang mga negosyanteng posibleng
09:18mamuhunan sa Pilipinas.
09:20Ngayong taon naman, wala raw gagastosin ang Pangulo kung manonood ng F1 race dahil imbitasyon ito ng Prime Minister ng
09:26Singapore.
09:27Wala siyang mabayaran ticket. Simply being there, already always presents opportunities.
09:32And mahirap pong mawala sa tayo doon kasi matatalo tayo sa ibang mga nandoon.
09:37So huwag silang tumutok kung aatin man ang Pangulo sa F1 Grand Prix.
09:42Ang tutupan nila kung ano ang gagawin ng Pangulo dito para sa ating bayan at para sa ating mga kababayan.
09:51Kabilang sa talagang pakay ng Pangulo rito, ang pagiging speaker sa Forbes CEO Global Conference
09:56kung saan inaasaang iaalok niya sa 470 business leaders ang mga investment opportunities sa Pilipinas.
10:03Bibisitahin niya rin ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute
10:07para alamin ang karanasan at expertise ng Singapore sa nuclear energy.
10:10Layon din niyang mapalali mga ugnayan ng Pilipinas at Singapore
10:14sa pamumuhunan, artificial intelligence o AI, digital technology, renewable energy, healthcare at green economy.
10:21Ipapasa rin ng Pilipinas sa Singapore ang chairmanship ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations sa susunod na taon.
10:28Samantala, sa gitna ng press briefing sa Singapore,
10:30nagpadala ng mensahe kay Yusek Castro si Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda
10:36para pabulaanan ang mga ulat na nag-resign siya.
10:39Nakakakausap pa lang natin kay Secretary Henry Aguda
10:42at nabigay siya ng narawan din kay Secretary Dave Gomez
10:46na patuloy ang trabaho niya binang Secretary ng DICT.
10:50Mula Singapore, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
10:56Yes, Vicky, anumang oras ngayong gabi ay pupunta na, lilipad na, papunta rito sa Singapore, si Pangulong Bongbong Marcos.
11:04Balik muna sa iyo, Vicky.
11:05Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
11:07Pugaante na ang turing kay Congressman Leandro Leviste ng National Bureau of Investigation o NBI
11:14na yung pina-aaresto siya ng korte kaugnay ng kabiguan umano ng kanyang solar company
11:21na sundin ang mga nakasaad sa prangkisa nito.
11:25Pinapakansel na na ng NBI ang kanyang passport.
11:28Habang magpapatulong naman sa International Police o Interpol ang mga otoridad.
11:34Nakatutok si Darlene Khan.
11:40Ipina-aaresto ng Makati RTC Branch 235 si Batangas First District Representative Leandro Leviste.
11:46Base sa kopi ng arrest warrant galing sa NBI at inilabas noong lunes,
11:51iniuutos ng korte sa mga otoridad ng pag-aaresto kay Leviste na may kasong paglabag sa Republic Act 11659 o
11:57Public Service Act.
11:58Mayo nitong taon, isinampan ni Department of Energy Secretary Sharon Garin sa Department of Justice ang reklamo kay Leviste.
12:04Dahil yan, sa hindi umano pagtupad sa mga dapat na nagawa sa ilalim ng 25 taong parangkisang ibinigay noong 2019
12:12sa Solar Parasabayan Corporation kung saan naging chairman, president at CEO si Leviste.
12:18Kabilang dyan ang pagtatayo at pag-ooperate ng pagkukuna ng renewable energy ng mga liblib at underserved na lugar sa
12:24magsa.
12:25We are given a copy of the warrant. So, of course, we're from the law enforcement. We are entitled to
12:30PNP and the NBI.
12:32Pwedeng magpiansa si Leviste ng 72,000 pesos. Pero, August 2 siya umalis ng bansa kasama ang ina niyang si
12:39Senadora Loren Legarda.
12:41Pinag-aaralan ng NBI ang posibleng pagpapakansila sa passport ni Leviste.
12:46The last report was in France at Germany. But, of course, we have to coordinate with the Bureau of Immigration
12:52and also, siyempre, DFA and the House of Representatives.
12:58Pagpapatulong na sa International Police o Interpol ang Department of Interior and Local Government.
13:03So, apply na namin sa PT Transnational Crimes, PT Transnational Crimes, para makuha na red notice.
13:11Agunguhin na sila, face the charges, face the accusations.
13:14Sabi ni Justice Secretary Frederick Vida, kailangan daw personal na magpakita sa korte si Congressman Leandro Leviste para makapagpiansa.
13:22Hindi niya raw ito maaaring gawin sa embahada na nasa labas ng bansa o di kaya isa pamamagitan lamang ng
13:27kanyang abogado.
13:28Kaya nananawagan si Vida kay Leviste na sundin ang utos ng korte.
13:32Respect the jurisdiction of the courts. Kasi pag hindi tayo sumunod sa utos ng korte, ang binabastos natin yung sistema.
13:39Sa isang Facebook post, tinawag ni Leviste na maliit na bagay ito kumpara sa ibang nangyayari.
13:46Sabi ng tagapagsalita niyang si Atty. Tony Lavinia, inasahan na raw nila ito.
14:07Hinawag ni Lavinia na panghaharas ang hinaharap na kaso ni Leviste.
14:11Wala raw na labag na batas dahil hindi naman daw talaga na ipatupad ang prangkisa ng solar company dahil sa
14:17mga hindi na ibigay ng DOE.
14:19Hindi kasalanan ng franchise kung bakit hindi niya na-implement because the DOE did not issue rules and regulations and
14:27identify the places.
14:28Sasagutin namin yan sa korte.
14:30Hindi raw nila napag-uusapan ni Leviste kung uuwi siya para magpiansa.
14:34Dalawang kapwa akusado naman ni Leviste na pinaa-aresto rin at opisyal ng solar para sa bayan ang nagpiansa na
14:40ngayong araw.
14:41Pansamantala silang pinalayat, itinakdaan ang kanilang arraignment.
14:45Darlene Kay, nakatutok, 24 oras.
14:48Mahigit sandaang mga barko ng China ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea nitong Setsyembre.
14:54Hanggang kanina'y may dalawampu pang barko ng China sa Pag-asa Island.
14:59Nakatutok si Ivan Mayrina.
15:04Kuha ito ng Philippine Coast Guard kaninang umaga sa bahagi ng Pag-asa Island sa Palawan.
15:09Makikita hindi bababa sa dalawampung barko ng pinagsamang bilang ng Chinese Maritime Militia at China Coast Guard.
15:15Nabawasan na yan ayon sa PCG at medyo lumayo na mula mismo sa isla ng Pag-asa.
15:20Sa monitoring ng Armed Forces of the Philippines o AFP, umabot sa mahigit isandaan ang mga barko ng China sa
15:26West Philippine Sea nitong nakaraang buwan.
15:28Month of September, we monitored 101 different vessels ng Coast Guard at ng PLA Navy.
15:35Ito naman, if you look at it over a longer period of time, let's say six-month period,
15:40sa raya ng first self-assessment natin, na dumami ang kanilang Coast Guard vessels.
15:45Based on their posture, they will be focusing on enforcing Maritime Lock, yung maling panananda sa Maritime Lock.
15:52So, utilizing yung China Coast Guard ships para i-push nila ang kanilang mandato.
15:59Ang Pag-asa Island isa raw sa halos hindi na nililisan ng mga barko ng China kasama ng Eskoda Shoal
16:05at Bajo de Masinlo.
16:07Dito linggo lang may nirespondihang ulat ng illegal na dynamite fishing sa Sandy Kay malapit sa Pag-asa Island.
16:12Nang abutan ang interagency team ng Pilipinas to the rescue ang barko ng China Coast Guard.
16:18At maya-maya pa, may helicopter na rin ang China ang inikutan ng barko ng Pilipinas.
16:23Dahil dito nakataka sa mga fishing boat na gumagamit ang dinamita.
16:27Pinangunahan naman ni Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Hilgaban
16:30ang pag-activate ng Coast Guard Auxiliary District sa Kalayaan Island District ngayong araw.
16:35Binigyan din ni Gavan ang kahandaan at kahalagahan ng papel ng mga mamamayan
16:38sa malalayong isla sa pag-wabantay ng soberanya ng bansa.
16:42Pag siguro ng AFP, dihado man sa gamit at kakayahan,
16:45patuloy na titindig ang bansa para sa ating soberanya.
16:48Hindi tayo nahihinaan ng loob.
16:50We will match them hanggang gaya natin ship for ship, patrol for patrol.
16:54Kaya yung mga maling narasibo nila, kinokorek natin sa tamang narasibo.
16:59Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
17:02Mas mataas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Agosto
17:06kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.
17:10Ayon po yan sa Philippine Statistics Authority.
17:13Pero may pag-asang hatid ang Burmans.
17:16At nakatutok si Bernadette Reyes.
17:2153 sa kada sanlibong individual ang walang trabaho o negosyo noong August 2026.
17:28Katumbas yan ang 2.77 million na individual o unemployment rate na 5.3%.
17:34Mas mataas yan kumpara sa 3.9% na unemployment rate sa parehas na buwan noong 2025.
17:41Pero mas mababa kumpara sa 6% noong July.
17:44Ayon sa Philippine Statistics Authority,
17:46Yung new entrance natin total noong July, umabot ito ng 1.5 million yung graduation.
17:57So marami talaga.
17:58Ngayon yung new entrance bumaba ng konti.
18:10Isa rin sa mga lubhang naapektuhan ng manufacturing sector na umabot sa 350,000 ang nawalang trabaho o negosyo noong
18:19Agosto sa parehong panahon.
18:21Ngayong may banta ng El Niño, hindi malayong maapektuhan din ang agriculture sector.
18:27Taong 2023 hanggang 2024, nakaranas din ng El Niño ang Pilipinas.
18:32Sa panahon yan, marami ang nawala ng trabaho o negosyo sa sektor na agrikultura.
18:37Sa tala ng PSA noong May 2024, umabot sa 1.02 million ang nawala ng trabaho o negosyo sa agriculture
18:46at forestry.
18:47Kumpara sa parehas na panahon noong 2023.
18:49Samantalang umabot naman sa 543,000 ang nalagas na matrabaho o negosyo sa fishing at aquaculture.
18:58Normally nagsishef sila.
18:59Ang nakikita namin sa field ay during the time, ay pumupunta sila sa construction.
19:07So yun ang isa, retail trade din.
19:11Naitala naman sa 11.9% ang underemployment rate.
19:15Katumbas yan ang 5.9 million na individual na may trabaho pero nagnanais ng dagdag na oras sa trabaho o
19:23magkaroon ng karagdagang trabaho.
19:24Mas mataas ito ng mahigit kalahating milyon kumpara noong August 2025.
19:29Kabilang na dyan si Rowena na lubhang naapektuhan ng pagtitinda dahil sa sunod-sunod na klas suspensyon noong Agosto.
19:36Minsan, 1,700 ang nawawala sa akin. Kaya nangihinayang ako pag walang pasok.
19:43May sideline naman ako maglaba, plancha.
19:46Noong July 2026, ang nagsabi lang na bad weather kaya mababa yung aming hours work ay 757,000, 56,000
19:54lang.
19:55Pero noong August, umabot ito ng 3.3 million. So malaki talaga yung jump.
19:59Pwede na, let's say, alis sila 10 hours per day, mababawasan na lang. So maliit yung kita.
20:05If shorter ang, let's say, vendor, shorter yung kanyang time, then that will have impact on the income.
20:14Pero ngayong pumasok na ang Vermonts, ayon sa PSA, maaaring may mga trabaho naghihintay dahil sa papalapit na holiday season.
20:22Normally, ganun talaga. Pag malapit na yung Christmas, marami tayong mga activities and nagkakaroon ng mga additional workers.
20:32Because we are seeing longer hours, yung mga nasa retail market, for example, yung mga groceries.
20:40So businesses would extend their operation hours and thus they would hire additional workers on a seasonal basis.
20:50Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras
20:58Happy midweek, chikahan mga kapuso! Nadagdagan pa ang lumalaking Sparkle Family.
21:04Newest edition na ang dalawang pageant kings na ni-represent ang Philippines at isang Filipino-British singer, model, and actor.
21:11Kilalanin sila sa chika ni Nelson Canna.
21:17Mula sa iba't ibang projects dito sa bansa at sa abroad, nagsimula na ang panibagong yugto sa showbiz journey ni
21:24Filipino-British singer, model, and actor Bailey May, ngayong isa na siyang Sparkle Artist.
21:29Right now, ang focus ko po is music. I wanna, parang maraming na-build up sa akin ng inspiration sa
21:39music. So I think GMA is a good platform for me to express.
21:44From pageant kings, two sparkle artists naman ang peg ni na Mr. International Philippines 2026, Filipino-Italian John Wayne Alba,
21:55at Filipino-Australian Mr. Worldwide Philippines 2026, Jason Lopez.
22:01I grew up in Sydney, and I was a basketball player. I wanted to be a hooper my whole life.
22:10Tapos nagka-injury po ako ng dislocation ng knee and ACL. So after that, nag-trabaho na lang.
22:18I tried everything from factory to gym to sales to receptionist. I did it all.
22:26And, you know, for me to end up here, I think it's just a big blessing.
22:31I was born and raised in Italy, and I started to work at a young age kasi we needed financial
22:38support.
22:39Super surprised the fact na mapupunta ako sa TV somehow.
22:45Kabilang sina Bailey, Jason, at John sa mga bagong aabangan at hahangaan dito sa Kapuso Network.
22:52They made it official sa magkakahiwalay na contract signing with Sparkle GMA Artist Center,
22:58na pinangunahan ni na GMA Network Incorporated Senior Vice President, Atty. Annette Cosson-Valdez,
23:04Sparkle GMA Artist Center First Vice President, Joy Marcelo,
23:09kasama rin sina Sparkle GMA Artist Center Senior Talent Manager, John Navarro,
23:14at Empire Artist Management Incorporated Consultant, Jonas Gapud.
23:19Alam naman natin na ang daming talent talaga ng mga Pilipino,
23:23and lahat sila ay lumakay sa ibang bansa.
23:26Pero talagang nationalistic, and they all speak Tagalog.
23:30Gusto talaga nila dito sa Pilipinas, and kita naman natin ang gagwapo nila.
23:35Lahat sila talented. So we're very happy to welcome them to Sparkle.
23:38Nelson Canlas, updated sa Shubisapini.
23:42P records czillin.
23:42You got me.
23:43It's pretty.
23:43We'll see.
23:43It's knackp upеры tons of music is like,
23:45and the poop on it.
23:45You got me.
23:45I really want you.
23:46And we're with you.
23:47We got you.