Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito na ang mabibilis na balita.
00:04Nagkasunog sa isang warehouse sa barangay Apolono, Quezon City, pasado alas gis kagabi.
00:10Itinasa unang alarma ang sunog at rumispondi ang mahigit 30 truck ng bumbero.
00:14Napula ang apoy matapos ang halos 30 minuto.
00:17Walang naitalang sugatan sa insidente.
00:20Kabilang sa mga nasunog ang iba't ibang items na niriripak at ibinibenta online.
00:26Iniimbestigan pang sanin ng apoy at halaga ng pinsala.
00:32Matinding trapiko ang sumulubong sa mga motorista at commuters sa MacArthur Highway sa Valenzuela kaninang umaga.
00:39Kasabayan ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways sa mga lubak sa kalsada
00:43na idinulot ng malalakas na ulan noong nakaraang linggo.
00:47Dahil diyan, nahirapang makasakay ang maraming commuter dahil punuan ang mga pampasaherong jeep.
00:52Para maibsan ang bigat ng trapiko, nagbukas ng zipper lane ang mga tauhan ng DPWH.
01:02Bago at malaking milestone ng isang successful medical operation sa Quezon City.
01:08Isang pasyente sa Urology Center of the Philippines ang tagumpay na natanggalan ng malignant prostate gland.
01:15Siya ang kauna-unahang inoperahan sa bansa sa pamamagitan ng telesurgery.
01:21Ang mga nag-opera kasi sa kanya, mga espesyalista ng UCPI na nasa Shanghai, China.
01:28Sa tulong po yan ang MedBot, isang makina na may robotic arms at monitor na kinokontrol sa pamamagitan ng internet.
01:35Sakaling bumagsak man daw ang internet connection sa naturang procedure, may mga doctor on site na nakahandang sumalong.
01:42Malaking tulong ang ganyang uri ng medical technology sa bansang gaya ng Pilipinas na kulang sa mga espesyalista.
01:50Uy, bago yan!
02:01Nanalasa ang buhawang yan sa Pomas, France.
02:04Maraming bahay ang natangay ng bubong dahil sa napakalakas na hangin.
02:08Ayon sa mga otoridad, abot sa tatlong daang bahay ang nasira.
02:13Isandandoon ang pusibling hindi na maaling tirahan pa kaya inilikas ang mga apektadong pamilya.
02:18May mga iniulating sugataan matapos ang pananalasa ng buhawi.
02:25Pumanaw po sa edad na walumpu ang legendary singer-songwriter at queen of country music, Dolly Parton.
02:33Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa kanilang official social media accounts.
02:37Inalala nila ang memories at life achievements ni Dolly.
02:41Sabi nila, she will always love you, nahango sa timeless masterpiece ni Dolly na I will always love you.
02:47Nakilala rin si Dolly sa mga kantang Jolene at Coat of Many Colors.
02:52Isa si Dolly sa naging best-selling female artists of all time.
02:57Mayroon siyang 11 Grammy Awards, kabilang ang Lifetime Achievement Award.
03:01Nag-host siya ng TV variety show at naging star sa ilang movies.
03:06Naglulong sa rin ang ilang Hollywood celebrities sa pagpanaw ng music icon.
03:11Kabilang sa kanila, ang country music star din na si Reba McIntyre,
03:16na sinabing mahalaga ang ambag ni Dolly sa music zine.
03:20Ang isa pang country music star na si Blake Shelton,
03:23inilarawan si Dolly na funnest, most loving and caring person.
03:27Ang award-winning actress naman na si Jamie Lee Curtis,
03:30tinawag na hero si Dolly.
03:32Si Kelly Clarkson, mamimiss daw ang incredible talent at gift ni Dolly
03:37na hinahangaan ng marami.
03:40Si Carrie Underwood, tinawag na epitome of faith, grace, talent, beauty and humor
03:45ang namayapang music icon.
03:47Naglulok sa rin si Celine Dion sa pagpanaw ni Dolly
03:51na itinuring niya na may mabuting puso at mapagbigay.
03:55Iniutos ni U.S. President Donald Trump na i-half-staff ang kanilang mga watawat
04:00bilang pagpupugay kay Dolly na tinawag niyang isa sa greatest country singers.
04:07Sa iba pang balita, arestado ang isang taga Bureau of Fire Protection
04:11na sangkot umano sa slot for sale scheme.
04:15May ulit on the spot si June Veneracion.
04:18June?
04:22Connie, huli nga sa etrapet operation ng PNPC IDG
04:26ang isang babaeng tauhan ng BFPO Bureau of Fire Protection
04:29na sangkot sa tinatawag na slot for sale scheme.
04:32Nagsimula umano ang raket ng suspect na may rangong Senior Fire Officer 1
04:36sa paggamit ng dami social media account.
04:39Nagpapadala raw ito ng message sa mga social media account
04:43ng mga aplikante na makakapasok sila sa BFP
04:45kapag nagbigay ng kalahating milyong piso.
04:49Isang aplikante ang nagsumbong kaya ikinasaang chop into operation.
04:52Sa naon ng pagkikita ng complainant at suspect,
04:55napababa ang halaga sa 300,000 mula 500,000.
04:59Sa sulod nilang pagkikita, dapat magkakabayaran na.
05:01Pero ang ending, arestado ang suspect.
05:04Sinampahan na siya ng reklamong robbery extortion
05:06in relation to Cybercrime Prevention Act.
05:09Surod namang sasampahan ang kanyang kasabwat na senior officer
05:12na meron daw papel sa BFP recruitment process.
05:16Sabi ni Colonel Grant Golod,
05:17ang regional chief ng CIDG Region 3.
05:21Inimbestigahan ang PNPC IDG kung meron pang ibang sangkot sa slot for sale.
05:26Siyam na taon, nasa servisyo ang suspect ng sweldo
05:29kasama ng alawans ay nasa 45,000 pesos kada buwan.
05:33Sabi ni Colonel Golod, bago nahuli ang suspect,
05:35meron na daw siyang naunang nakatransaksyon na apat na aplikante
05:39na nahinga niya ng 100,000 pesos kada isa.
05:42Hindi pa malinaw kung nakapasok talaga sa BFP ang apat na aplikante.
05:47Wala pang pahayag sa ngayon ang na-arestong suspect.
05:49Taon-taon, nasa 20,000 hanggang 30,000 ang mga aplikante sa BFP
05:55para sa job opening na 2,500 lang.
05:58Isa ito sa nakikitang dahilan bakit may nagbabayad para makapasok sa ehensya.
06:02Umaapila si BFP spokesperson, fire superintendent Anthony Arroyo
06:06sa mga gustong makapasok sa ehensya
06:08na huwag magpaloko sa mga mag-aalok ng slot for sale.
06:11Yan ang latest mula rito sa Camp Crame.
06:13Balay, Sir Connie.
06:14Maraming salamat, June Venerasyon.
06:20Ito naman, gaano kaka-adventurous pagdating sa taste buds?
06:25Yung iba daw kasi titikin ba ng mga cookies na 3D printed?
06:29Ikaw yung 3D printer ka.
06:30O nga, pero hindi pa yan ang pinakakagulat na factor ha ng sweet treat.
06:34Baka gawin mo ito ha.
06:35Ang isa kasi sa main ingredients dito, plastic waste.
06:39Uy, bago yan.
06:42Fresh from the oven, este from the printer.
06:45Yan po ang micro bites.
06:47Produkto yan na mga researcher mula sa Southern Illinois University,
06:50Carbondale sa Amerika.
06:53Nabuo ang cookie dough nito gamit ang polyethylene terephthalate
06:57o PET plastic o PET plastic na kananiwang ginagamit sa
07:00bilang lalagyan ng pagkain at inumin.
07:04Iprinuseso ang PET plastic matapos haluan ng biodegradable waste
07:07gaya ng mga dahon ng mais.
07:10Ang nabuo mula sa plastic at plant waste,
07:12tinaluan ng engineered yeast para mabuo ang protein
07:15para makagawa ng 3D printed cookies.
07:18Pero wait lang, patuloy pa pong dinedevelop ang 3D printed cookies
07:23at hindi pa maituturing na ligtas kainin ng mga tao.
07:28Dinedevelop ito sa ilalim ng isang programa
07:30ng National Aeronautics and Space Administration o NASA
07:34kung saan target makagawa ng pagkain sa mga lugar
07:38na limitado ang resources gaya ng outer space.
07:42Ayan, basta safe kainin.
07:44Pero so far, wag mo na.
07:45Wag mo na.
07:46Pero try mo iprint.
07:47Ha, ha, ha, ha, ha.

Recommended