00:06Update po tayo sa Day 19 ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
00:11May ulat on the spot si Ian Cruz. Ian?
00:18Yes, Connie, ngayon ngayon ng Day 19 ay naglabas na ng ruling si Presiding Officer Cheese Escudero
00:23patungkol sa subjudicial rule ng Impeachment Court.
00:28Isa-isa pa nga, Connie, ni Escudero ang mga quotes patungkol sa pagpapatunay niya
00:34na lumabag nga o lumagpas nga sa subjudicial rule, mapasenator judges at ang magkabilang panig ng partido sa impeachment trial.
00:42Sabi ni Escudero, kilala naman ang mga personalidad kung sino ang nagsabi nito.
00:46Ayon sa kanya, sa ngayon ay nasa clean sheet muna ang lahat.
00:50Pero mula ngayon ay magiging mahigpit na ang Impeachment Court sa pagpapatupad ng subjudicial rule.
00:55Dapat daw lahat ng public statement ay hindi tatalakay sa merito ng mga bagay na nakabimbin sa trial.
01:01Inulit ni Escudero ang kanyang sesyon na mag-appoint ng spokesperson
01:05ang magkabilang panig na hindi miyembro ng prosecution o defense panel
01:09dahil kung ang spokesperson ay miyembro ng panel, applicable pa rin sa kanya ang subjudicial rule.
01:14Sa mga susunod na paglabag sa subjudicial rule, magkakaroon ng 24 hours na palugit ang korte
01:21para magsumite ng verified answer sa Shoko's order na maaaring magmula sa mosyon na hukuman o maging ng aling partido.
01:29Kung reprimand o admonition ang first offense, may monetary fine na 30,000 pesos ang second offense.
01:38At madaragdagan ito ng 30,000 sa kada sunod na offense na gagawin ng isang personalidad.
01:43Ani Escudero hindi matatapos sa impeachment court ang paglabag sa subjudicial rule
01:48dahil ipapasa nila ito sa Supreme Court at sa Office of the Bar Confident.
01:53Ang hindi pagsunod sa subjudicial rule ay maaaring raw ma-refer
01:55patungkol sa pagiging unbecoming na miyembro ng bar ang isang lumabag.
02:00Paalala ni Escudero sa prosecution, hindi primary duty ng prosecution na mag-convict
02:05kundi matiyak na justice is done.
02:08Sa respondent at depensa naman, hindi lamang ang i-secure ang acquital at all costs.
02:12Kailangan daw mairepresent ang akusado ng competent, efficient at diligent.
02:16May paalala rin si Escudero sa mga senator judges kasama ang kanyang sarili
02:21na mag-decide sa impeachment batay sa record sa ilalim ng constitutional rules
02:25at sa paraang karapat-dapat sa kumpiyansa ng mamamayan kung saan may pananagutan ang hukuman.
02:32Connie, inabot na nga ng halos alas 11 ng umaga ang pagbasa ni Escudero dyan sa inilabas niyang ruling
02:39at pagkatapos noon ay nagkaroon na ng maiksing cross-examination si Atty. Christine Ferrer
02:45kay Asec Lemuel Ortonio ng OVP.
02:48Nagkaroon na rin ng pagkakataon ng ilang senator judge na magkaroon ng interjection or intervention
02:54at sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang redirect ni Atty. Lady Vinagracia ng prosecution
03:02dito kay Asec Ortonio.
03:04Inaasang mamaya rin ay magkakaroon ng lunch break ang impeachment court.
03:08So yan muna ang latest mula rin ito sa Senado.
03:10Balik sa iyo, Connie.
03:11Maraming salamat, Ian Cruz.
03:15Maraming salamat, Inaasang mamaya rin.