00:05Apektado na rin ang operasyon ng mga truck na nagde-deliver ng gulay sa Divisoria dahil sa taas presyo ng
00:11produktong petrolyo.
00:12Live mula sa Maynila, may unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:16Gabriel.
00:21Ivan, nahihirapan na ang ilang truckers o yung mga nagkakarga at nagde-deliver ng gulay dito sa Divisoria
00:27dahil sa mataas na presyo ng krudo.
00:31Kaya ang ilan sa kanila napipilitan na lamang po na magbawas ang biyahe para hindi tuluyang malugi.
00:39Ang mga truck na dating puno ng mga gulay, ngayon ay halos one-fourth na lang ang laman.
00:45Ganyan ang sitwasyon ng ilang nagde-deliver ng gulay rito sa Divisoria.
00:49Ngayong mataas ang presyo ng diesel.
00:51Ayon sa ilang trucker, tila pang rasyon na lang na gulay ang kanilang ibinabagsak sa araw-araw
00:56dahil mas kaunti raw ang kumukuha sa kanila.
00:59Piktado kasi mataas yung mga bilihin.
01:03Basta mayroon lang silang pa, kunti-kunti.
01:06Ang trucker naman na si Armando Hilia, hindi na araw-araw ang biyahe para hindi malugi.
01:12Bukod kasi sa mahalang krudo, mahal din ang kanilang bayad sa cold storage facility ng Sibuyas sa Maykawayan, Bulacan.
01:19Minsan tipid-tipid na lang kahit logi, wala tayong magagawa, talagang mataas ang gasolina ngayon.
01:26Minsan pinupuno na lang namin para sa isang linggo, mga dalawang bisis o tatlong bisis na lang kami bibiyahi.
01:32Simpis kumita ng kunti, nababawasan pa, kaya wala na rin tuloy.
01:37Ang mga nagtitinda ng gulay, napipilitang magtaas ang halos triple ang presyo dahil sa mahal ng puhunan.
01:44Mamumuho na kami kamukha ng pechay ang puhunan 1,000. Tapos binibenta lang namin ng 1,20 isang tali, linis
01:53na.
01:54O nangyayari ngayon, yung imbis nakikita kami ng ano, sa isang tali, 10 piso na lang napupunta sa amin.
02:01Talagang rugi pa eh, pag inabot pa kami ng tumal, yun na, wala na.
02:06Pangunahing apektado na mataas na diesel ang pechay na nasa 1,20 pesos na per kilo.
02:11Mula sa dating 50 to 60 pesos per kilo.
02:15Mustasa na nasa 1,20 na ang kilo.
02:17Repolyo na nasa 200 na ang kilo.
02:20Kamatis na nasa 100 na ang kilo.
02:22Ang talong, 70 pesos na ang kada kilo.
02:25Ang ampalaya mabibili sa 1,50 kada kilo.
02:28Okra na nasa 1,50 na ang kada bundle mula sa dating 50 to 60 pesos.
02:34At sayote na nasa 85 na ang kilo mula sa dating 40 to 50.
02:38Kaunti lang ang paggalaw sa presyo ng carrots, kalabasa, sibuyas at bawang.
02:44Ayon sa Confederation of Truckers Association of the Philippines o CETAP,
02:49malaking bahagi ng gastos ngayon ng mga bumibiyahing truck ay napupunta na sa diesel.
02:53For the information ng lahat, ang operation expense ng trucker is very, very big on the fuel.
03:0550% of it ng aming operation charges is sa diesel na pupunta.
03:12Nakahanda daw silang suporta ng grupong Manibela sa ikakasang transport strike sa pamamagitan ng silent protest.
03:26Samantala, Ivan, ang ginagawa naman ng ilang mga nagtitinda ng gulay ay ibinibenta yung ilan sa kanilang mga produkto ng
03:34palugi.
03:34Yan daw yung kanilang hakbang para kahit paano hindi naman masayang yung kanilang mga produkto at kahit paano ay kumita
03:41kahit maliit.
03:42Yan muna ang latest mula rito sa Maynila, Gabriel Gonzalez, GMA News.
03:54Yan muna ang latest mula rito sa Maynila, Gabriel Gonzalez, GMA News.