Skip to playerSkip to main content
Mag-asawang Velasco, handang sagutin ang mga alegasyon ni Gracioso; lilinawin sa counter-affidavit ang papel ni Gracioso


Kinumpirma ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco na kakilala niya si Rodulfo Gracioso, Jr. Lilinawin daw nila sa counter-affidavit ang papel ni Gracioso kasabay ng pagtanggi sa mga paratang nito. 



Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinoopin mo ng kampo ni dating House Speaker Lord Alan Velasco na kakilala niya si Rodulfo Gracioso Jr.
00:07Lilinawin daw nila sa counter affidavit ang papel ni Gracioso kasabay ng pagtanggi sa mga paratang nito.
00:13Saksi, si Chino Gaston.
00:17Tinatanggi at handa raw sagutin ang kampo ni dating House Speaker Lord Alan Velasco at may bahay nito
00:23ang mga aligasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. laban sa kanila.
00:27Dumating kanina sa tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI ang kanilang mga abogado
00:32bilang tugon sa imbitasyon ng NBI kaugnay sa isinasagawa nitong investigasyon tungkol sa mga isiniwalat ni Gracioso
00:40at para kumuha ng opisyal na kopya ng affidavit nito.
00:44Sabi ng nagpakilalang dating head security ni dating Speaker Velasco sa kanyang sinumpaang salaysay,
00:51naghatid siya ng mali-maletang pera sa ilang politiko sa utos o mano ni Velasco.
00:57Kabilang sa hinatiran o mano, sinooy Davao City Mayor Sara Duterte.
01:01Nauna lang itinanggi ni na Vice President Duterte at Velasco ang mga paratang ni Gracioso.
01:06Nandito po kami to basically participate in the investigation.
01:13I support a lawful investigation, public accountability, and of course, evidence-based reporting.
01:19Kaya po kami nandito dito to represent them and of course, to participate in any legitimate inquiry.
01:24Sabi po ng NBI, this is a factual investigation.
01:27Kaya po nandito kami, kinuha po namin formally yung copy ng affidavit ni Gracioso at sasagutin po namin ito sa
01:34tamang nga.
01:35Sabi ng kanyang mga abogado, kilala nga ng dating house speaker si Gracioso,
01:40pero lilinawin sa counter-affidavit ang tunay na papel nito.
01:43Meron po kaming katibayan kung ano po naging estado ni Gracioso at relasyon niya of course sa mga kliyente namin.
01:50Sa saguti po namin, mahirap po kasi na sabihin naging tao, anong klase ng tao.
01:54Itinanggi rin ni Attorney Ilagan ng mga aligasyong umiiwas o mano ang kanyang mga kliyente sa pananagutan,
02:00kaya umalis sa mga ito ng bansa.
02:03Nauna nang sinabi ng NBI, August 30 pa, umalis pa Japan si dating speaker Velasco.
02:08Habang ang may bahay nito, umalis pa Hong Kong noong September 24
02:12at wala pang impormasyon kung nakabalik na sila sa bansa.
02:16As private citizens, they can freely travel and that is one of our constitutional rights as an individual.
02:21Bukod sa mga asawang Velasco, kasama si na Vice President Sara Duterte
02:25at kapatid nitong si Davao Congressman Pulong Duterte sa mga inimbitahan ng NBI.
02:30Sa isang liham sa NBI noong Sabado, sinabi ng kampo ng Bise na natanggap nila ang imbitasyon
02:36pero hindi sila makakadalong ngayong araw.
02:39Sa halip, humingi ng hanggang Huwebes, October 8, ang kampo ng Bise para makapaghanda ng sagot
02:44dahil hindi raw sila nabigyan ng opisyal na kopya ng sinumpaang salaysay ni Gracioso.
02:50Sinusubukan ba namin kunan ang pahayag si Congressman Duterte?
02:54Ako si Chino Gaston, ang inyong saksi!

Recommended