00:00Good news, mga kapuso, may isang silver na Pilipinas sa 2026 Asian Games.
00:07Nakuha yan ng ating pambato sa Mixed Martial Arts.
00:10Tatlo naman ang bronze sa ngayon.
00:12Mula po sa Nagoya, Japan, nakatutok live si JP Soriano.
00:17JP!
00:21Emil, mga kapuso, naku, good news nga, pero ito talaga itong ating pambato sa MMA na si John Claude
00:28sa Klag ay puno ng pangihinayang dahil nabigo nga siyang makuha ang unang gintusan ng Pilipinas
00:33para sa Asian Games dito sa Nagoya, Japan.
00:39Sa finals ng 65kg Mixed Martial Arts ang 20th Asian Games,
00:44unang nakatama ng suntok si John Claude the Dynamite sa Klag ng Pilipinas.
00:49Pero tila nakikita ng kalamang si Otavek Rajabov ng Tajikistan ang bilis at lakas ng suntok ni sa Klag.
00:56Kaya agad itong sinunggaban at idinapa ang Pinoy at hindi na pinakawalan.
01:01Nanaig ang Tajikistan sa score na 3-0.
01:04Silver medal si Saklag ang una para sa Pilipinas.
01:08Kasayangan talaga ako.
01:09Gusto ko talagang umisip ko kaya ako mag-gold talaga.
01:12Nags-respect ko na kaya ako mag-gold.
01:14Kasi sad ako.
01:16Hindi lang, hindi dahil sa natalo ko.
01:18Pero performance ko parang nakukulangan ako.
01:22Sa boxing, bigo rin si Paris Olympics bronze medalist at ang Asian Games flag bearer na si Aira Villegas
01:29na makasulong sa finals matapos matalo sa preliminaries ng women's 51kg laban sa Indian boxer na si Sakshi Chaudhari.
01:38Ayon sa Association of Boxing Alliances in the Philippines o ABAP,
01:42natalo si Aira sa mas magaling at mas matangkad na boksingero at alam daw ito mismo ni Villegas.
01:48Sa swimming, kinapos ang Filipino swimming sensation na si Kayla Sanchez na pumang-apat sa finals ng women's 100-meter
01:56freestyle.
01:57Nag-clock in si Kayla ng 53.65 seconds.
02:01Halos dikit sa bronze medalist na may oras na 53.47 seconds.
02:20Kung may mga heartbreak, marami rin Pinoy athlete ang nanalo sa kanika nilang sports ngayong araw.
02:25Historic ang bronze medal win ng women's team kata skwada sa pangunguna ng mga Pinay athlete sa sina Rebecca Cyril
02:33Torres,
02:34Samantha Biguillas at Isabel Arugante.
02:37Tinalo nila ang Thailand sa score na 4-1.
02:40May winning start din ang Gilas Pilipinas women's 3x3 matapos talunin ang Mongolia sa score na 17-12.
02:47Gumawa rin ng kasaysayan ang Philippine Under-23 men's football team matapos talunin ang Kuwait 2-1 sa kanilang huling
02:56match sa group stage dito sa Nagoya.
02:58Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa men's football ng Asian Games sa loob ng 68 taon mula ng talunin
03:05ng Pilipinas ang Japan noong 1958 Tokyo Asian Games.
03:09Panalo rin ang team Pilipinas sa fencing kabilang si Juliana Gomez, anak ni na Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy
03:17Torres Gomez.
03:22Emil, mga kapuso, narito po tayo ngayon sa venue ng MMA event kanina at ayon nga kay John Claude ay
03:29nabiguman siya makuwang ginto ay sisikapin niyang makabangon at makabawi muli sa mga susunod na games.
03:35Bukas po, marami pang events ng ating mga kababayan sa iba't ibang sporting events pero lahat po ay nakatutok para
03:40sa muling attempt ni Carlos Yulong,
03:43two-time Olympic gold medalist, pati na rin ang kanyang kapatid at ang lahat ng kanyang teammates para sa pagpapatuloy
03:49ng Asian Games 2026.
03:51At mula rito sa Nagoya, Japan, arigato gosaymas, Emil, at bilang bahagi po ng Philippine Olympic Committee Media at GMA
03:57News, balik muna sa iyo.
03:59Maraming salamat, JP Soriano.
Comments