00:00Inalis na po ng BIR ang VAT o Value Added Tax sa System Loss sa Kuryente.
00:05Ang tanong, magkano ang mababawas sa bill at kailan niyang mararamdaman?
00:10Saksi, si Bernadette Reyes.
00:15Sa loob lang ng ilang buwan, lumobo sa 84,000 pesos ang Miralco Bill na nakapangalan kay Rochelle.
00:23Sampung pamilya raw silang naghahati-hati sa iisang metro,
00:26pero hirap ngayong magbayad dahil sa taas ng presyo ng kuryente.
00:31Libong piso na ang binabayara nila sa System Loss pala
00:34o yung kuryente ng natural na nawawala kapag dumadaloy sa kable
00:38o kung ninanakaw tulad ng mga gumagamit ng jumper.
00:42Yung mababa po yung System Loss noon, hindi po maabot ng 26,000 ang bill po.
00:47Ngayon po, medyo lumaki po ang System Loss natin, kaya lumaki rin po ang bill ng kuryente po.
00:54Pero asahang lilingit ang System Loss Charge dahil sa memo ng Bureau of Internal Revenue o BIR
01:01natanggalan na ito ng Value Added Tax o VAC.
01:04Sabi sa utos, hindi ito kailangan buwisan dahil hindi naman ito bahagi ng kabuoang kita ng producer
01:10at distributor ng kuryente o maging ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
01:17Ngayong naglabas na ng kautusan ng Bureau of Internal Revenue na tanggalin ang buwis sa System Loss Charge,
01:24kailangan na lang magkaroon ng pagbabago sa collection at billing system ng mga distribution utilities.
01:29May mga kailangan ding linawin sa BIR ayon sa Energy Regulatory Commission o ERC.
01:35Pero target ng komisyong maipatupad na ito sa October Bill.
01:3920 pesos ang matitipid kung 200 kilowatt hours ang konsumo ng isang bahay.
01:44Dahil maliit lang kung tutuusin, hinihirit ng ilan na alisin na ang buong System Loss na hindi naman ako konsumo
01:51ng mga customer.
01:53Sunod na yan target ng Department of Energy o DOE.
01:56Lalo't yan mismo ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa nakaraan niyang State of the Nation Address.
02:02Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
Comments