Skip to playerSkip to main content
2, sugatan sa karambola ng 3 truck at isang tricycle; Nasa P45,000 halaga ng gadget at mahahalagang dokumento, ninakaw ng 2 lalaki mula sa nakaparadang sasakyan sa Brgy. San Isidro; 29-anyos na lalaking napaulat na nawawala, natagpuang patay sa loob ng isang kuweba sa Brgy. Gaswiling; 8-anyos na lalaki, nasa ICU matapos muntik na malunod; paa ng bata, na-stuck sa pool drain; Rep. Martin Romualdez, ikukulong sa BJMP QC Male Dormitory sa Payatas, batay sa commitment order ng Sandiganbayan 3rd Division; “From Vlog to Love" digital series nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino, mapapanood na simula sa Sept. 18;  


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Sinalpok ng 10-wheeler ang closed delivery van na yan sa National Highway sa Barangay Bagacay sa Domaguete, Negros Oriental.
00:09Nabangga naman ng closed van ang isang nakaparadang truck na may kargang kahon-kahong bote ng soft drinks.
00:16Agad nagpulasan ang mga trabahador. Dama rin sa karambola ang isang tricycle.
00:21Nagkalat sa kalsada ang mga basag na bote ng soft drinks.
00:24Sa investigasyon ng pulis siya, nawala ng preno ang 10-wheeler na may kargang sako-sakong asin.
00:30Nagpapagaling sa ospital ang sugatang driver nito at ang driver ng nabanggang closed delivery van na naipit sa manibela.
00:37Wala pa silang pahayag.
00:40Huli kam naman sa Kainta Rizal ang pagtangay ng dalawang lalaki sa libu-libong pisong halaga ng gadget at mga
00:48mahahalagang dokumento sa isang sasakyan.
00:51Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:55Mag-aalas 8 ng umaga noong September 3, iniwan saglit ng isang lalaki ang kanyang sasakyan bago pumunta sa kanilang
01:03coffee shop sa barangay San Isidro, Kainta Rizal.
01:07Maya-maya, lumapit ang dalawang lalaking nakaitim at sinilip ang loob ng sasakyan.
01:12Dahil naiwang hindi nakalakang sasakyan, nabuksan nila ang pinto sa likurang bahagi nito.
01:18May naispat ang gamit ang mga salarin sa passenger seat, kaya't agad nila itong kinuha sa kaumalis.
01:25Hindi nakita sa CCTV, pero ayon sa biktima, pouch na naglalaman ng mga halagang bagay ang tinangay ng mga salarin.
01:33Papalis kami, then nagpe-prepare ako noon, binababa ko yung mga gamit namin.
01:40Doon sila sumalis eh.
01:41Ang laman noon, isang tablet worth around 45,000.
01:45Then, ano, mga importanteng documents.
01:48Yung mga records namin, identifications, nandoon nakarecord.
01:53Ayon sa barangay, hindi sila pamilyar sa dalawa.
01:56Karamihan po kasi ang nagkakaroon dito is mga dayo.
02:00Kaya kailangan maging maingat tayo sa ating paligid.
02:05Ang aming barangay ay patuloy naman pong nagsusumikap sa pag-rurubing.
02:11Patuloy ang backtracking ng pulisya sa mga CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin.
02:19Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:28Wala nang buhay ng matagpuan ng isang lalaki sa loob na isang kuweba sa Kapangan, Benguet.
02:33Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
02:37nagtungo sa Manahongkong River sa Barangay Gaswiling ang biktima noong September 3,
02:42pero hindi na nakauwi sa kanilang bahay.
02:44September 5, ang ma-report ito sa mga otoridad na nagsagawa ng search and rescue operation.
02:50Itong lunes na September 7, nakita ang bangkay ng 29 anyos na lalaki.
02:54Wala pang payag ang kanyang mga kaanak.
03:00Ligtas na mga natagpuan ng 80 anyos na lolong napaulat na nawawala sa Barangay Ang Pukaw sa Itogon, Benguet.
03:06Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktimang may Alzheimer's disease nitong Sabado ng hapon.
03:11Mahigit isang araw hinanap ang biktima na nakita ang nakaupo sa tabi ng ilog
03:15na humigit kumulang isandang metro ang layo mula sa kanilang bahay.
03:20Nakitaan siya ng sugat sa noo at magkabilang hita.
03:23Ligtas siyang naibalik sa kanyang pamilya at sasailalim sa karagdagang medical attention.
03:28Wala silang pahayag.
03:32Nasa intensive care unit ng isang batang lalaki sa isang ospital sa Lapu-Lapu, Cebu,
03:37matapos na muntik malunod at mastak ang paas sa pool drain.
03:41Ayon sa nanay ng bata, nag-staycation sila sa isang condominium sa Barangay Look.
03:47Nang maligo ang bata sa pool, tila nagbiruraw na nalulunod.
03:51Kaya inanam ng kanyang nanay ang lagay nito.
03:53Tumalun siya sa pool at nang nahirapang hilahin ang bata ay humingi siya ng tulong sa gwardya roon.
04:00Nakuha ang bata ng patayin ang pinagagalingan ng tubig na gamit sa swimming pool.
04:06Ikinadismaya ng pamilya na walang lifeguard doon.
04:08Ang ama at pinsa nito ang nagtulungang bigyan ng CPR ang bata hanggang sa dumating ang ambulansya.
04:15Nakausap ng mga magulang ng biktima ang namamahala sa condominium.
04:20Nangako itong sasagutin ang pagpapagamot ng biktima.
04:23Sinubukan ng GMA News na kunin ng pahayag ang management ng condominium,
04:28pero tumanggi itong magbigay ng komento sa media.
04:38Maghihintay na lang ng medical clearance ang BGMP bago ilipat sa Quezon City Jail Mail Dormitory sa Payatas
04:44si dating House Speaker Martin Romualdez.
04:47Sa pagdinig ng Sandigan Bayan kahapon,
04:49humarap ang isa sa mga pinasabi ng doktor ni Romualdez at sinabing
04:52hindi niya nasuri ang kongresista bago makonfine sa ospital.
04:57Balitang atin ni Maki Pulido.
05:01Bureau of Jail Management and Penology o BGMP na ang may kustudiya
05:06kay dating House Speaker Martin Romualdez.
05:08Base sa inilabas na commitment order ng Sandigan Bayan 3rd Division,
05:12ikukulong si Romualdez sa BGMP Quezon City Mail Dormitory sa Payatas, Quezon City,
05:18kung saan nakakulong din ang iba pang isinasangkot sa flood control scandal.
05:23Ang bilin ng anti-graft court, hindi maaaring ibiyahe, ilipat o palayain si Romualdez
05:28nang hindi nito iniuutos.
05:30Sabi ng BGMP sa isang pahayag, agad nilang ililipat si Romualdez
05:34oras na bigyan siya ng medical clearance.
05:37Hindi rin daw nila bibigyan ng special treatment ang kongresista.
05:40Hindi rin daw niya solo ang selda.
05:43Nakahanda lang po ang BGMP in any eventuality.
05:47Meron pong definitely may makakasama po siya doon.
05:50Kung ano meron doon sa flood control accused.
05:53Pati yung other high profile PDL natin, same.
05:56Pare-pareho lang kung ang design ng selda doon.
05:58At sakaling kailanganin ang dating speaker, meron naman daw silang medical facility sa city jail.
06:03Meron po talaga medical facility.
06:06O ang tawag namin ay infirmary sa loob mismo ng jail.
06:09May in-house medical doctor tayo at nurses na 24-7.
06:13Round the clock na sa facility naman din.
06:17Pumarap naman sa Sandigan Bayan ang ipinasubinang doktor ni Romualdez.
06:21Tinawag ni Dr. Kurt Allen Sibayan na unusual o hindi pang karaniwan ang nangyari.
06:26Kahit daw kasi siya ang nakalagdang admitting doctor, hindi niya raw na check up si Romualdez.
06:32Ipinagbawal umano ito ng main attending physician ni Romualdez na si Dr. Rosalio Torres.
06:38Ibinigay na lang daw sa kanya ni Dr. Torres kung ano ang isusulat sa medical abstract.
06:43At wala naman daw nakalagay doon na kailangan ng hospital confinement.
06:47Hindi rin daw emergency case si Romualdez.
06:50Nang dumating daw sa hospital si Romualdez, hindi siya dumaan sa emergency room.
06:54At dumerecho na lang ito sa kanyang hospital room.
06:57Ayon naman kay Dr. Torres, noong September 7, araw na inisyo ang arestwaran kay Romualdez,
07:02tumawag ang staff ng dating speaker bandang alas 9 hanggang alas 10 ng umaga
07:06dahil sumasakit daw ang dibdib nito.
07:08Alas 4 na ng hapon nang magpunta si Romualdez sa hospital.
07:13Within normal naman daw ang resulta ng mga test.
07:15Pero pinaconfine daw nila ito para ma-evaluate ang kalusugan
07:19at maaaring anumang oras ay pwede umano siyang atakihin sa puso.
07:23Kailangan rin daw ng monitoring ng kanyang puso at mahalagang mabantayan ng psychiatrist
07:27dahil stress daw ang dating speaker.
07:31Pero inamin din niyang kung gagamit ng ambulansya, kakayanin naman itong bumiyahe.
07:36Makipuli doon nagbabalita para sa GMA News.
07:44Pambahang latest for the weekend, ang real-life pakilig din na Sparkle star Shuvie Etrata
07:50at Anthony Constantino, mapapanood na rin on screen.
07:55Sa susunod na biyernes na September 18, ang premiere ng kanilang digital series na
08:01From Vlog to Love.
08:02Gaganap sina Shuvie at Anthony bilang sina angge at bullet sa rom-com serye.
08:09Makapanood ang sex parts series sa official YouTube channel ng GMA Network
08:13every Fridays and Saturdays 7pm.
08:16Ano kaya ang dapat abangan ng viewers?
08:22Mas lovey-dovey!
08:27Secret! You guys have to watch for that one.
08:32Bukod sa digital series, mapapanood din ang tambalang Shuvie at Anthony sa telebisyon bukas.
08:39Bida sila sa first episode ng Barangay Love Stories on TV.
08:44Mapapanood yan sa GMA ng 4pm.
Comments

Recommended