Skip to playerSkip to main content
Nawalan ng tubig ang 800 bahay dahil sa nasirang tubo sa Cogeo, Antipolo city. At habang inaayos 'yung linya sa Cogeo, isa pang linya ng tubig ang nagkatagas.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00There are 800 buildings in Coggio, Antipolo City.
00:05At having inaayos yung linya sa Coggio,
00:08isa pang linya ng tubig ang nagkatagas.
00:10Mula sa Antipolo City,
00:12saksila si Katrina.
00:16Katrina?
00:19Pia ngayong gabi tuloy-tuloy ang ginagawang paghuhukay
00:22at pagkukumpuni ng mga tauha ng Manila Water
00:24sa nasira na main waterline dito sa Coggio,
00:27sa Marcos Highway sa barangay Bagong Nayon dito sa Antipolo City.
00:35Mula sa mahinang pagtagas ng tubig sa kalsada,
00:39bigla na lamang umangat ang semento
00:41at bumulwak ang malakas na angos ng tubig.
00:43Ang mga residente nakarinig pa raw ng malakas na tila pagsabog
00:48bandang alas 10.30 ng umaga kanina.
00:51Nasira na pala noon ang pipeline
00:53na malapit sa isang pumping station ng Manila Water.
00:56Sa lakas ng pressure ng tubig,
00:58umangat ang bahagi ng kalsada at tumalsik ang ilang bato.
01:02Ayon sa Antipolo LGU,
01:04walang tao o sasakyang natamaan sa insidente.
01:07Dahil sa insidente,
01:09napahinto ang ilang sasakyan
01:10at bumigat ang trapiko sa kahabaan ng Marcos Highway.
01:14Partikular na naapektuhan ang mga lane patungo mas hinag.
01:17Nang humina ang pagbulwak ng tubig,
01:19muling nabuksan ng apektadong lane.
01:22Hiniling ng Antipolo City LGU sa DPWH
01:25na agad kumpunihin ang nasirang kalsada
01:27sa sandaling matapos ang repair sa pipeline.
01:30Dakong alas 11.20 na umaga
01:32nang dumating ang mga taongan ng Manila Water.
01:34Paglilinaw ng kumpanya,
01:36hindi sumabog ang tubo.
01:38Nagkaroon daw ng breakage
01:40ang isa sa kanilang main waterline.
01:42Ang tawag namin doon ay breakage.
01:45Meron tayong isang main line
01:49na nagkaroon ng breakage kain ng umaga.
01:52Mga alas 20 ng umaga,
01:55nagkaroon ng breakage siya.
01:58Dahil doon sa breakage,
02:00yung linya ay medyo malaki.
02:03300 mm ito or 0.3 meters yung diameter.
02:08Kaya medyo nagkaroon ng pagbahanan tubig doon sa area.
02:14Ayon sa Manila Water,
02:15bandang alas 6.20 pa na umaga
02:17nagsimula ang breakage
02:19sa 300 mm o 0.3 meter diameter na main line.
02:23Dahil sa laki ng tubo at pressure ng tubig,
02:26mabilis na bumaha sa lugar.
02:28Makalipas ang halos isang oras
02:30na konti naman ang pagtagas.
02:32Kailangang i-clear ang kalsada
02:34upang muling madaanan ng mga sasakyan
02:36at mabigyang daan ang emergency repair.
02:38Pagsapit ng alas 2 hanggang alas 3 ng hapon,
02:41na-isolate na ang linya
02:42at humupa na rin ang pagbaha.
02:44Ilan sa mga tinitingnang sanhi
02:46ang biglang pagtaas ng pressure o pressure surge,
02:49vibration at bigat ng mga sasakyan
02:51sa ibabaw ng linya,
02:52pero hindi pa ito kumpirmado.
02:54Dahil kinailangang isara ang mga valve,
02:56pansamantalang nawalan ng tubig
02:58ang humikit kumulang 800 service connection
03:00o kabahayan.
03:01Kabilang sa mga apektado
03:03ang ilang bahagi ng barangay San Jose
03:04at barangay Bagong na yun.
03:06May isa rin ospital sa lugar
03:08na naapektuhan.
03:09Naglaan naman ang Manila Water
03:10ng isang water tanker.
03:12Target ng Manila Water
03:13na makumpletong pakukumpuni
03:14sa loob ng 24 na oras.
03:17Pero maaari pa itong humaba
03:19depende sa lalim ng linya,
03:20laki at posisyon ng bitak
03:22at iba pang kondisyon sa lugar.
03:25Nagkaroon din ang panandaliang pagtagas
03:27sa air valve ng isang linya
03:29sa Puting Bato,
03:29Barangay San Luis, Antipolo City.
03:31Agad naman itong isinara
03:33at nakontrol.
03:34Ayon sa Manila Water,
03:35walang naapektuhan
03:36at wala rin naitalang
03:37water service interruption.
03:43Piyang kapag isinasagawa naman
03:45ang repair ng mga tauhan
03:46ng Manila Water
03:46ay tuloy-tuloy naman daw
03:48ang gagawin na pagdedeliver
03:49o pagrarasyon
03:50ng tubig sa mga apektadong
03:51kabahayan
03:52gayon din dun nga
03:53sa hospital na apektado.
03:55At live mula dito
03:56sa Antipolo,
03:57ako si Katrina Sor
03:58na ang inyong saksi.
Comments

Recommended