Skip to playerSkip to main content
Tinatayang p48m halaga ng ari-arian ang nasunog sa Pampang Public Market sa Angeles City, Pampanga kagabi. Emosyonal ang ilang negosyante na nawalan ng kabuhayan.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tignan natin ang 48 milyon pisong halaga ng ari-arian ang nasunog sa Pampang Public Market sa Angeles City, Pampanga,
00:07kagabi.
00:08Emotional po ang ilang negosyante na nawala ng kabuhayan.
00:11Saksi si Bam Alegre.
00:17Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na ito sa Pampang Public Market sa barangay Lourdes Northwest sa Angeles City, Pampanga.
00:23Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Angeles City, pasado la 7.30 kagabi, nang maiulat sa kanila ang sunog.
00:29Base sa inisyal na investigasyon, unang sumiklab ang apoy sa Passage 1 sa loob ng Palengke.
00:34Kumalat ito sa sari-sari store section na may mga tindang bigas, grocery, frozen goods at mantika.
00:40May mga sumasabog eh. Maraming combustible materials doon. May mga cooking oil na nasa loob at mga LPG.
00:48Kaya minabuti ng itasa, maksakip alam. Pari di na madama yung iba pang adjacent structure.
00:56Hating gabi nang maideklara ang fire out. Bagaman may maliliit pa rin apoy na naiwan sa ilang stall.
01:01Mahina yung ano natin, mga hydrant natin. Yung dali ng pag-refill ng mga truck natin, medyo mabagal.
01:11Medyo nahihirapan tayo ng atulay ng kotia sunog.
01:15Ayon sa Angeles City BFP, halos 4,000 square meters ang lawak ng sunog sa pampang market.
01:20Hubigit kumulang 300 stall ang apektado at tinatayang 48 milyong piso ang halaga ng pinsala.
01:26Sabi ba ng BFP, isang pulis na nagtamon ng minor injury matapos tamaan ang tumalsik na butane gas container sa
01:32tuhod.
01:32Pero agad din nakabalik sa pagresponde matapos lapatan ng lunas.
01:36Patuloy ang investigasyon sa pinagmula ng apoy.
01:38Tinitignan natin baka electrical in nature yung sunog.
01:42At the same time may tumutulo daw, tumutulo yung bubong ng dry goods section.
01:48Tinitignan natin yung ang gulong yun.
01:51Pansamantalang ipinasara ng Angeles City LGU, ang sari-sari at wet section ng pamilihan.
01:56Gusto natin na maligtas sila, maligtaging safe sila, kaya pinapaalam natin na huwag silang lalagi dito sa mga nasunugan
02:04para mas siligta sila at hindi posibleng madaganan.
02:09May mga pulis na nagbabantay sa lugar para maiwasan ang looting o pagnanakaw sa mga lugar.
02:14Ang ilang negosyanteng nasunugan, emosyonal dahil apektado ang kabuhayan.
02:18Hindi po namin alam na nasusunog.
02:20Kung alam namin, pupunta kami dito agad para naisang makalabas naman kami ng paninda.
02:26Naisang paninda, warang.
02:28Nakita namin daw nung umpisa, usok pa lang.
02:30Anong pagano namin, ang bilis nang kumalat ng apoy.
02:35Bumuuna ng Composite Task Force ang Angeles City LGU para tulungan ang mga apektado.
02:41Ako si Bama Legre, ang inyong saksi.
Comments

Recommended