00:04Lunes pa lang, pero let's go back in time.
00:07Sa panahong simple lang, pero masaya ang buhay,
00:10kasama na ang makulay at masarap na birthday.
00:13May vintage video nga niya ng isang trentahin.
00:16Usuhan na yan sa Report ni Ian Cruz.
00:22Ganito rin bang birthday mo noon?
00:24Tatak 90s ang first birthday ni Ara noong March 3, 1995 sa Tarlac City.
00:29May mga lobong nakasulat ang greeting mula kina papa at mama,
00:33hotdog at marshmallows na nakatusok sa pinutol na sanga ng saging repolyo o pinya,
00:39juice sa punch bowl na tuwing okasyon lang nilalabas at sinasandok para masalok.
00:45At syempre, di mawawala ang personalized cake.
00:48Reflection din ng fashion statement noon, ang pink na bistida noon ni Ara.
00:53Ang mga bisita naman, may kanya-kanyang birthday greeting at may kasamang kiss pa kay Ara.
01:00Kitang-kita kung gaano siya kaspesyal sa pamilya at mga taong nakasama niya noon.
01:06Simple lang ang panahon.
01:07Wala pang smartphones at social media.
01:10Isang araw na posibleng hindi na matandaan ni Ara.
01:13Pero sa tulong ng uso noong camcorder,
01:16ang video ng party.
01:18Nagsilbing time capsule ng kanyang pagkabaka.
01:21Ngayon, 32 years old na si Ara.
01:24Marami na nagbago simula noong 1995.
01:27Mas mabilis na ang buhay at isang click lang,
01:30pwede nang maibahagi ang bawat special moment.
01:34Pero salamat din sa teknolohiya ng panahon ito,
01:37kaya muling nakikita ngayon ang lumang VHS recording ng kanyang kaarawan.
01:42Isang vintage na paalala ng kanilang makulay na nakaraan,
01:46tampok ang mga di nagbabagong tagpo noon at ngayon.
01:51Ang saya ng may mga taong kasama,
01:54ang init ng pagmamahal ng pamilya,
01:57at ang pakiramdam na special ka sa araw na ikaw ang ipinagdiriwan.
02:03Ian Cruz, GMA News.