00:02Himala sa Himalayas, buhay na nahugot sa kanyang bahay sa Nepal, ang babaeng 64 na taong gulang,
00:09sampung araw matapos ang ragasan ng glacier flash flood.
00:14Nakuhang biktima sa ikaapat na palapag ng bahay niyang natabunan ng kuti.
00:18Agad siyang in-airlift sa ospital sa Kathmandu, ang kamisera ng Nepal.
00:23Ligtas din nakuha sampung araw matapos ng kalamidad ay isang Chinese national
00:27sa isang binahang hydropower tunnel.
00:30Ayon sa mga otoridad, di bababa sa siyam na raan ang posibyong na trap sa mga lagusan sa anim na
00:36hydropower projects sa Nepal.
00:39Bago siya, may naunang nasagip na dalawang Nepali employees sa isa ring hydropower tunnel.
00:44Dinala na sila sa ospital.
00:47May nakaligtas din ilang nagtatrabaho sa hiwalay na tunnel ilang oras matapos ang ragasan ng baha.
00:53May gitlimang libo pa ang nawawala kasama ang isang turistang Pinoy.
00:56Nasa 1,300 na ang bilang ng mga nasawi.
01:02Sa isang iglap, nawasak ang mga naipundar ng isang Pilipina nang manalasang flash flood sa Nepal.
01:09Ang kanilang karanasan, eksklusibong tinutukan ni JP Soriano.
01:17Salamat anak po, nabuhay kami.
01:21Sariwa pa sa alaala ni Roof ang naranasan sa isa sa itinuturing na pinakamatinding natural disaster sa Nepal.
01:29Umaga ng August 26 nang makarinig sila ng malalakas na dagundong sa kanilang apartment sa Trisholi Bazaar, Luwakot District, Nepal.
01:38Kasama niya noon ang mga anak na sina Earl at Baby Gian.
01:42Mabilis daw ang pangyayari.
01:44Agad silang pumunta sa Hendo Temple sa pinakamataas na bahagi ng Trisholi.
01:49Ang tubig po napaka-itim po, puro batong.
01:55Tapos dumadagundong po.
01:56Ang bilis po.
01:58Malapit po kami doon.
01:59Tapos nagmamadali po kami ang anak niya.
02:01Madami po ang taong nagsutulakan, umiiyak.
02:05Pag talikod po, nakita ko po yung ibang tao na kain na po ng flood.
02:13Ang kanyang panganay na anak na si Earl,
02:15ang bumuhat sa kanyang 16-month-old na baby na kapatid.
02:19Parang nakatingin po yung mama ko sa akin.
02:21Sinun, nasa likod ko.
02:23Tapos yung mga tao po nagsisiksikan,
02:26parang ako po yung nangbibigay ng daan sa kanila.
02:29Nang marating nila ang templo,
02:31nakita nilang kuwasak at natabunan ng pinaghalong putik at tubig
02:36ang kanilang lugar.
02:38Nang humupa ang tubig, tumambad ang lawak ng pinsala.
02:50Sa isang iglap, nawasak ang lahat ng naipundar nila Roof
02:55simula nang lumipat sila sa Nepal mula noong 2024.
03:04Ilang oras na naglakad si Roof para puntahan ang mga kaanak ng asawang Nepalese.
03:09Kinugkup din sila ng mga kapwa Pilipino roon at mga Pilipinong nasa Kathmandu.
03:15Nag-ambagan at bayanihan ang mga ito para kina Roof.
03:19Tumulong din daw ang Philippine Embassy sa New Delhi, India na may jurisdiction sa Nepal.
03:25Isa si Roof sa tinatayang 128 na Pilipinong nakabase na sa Nepal na may asawang Nepalese.
03:32Kaugnay naman sa lagay ng Pilipinong doktor na si Juan Carlos Manalo
03:35na naiulat na nawawala sa Nepal matapos ang flash flood.
03:40Wala pang bagong update na inilalabas ang DFA maging ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.
03:46Ako po si JP Soriano. Nakatutok, 24 oras.
Comments