00:00Sabantala, dako tayo sa Iloilo. Problemado po ang ilang mga commuter doon dahil sa pagtaas naman ng pasahe.
00:07Yan po, kabilang dyan ang mga estudyante.
00:09At may unang balita live si John Sala ng GMA Regional TV. John.
00:18Ivan, good news para sa mga jeepney driver ang pagtaas ng pamasahe simula kahapon.
00:22Pero, dagdagpasani naman ito ng mga commuter lalo na ng mga estudyante na pinagkakasya lang ang kanilang budget.
00:30Ayon sa approved na fare matrix ng LTFRB para sa mga traditional jeepney mula sa 13 pesos na minimum na
00:37pamasahe.
00:38Tumaas ito sa 14 pesos.
00:40Sa mga modern jeep naman, 17 pesos na ang minimum na pamasahe mula sa dating 15 pesos.
00:46Tumaas din ang pamasahe ng mga bus, UV Express at TNVS.
00:50Ang taxi naman ay magpapatupad din ang provisional increase sa flagdown rate na nasa 65 pesos na ngayon.
00:59Dagdagpasani nito ng ilang mga pasahero lalo na ng mga limitado lang ang budget kagaya na lang ng mga estudyante.
01:05Ayon sa kanila, wala raw silang magagawa kundi pagkasyahin muna ang kanilang budget at mag-adjust na lang sa gastusin
01:12kagaya ng kanilang mga baon.
01:14May ilang jeepney drivers naman ang hindi pa nakapagpaskil ng fare matrix
01:19kaya hindi pa sila nagpatupad ng taas sa pamasahe.
01:24Ivan, ayon sa LTFRB 6 ay maaring ma-download sa kanilang website ang fare matrix at maiprint
01:31at hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang opisina para kumuha nito.
01:36Yan ang latest mula dito sa Iloilo City.
01:38Ivan?
01:39Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
01:43Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
Comments