00:00Mula sa supply ng tubig hanggang sa panggatong sa pagluluto,
00:04paano kaya pinagahandaan ng ating mga kapuso ang matinding efekto ng Super El Nino?
00:09Yan ang tinutukan ni Bea Pidlac.
00:15Kalumamantignan, pero kahoy pa rin ang gamit ng Pamilya Kanyeda para magluto mula almusal hanggang hapunan.
00:22Mas tipid daw kasi yan, lalo na't halos 20 pesos ang taas presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas
00:29o LPG ngayong Oktubre.
00:30Kasi po mga anak po, wala po kayong pambili ang gas po minsan, ma'am.
00:34Diyan po kami magluluto. Mas tipid po, ma'am. Kakay po muna po pag walang gas.
00:40May nakaabang din na mga drum sa labas ng bahay nila para sumalo ng tubig sakaling bumuhos ang ulan.
00:46Sa panlaba, tapos pambuhos sa CR. Pero yung inamendong kami kumukuha sa brother ko po.
00:52Kahit pa paano, makakatipid-tipid kami kahit pa paano ang tubig po.
00:56Yan din ang tipid tip ng National Water Resources Board o NWRB.
01:01Lalo na't kailangan paghandaan ang epekto ng Super El Nino sa supply natin ng tubig,
01:06gayong inaasahang maaari itong magtagal hanggang kalagitnaan ng susunod na taon.
01:12Kung mag-iimbak tayo sa ngayon, ay huwag po yung tubig sa mga faucet po natin.
01:17May sapat tayong supply.
01:18But kung mag-iimbak tayo, mas maganda po yung tubig ulan.
01:22Abang nag-uulan po, gawin natin yung pagkakataon na ito na ma-recycle ito at makakatulong po ito sa paghahanda
01:29po natin.
01:30Hindi ko kailangan mag-parik yung kababayan natin o mag-iimbak ng tubig na lampas po sa pangangailangan po natin.
01:38May El Nino man o wala, mahalaga rin daw ang responsable at matipid na paggamit ng tubig.
01:45Pwede natin bawasan yung paggamit natin ng tubig, yung po yung pakiusap natin sa kababayan natin.
01:52Yung paligong ako nga minsan, isang balde na lang, dati tatlo.
01:57Ayon sa NWRB, nagbawas na ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila galing sa Anggatdam.
02:01Di po ibig sabihin yan, may kababawasan ng supply para sa kababayan natin sa Metro Manila.
02:07Itong pagbabawas nating alokasyon is paghahanda po natin.
02:12Paghahanda natin ng mga water supply natin para sa impact nitong strong super El Nino na aabot nga hanggang sa
02:21susunod na taon.
02:22Nauna na rin sinabi ng NWRB na sakaling lumala ang epekto ng super El Nino,
02:27na kasaad sa water code na mas prioridad ang mga kabahayan at irigasyon sa agrikultura.
02:33Sa mahal ng petrolyo at ibang pangunahing bilihin, wala raw talagang choice si Jing kung di maghigpit pa ng sinturon.
02:41Nabawasan din kasi ang kita niya sa arawang pamamasada ng tricycle
02:45dahil sa taas ng presyo ng gasolina na inaasahang tataas pa ngayong linggo.
02:50Dati nagpapagaspo ko ng 500, yanon.
02:54Tapos ngayon, ano na lang po, dalawang daan, sanda na lang po yung pagaspo.
02:58Para kahit pa paano, may pambili pa ako ng gatas ng anak ko tsaka diaper, tubig.
03:02Kung anong pagtitipid namin na basakayanin pa pagtitipid, ginagawa po namin.
03:07Dati po, nagaano kami yung mamashel-mashel kami.
03:12Ngayon hindi na, hindi na muna sa bahay kasi napakamahal po talaga ng bibilihin.
03:17Bea Pinlak, Nakatutok, 24 Horas.