00:00Nalambat sa Taguig ang Puganting Australia na nagtaguh sa Pilipinas para takbuhan ng reklamo sa kanya sa India.
00:06Huli rin ang 7 bodyguard niya, kabilang po ang isang retiradong sundalo.
00:12Nakatutok si John Consulda.
00:17Sa surveillance video na ito ng mga nakasunod na operatiba sa Taguig City,
00:22kita ang convoy ng dalawang SUV habang may dalawang motorcycle escorts o haggad sa unahan.
00:28Bumaba ang isang dayuhan na binabantayan ng 7 nakabarong na bodyguards.
00:33Hinuli sila ng Bureau of Immigration, Fugitive Research Unit o BIFSU at PNP.
00:42Target nila sa operasyon ang 52-anyos na Puganting Australian na may Interpol Red Notice.
00:48Nakuha sa kanyang mga bodyguard ang tatlong baril.
00:51Ayon sa BIFSU, wanted ang Australiyano sa India dahil sa reklamong criminal conspiracy
00:57nakatumbas ng large-scale estafa dito sa Pilipinas.
01:01Dinadivert umano niya ang pondo ng isang kooperatiba sa India at tinangay ang maygit 1.6 billion pesos.
01:07Matagal ng permanent resident dito sa atin.
01:11Sinasabi rin na yung kaso niya sa India ay lumabas lamang itong Marso na itong taong ito.
01:18Kaya agad nagpadala ng request sa atin ng Interpol upang siya ay hulihin.
01:22Kumita siya ng mahigit kumulang 27 million US dollars sa pamamagitan ng pag-forge ng mga peking dokumento at pagkuhan
01:32ng mga kontrata.
01:32Ayon sa mga otoridad, sa pitong inarestong bodyguard, isa ay retardo-sandalo ng Philippine Army.
01:39Tatlo sa kanila ay mga active natauhan ng MMDA.
01:43Dalawa sa kanila, nagsisilbing driver ng mga hagan.
01:47Napagalaman niya natin na itong mga protective agents niya ay walang kaukulang permits
01:51at napagalaman din natin through coordination with MMDA na ang tatlo dito ay empleyado nila.
01:58Ayon sa impurbasyon ng mga otoridad, taong 2013 pa raw gumagamit ng hagan at bodyguards ang dayuhan sa tuwing naririto
02:05sa Pilipinas.
02:06At dahil sa kanyang kaso, ayon sa BI, mare-revoke ang kanyang permanent resident visa.
02:12I-impound ng Land Transportation Office ang dalawang motrosiklong minamaneho ng dalawang MMDA personnel
02:18dahil sa mga di-otorizadong blinkers, wang-wang at peking plaka.
02:22Kung mapapansin nyo, halos pareho yung MB file number. Nagkap mali lang sa isang digit.
02:29Imposible pong mangyari yun. Kaya nung pag-verify namin, a.k.a. itong dalawang ito.
02:34So wala siyang record, hindi siya talaga MB file ng isang motrosiklo.
02:42Ayon kay MMDA Chairman Attorney Rolando Artes, gumugulong na ang kanilang imbisikasyon
02:47at hindi kukonsintihin ng MMDA ang maling gawain.
02:52John Consulta, Nakatutok 24 Aras.
Comments