00:00Nasira o nakontaminan ng daga o iba pang peste ang mga ayuda at food pack sa ilang warehouse ng Department
00:07of Social Welfare and Development o DSWD.
00:10Kabilang po yan sa mga puna ng Commission on Audit o COA.
00:14At nakatutok si Mariz umali.
00:19Sa panahon ng sakuna, kalamidad at mga emergency, inaasahan ng gusto ng mga nasasalanta ang mga relief at food packs
00:26mula sa DSWD.
00:27Pero pinuna ng Commission on Audit ang ilang warehouse ng DSWD sa Region 10 na pinasok daw ng daga dahil
00:34wala umunong sapat na food safe at systematicong pest control program.
00:38Dahil dito, halos 107 milyon pesos na halaga ng welfare goods o ayudang nakaimbak dito ang posibleng nakontamina o nasira
00:47dahil sa mga daga at iba pang peste nung pagtatapos ng 2025.
00:51Paliwanag ng DSWD, isa sa mga problema ay ang kakulangan sa lugar ng pest control service na ligtas para sa
00:58pagkain.
00:58Remember, mga pagkain ang nilalaman itong mga warehouse na ito.
01:02Hindi ito yung pangkaraniwan lang na pest control na gagamitin mo sapat na dahil bakalalong maging mapanganib yung nilalaman ng
01:09goods pag hindi food grade.
01:10Nilino ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi ang buong 107 milyon na halaga ng food packs ang na-expose
01:18sa daga at sa isang libong warehouse daw ng DSWD sa buong bansa, dalawa lang ang napeste.
01:24Ang nakagat ng mga daga doon, ang mga na-contaminate ng mga daga doon ay 280,000 lamang.
01:32Ibig sabihin that's around 600 pieces na family food packs.
01:37Siyempre sa amin, ang isang food pack pa rin na nasira ay isang food pack pa rin nasira.
01:42Pero Maris, in the total scheme of things, hindi yun lumabas sa bodega namin.
01:46Para hindi na lumala ang problema at mas masigurong mapoprotektahan ang mga food pack, ay binalot na rin ang mga
01:52ito ng plastic.
01:54Para masigurado na may added layer ng proteksyon laban sa peste.
01:58Pangalawa, makailan lang nakahanap na rin kami through referrals ng food grade na pest control para sa area na yun.
02:06Pino na rin ang COA ang mga nasirang stocks.
02:086 na milyong piso ang halaga ng welfare goods ng DSWD sa Region 1 na itinapon lang dahil nasira.
02:14Hindi naman daw nasunod ang mga pamantayan sa pag-i-stock ng mga family non-food items sa ilang warehouse
02:20sa Region 4.
02:21Pero sabi ni Gatchalian,
02:22Panganib, pero inaksyonan rin namin yun. Walang nasira rin doon.
02:26Ayon sa DSWD, bukod sa mga sakuna, may iba pa raw pinaglalaanan ang kanilang mga food pack,
02:32gaya ng Food for Work program, para masigurong mapapakinabangan at hindi may expire lang ang kanila mga ayuda.
02:39Regular din daw ang pag-i-inspect at pag-monitor nila sa mga warehouse para masigurong dekalidad ang kanila mga
02:45ayuda.
02:45We assure the public na kung ano ang nilalabas namin sa bodega ay mga bagay na personal kami mismo, na
02:52konsumo namin.
02:52Walang lalabas sa bodega namin ng hindi naka-quality assurance ng mga development workers namin.
02:59Mariz Omali Nagtutok, 24 Horas.