00:00Alinsunod po sa utos ng Sandigan Bayong 3rd Division, inilipat na sa UP Philippine General Hospital si dating House Speaker
00:07Martin Romualdez.
00:08Nakatakdam maglabas ng ospital ng medical report para matukoy kung kailangan talagang manatili siya sa ospital.
00:14Nakatutok si Jonathan Andal.
00:19Mula sa pribadong Cardinal Santos Medical Center, inilipat na si dating Speaker Martin Romualdez sa pampublikong Philippine General Hospital.
00:27Pasad 8.30 na umaga, nasa kustudiyena ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP si Romualdez.
00:34Bantay sarado ng mga tauha ng BJMP at pulisya si Romualdez, sakay ng ambulansya.
00:40Yun yung main entrance ng PJH kung saan dumadaan yung mga regular na pasyente na dinadala dito.
00:45Pero yung ambulansya ni Romualdez, dito dumiretso sa isang sulok na ito ng PJH.
00:50Ang sabi ng mga gwardiya sa atin, hindi daw yan yung regular na daanan ng mga pasyente.
00:53Hindi natin nakita na bumaba mismo si Romualdez mula dyan sa ambulansya na yan.
00:59Hindi nakita ng media na bumaba ng ambulansya si Romualdez sa tindi ng siguridad.
01:04Iniharang pa ng mga taga-BJMP ang kanilang katawan sa pinto ng ambulansya nang bumukas ito.
01:10Sa isang pahayag, kinumpirma ng UPPJH na nailipat na sa kanila si Romualdez.
01:14Ayon sa pamunuan ng ospital, wala silang ilalabas na resulta o detali ng kondisyon ni Romualdez,
01:20maliban sa medical report na isusumitin nila sa korte para mapangalagaan ng confidential medical information ng pasyente.
01:28Tiniyak ng PJH na mananatili silang objective at professional sa pagsusuri kay Romualdez.
01:34Bumuo sila ng grupo ng mga espesyalista na gagawa ng kinakailangang medical examinations at diagnostic tests sa pinsan ng Pangulo.
01:41Gagawa sila ng medical report na ipapasa nila bukas ng hapon sa Sandigan Bayan.
01:46Dito ay babatay ang rekomendasyon ng PJH kung kailangan pa nga bang manatili ni Romualdez sa ospital.
01:53Sa PJH muna si Romualdez hanggat hindi siya pinalalabas ng Sandigan Bayan.
01:57Sabi ng BJMP, hihintayin nila ang utos ng korte kung ililipat na si Romualdez sa New Quezon City Jail Male
02:03Dormitory sa Payatas
02:05kung saan din nakakulong ang iba pang isinasangkot sa flood control scam.
02:08Sa Sandigan Bayan na nagpalipat ni Romualdez sa PJH, ito ay para raw ma-verify kung alinsunod sa ipinipitasyon ng
02:15dating speaker,
02:16eh kailangan ba talaga niya ng hospital confinement?
02:18Ilan sa mga sakit na iniinda umano ni Romualdez?
02:21Taas ba bang blood pressure dahil sa stress, panganib na ma-stroke, pati na depresyon?
02:27Sabi ng abogado ni Romualdez, hindi nila pinipeke ang medical reports ng kongresista.
02:31Sa lunes, sa harap sa Sandigan Bayan ang opisyal ng UP PJH para i-report ang kondisyon ni Romualdez.
02:37Sa miyerkoles, babasahan ng sakdal ang dating speaker.
02:41Jonathan Andal, Nakatutok 24 Oras.
Comments