00:00Naghihintay na lang ng medical clearance ang Bureau of Jail Management and Penology
00:05bago mailipat sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas
00:09si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:11Sa pagdinig ng Sandigan Bayan kahapon humarap,
00:13ang isa sa mga ipinasabti ng doktor ni Romualdez na sinabing hindi niya nasuri ang kongresista.
00:20Hindi rin daw ito emergency case.
00:22Ngayong araw itutuloy ang hearing sa motion for confinement ng kongresista.
00:26May unang balita si Maki Pulido.
00:33Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na ang may kustudiya
00:37kay dating House Speaker Martin Romualdez.
00:40Base sa inilabas na commitment order ng Sandigan Bayan 3rd Division,
00:44ikukulong si Romualdez sa BJMP Quezon City Male Dormitory sa Payatas, Quezon City,
00:49kung saan nakakulong din ng iba pang isinasangkot sa flood control scandal.
00:54Ang bilin ng anti-graft court hindi maaring ibiyahe, ilipat o palayain si Romualdez
00:59nang hindi nito iniuutos.
01:02Sabi ng BJMP sa isang pahayag, agad nilang ililipat si Romualdez oras na bigyan siya ng medical clearance.
01:08Hindi rin daw nila bibigyan ng special treatment ang kongresista.
01:12Hindi rin daw niya solo ang selda.
01:14Bakahanda lang po ang BJMP in any eventuality.
01:18Meron po definitely may makakasama po siya doon kung ano meron doon sa flood control accused.
01:25Pati yung other high profile PDL natin, same, pare-pareho lang kung ang design ng selda doon.
01:29At sakaling kailanganin ang dating speaker, meron naman daw silang medical facility sa city jail.
01:35Meron po talaga medical facility o ang tawag namin ay infirmary sa loob mismo ng jail.
01:40May in-house medical doctor tayo at nurses na 24-7.
01:45Around the clock na sa facility naman din.
01:48Sa ngayon, nasa Cardinal Santos Medical Center pa rin si Romualdez habang dinidinig pa ng korte ang muson niya
01:54para sa patuloy na hospital confinement.
01:57Sabi ng PNP Public Information Office, hindi medically fit bumiyahe ang dating speaker
02:02base sa pinakahuling medical certification mula sa kanyang mga doktor kaya wala siya sa pagdinig.
02:08Pero humarap naman sa Sandigan Bayan ang ipinasubinang doktor ni Romualdez.
02:12Tinawag ni Dr. Kurt Allen Sibayan na unusual o hindi pang karaniwan ang nangyari.
02:18Kahit daw kasi siya ang nakalagdang admitting doctor, hindi niya raw na-check up si Romualdez.
02:24Ipinagbawal umano ito ng main attending physician ni Romualdez na si Dr. Rosalio Torres.
02:29Ibinigay na lang daw sa kanya ni Dr. Torres kung ano ang isusulat sa medical abstract.
02:34At wala naman daw nakalagay doon na kailangan ng hospital confinement.
02:38Hindi rin daw emergency case si Romualdez.
02:41Nang dumating daw sa hospital si Romualdez, hindi siya dumaan sa emergency room.
02:45At dumerecho na lang ito sa kanyang hospital room.
02:48Ayon naman kay Dr. Torres, noong September 7, araw na inisyo ang arestwaran kay Romualdez,
02:53tumawag ang staff ng dating speaker bandang alas 9 hanggang alas 10 ng umaga dahil sumasakit daw ang dibdib nito.
03:00Alas 4 na ng hapon na magpunta si Romualdez sa hospital.
03:04Within normal naman daw ang resulta ng mga tests.
03:07Pero pinaconfine daw nila ito para ma-evaluate ang kalusugan at maaaring anumang oras ay pwede umano siyang atakihin sa
03:13puso.
03:14Kailangan rin daw ng monitoring ng kanyang puso at mahalagang mabantayan ng psychiatrist dahil stress daw ang dating speaker.
03:22Pero inamin din niyang kung gagamit ng ambulansya, kakayanin naman itong bumiyahe.
03:27Para sa Department of the Interior and Local Government o DILG, kung kailangan daw talagang maospital ng mambabatas,
03:34dapat daw sa PNP General Hospital, isang police facility sa loob ng camcrame kung saan, nakahanda na raw ang kwarto
03:41para kay Romualdez.
03:42Ito ang unang balita, Maki Pulido, GMA News.
Comments