00:00Humihingi ng Temporary Restraining Order sa Korte Suprema si dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
00:08Laban sa desisyon ng Impeachment Court, na sa pag-compute ng two-thirds vote para makapag-convict,
00:14pwedeng hindi isama ang mga senador na wala sa araw ng botongan dahil nakakulong, nagtatago o may sakit.
00:23Ayon kay Rodriguez, walang kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court o bilang isang legislative body para baguhin ang konstitusyon.
00:32Nakasaad sa saligang batas na ang voting threshold two-thirds ng lahat ng membro ng Senado.
00:39Labing-anim yan kung bibilangin ang lahat ng 24 na senador.
00:44Pero sa desisyon ng Impeachment Court, pwede itong bumaba kung bababa rin ang bibilanging senador.
Comments