00:00Samantana, kahit libre ang tuition sa state colleges and universities,
00:04hindi pa rin ligtas ang mga estudyante at magulang sa ilang bayarin at gasto sa kolegyo.
00:09Kaya, naman, malaking tulong daw ang inamiyandahang bersyon
00:13ng Universal Access to Quality Tertiary Education.
00:17Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:23Kung noon malaking problema sa kolegyo ang pang tuition,
00:26simula 2017, libre na yan sa mga state colleges and universities,
00:32local universities at colleges at state-run technical vocational institutions
00:36dahil sa ipinasang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
00:41Pero hindi lang naman tuition ang gastusin sa kolegyo.
00:44Gaya ng napatunayan ni Kenji Tomes, anak ng construction worker.
00:48Halimbawa, paano ka naman papasok kung wala ka pa masahe?
00:52Sobra layo pa, tapos nilalakad ko lang po siya pag ano.
00:56Kapag wala, short po ng pera.
00:58Students in the higher education does not live with free tuition fee alone.
01:02We have the transportation, the accommodation, the daily subsistence.
01:07Kaya maraming hindi pa rin makatapos sa pag-aaral.
01:10Mapalad si Kenji, na naging benepisyaryo siya ng Tertiary Education Subsidy
01:14na abot sa P7,500 pesos ka the semester.
01:18Graduating na siya ngayon sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education.
01:22Ngayon po kasi, nakakakuha ka na nga po, ano.
01:25So, tricycle na po.
01:28Tricycle na po, jeep-jeep na ganon po.
01:31Sobrang laking tulong po yun, lalo na po sa mga, katulad ko na may mga pangarap
01:35na gusto po na, ano, mag-give back sa parents,
01:38na gusto po na, um, hindi na po maging ganon kung ano po kami,
01:43na gusto po umangat talaga.
01:45Bahagi na yan ang dati ng batas.
01:47Palalawigin pa sa inamyandahang versyon ng Quality Tertiary Education Act
01:51na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:54We will sustain the support year after year
01:57because every learner who completes a college degree or TVET program
02:01brings greater opportunity to a family
02:04and strengthens our nation with a more skilled, productive, and empowered citizenry.
02:10Isis sa mga pangunahing promisyon niyan, nadagdagan ang halaga ng subsidy.
02:15Kaya itong uwakte ay nailaan para po titignan, dadagdagan yung mga allowance nila.
02:21Hindi pa malinaw kung magkano dahil nakadepende pa ito sa aprobahang pondo.
02:25Pero ako ang chef ang tatanungin.
02:27Yung ideal, if you ask me, 15,000 will be very ideal.
02:32Kami lang din sa mga amyanda ang pagbigay ng scholarship at subsidy
02:35sa mga kwalifikado mag-aaral na nasa pamilya ng 4Ps.
02:38Mga estudyante ng solo parents at mga PWD.
02:42At paano ang problema ng maraming estudyante sa internship
02:46at pagkuhan ng professional licensure exam.
02:49Pati yan, bibigyan na rin ang subsidy
02:51at di agad makagraduate at kailangan mag-extend.
02:54Kung sapat ang dahilan,
02:55pwede rin ma-extend ang subsidy ayon sa binagong batas.
02:59Pwede rin itong takasan dahil sa inflation o pagmahal ng gasto sa edukasyon.
03:03At mula 2.6 milyon,
03:06pararamihin sa 2.8 milyon ang beneficiaryo simula sa taong 2027.
03:11Maganda ang hikain,
03:13pero nakasalalay pa rin sa pondong ilalaga para rito.
03:16It always boils down to the funding talaga.
03:20So we have a very, very good policy now.
03:23In fact, this is a manifestation or a showcase
03:27of how our present government really give importance to education.
03:31Ivan Mayrena nagbabalita para sa GMA News.