00:00Maging ang mga alagang aso at pusa ay pwedeng tamaan ng leptospirosis.
00:05Pero pwede nga ba nilang maipasa ang sakit sa tao?
00:08Saksi, si Katrina Son.
00:14Mahilig maglaro ang 11-year-old na fur baby ni Medina Go na si Miyuki.
00:20Ngunit nung nakaraang linggo, nakatakas umano ito.
00:23At nang makita nila, basa na dahil sa paglalaro sa mga naipong tubig sa malapit na kalsada sa kanilang bahay.
00:31The next day, nagsusuka na siya at saka nagdumi na may dugo.
00:35Agad din nilang dinala sa vet ang alaga.
00:38Ngunit ilang araw pa ang nakalipas, mas nang hinaumano ang alaga niya.
00:43Bumalik yung suka at dumi niya ng dugo.
00:46Dito mismo ang harap ni Doc, nagdumi siya na lumabas puro tubig sa kaya ng dugo.
00:51And then that's when nag-ano na si Doc na test for leptospirosis.
00:57Dito na raw na dialysis ang fur baby at ginamot para sa leptospirosis.
01:02Laking pasasalamat na lang niya at agad na agapat.
01:06Si Kelvin Markulit naman, sinisiguro raw na off-to-date ang bakuna ng kanyang alaga na si Haya.
01:12Prevention is always better than treatment.
01:14So we really have to make sure na yung mga leptospirosis vaccination updated talaga.
01:22Tapos yun, hygiene ng dogs.
01:26Nagpunta rin sila ngayong araw sa vet para ipacheck kung ano pa ang kakailangan ng bakuna ng kanyang fur baby.
01:33Paliwanag ng veterinaryo, tumataas din ang kaso ng mga aso at pusa na nagkakaroon ng leptospirosis ngayong maulan.
01:41Right now, nasa sampung pasyente na po ang merong positive with leptospirosis dito sa klinik, which is alarming para sa
01:49amin.
01:50Ang leptospirosis ay impeksyong dulot ng bakterya na karaniwang matatagpuan sa ihi ng infected na hayop, lalo na ng daga.
01:59Maaring makuha ito ng mga alaga kapag uminom o lumusong sila sa baha.
02:03O kaya naman ay sa putik o naipong tubig na kontaminado ng ihi.
02:08Pwede rin pumasok ang bakterya sa sugat o gasgas sa balat ng alagang hayop.
02:13O kaya naman sa mata, ilong o bibig ng hayop.
02:17Minsan dimidilaan kasi nila yung mga basang tubig.
02:20So may ihina pala ng daga.
02:23So pumapasok yun by mouth.
02:25At the same time, minsan may mga sugat din yung mga alaga natin.
02:29Pwede rin sila makontaminate nang galing po sa sugat o sa wound po ng mga alaga natin.
02:35Babala ng veterinaryo, may mga hayop na halos walang sintoma sa simula kaya mahalaga ang maagang pagpapatingin.
02:43Paalala pa nila, kumonsulta tungkol sa angkop at updated na leptospirosis vaccine.
02:48Kapag nagpakita ng sintomas, huwag magbigay ng gamot ng walang payo ng veterinaryo at huwag nanghintayin lumala ang kondisyon.
02:56Pwedeng matransfer sa tao kung infected yung aso mo ng leptospirosis.
03:00Kaya po ina-advisean namin yung mga pet owner na halimbawa na-diagnose ng leptospirosis yung alaga nila.
03:07Nakontakin nila yung mga general practitioner or mga doctor po ng human para bigyan sila ng prophylactic treatment para sa
03:16leptospirosis.
03:18Gumamit ng gloves sa paglilinis ng ihi o dumi ng pinaghihinalaang may sakit na alaga.
03:23Iwasan ding dumikit sa balat o kaya naman sa mata at bibig ang ihi nito.
03:28At ugaliin maghugas agad ng kamay.
03:31Ako si Katrina Son, ang inyong saksi!