Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) Lumubog na tugboat; Niño Muhlach, nakaaksidente; Inspeksyon ni PBBM sa mga binaha; Luxury cars ni Derek Ramsey, 'di bayad ng tamang buwis?, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Lumubog ang isang tugboat sa botong ng Zambales na may kargang 15,000 litro ng diesel.
00:11Hihilahin na sana patungong pampang ang tugboat na may isang linggo nang nakasadsad,
00:15makaraang mabutas at pasukin ng tubig sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat.
00:20Nahuli ka mang pagtalo ng sampung nagsasagawa ng emergency salvage operation sa lumulubog na bangka.
00:28At nakatutok live si June Generasyo.
00:31June!
00:36Vicky, Emil, Mel, mga dalawang daang metro ang layo mula sa baybay ng isang barangay dito sa bayay ng Botolan,
00:44Zambales.
00:45Isang tugboat ang lumubog kaninang umaga.
00:4824 oras kayo nang bantayan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
00:52Nakahandaan yung kanilang mga oil spill boom, absorbent pad at iba pang gamit.
00:57Ito'y bilang preparasyon sa kaling magkaroon ng oil spill dahil nasa 15,000 liters ng diesel ang karga ng
01:05lumubog na tugboat.
01:10Sa gitna ng maalong dagat, unti-unting lumulubog ang tugboat na Suwalwan sa dagat na sakop ng Botolan, Zambales, kaninang
01:17umaga.
01:19Nang halos kalahati na nito ang nakalubog sa tubig, isa-isang nagsitalunan ang mga sakay na nagsasagawa ng emergency salvage
01:26operation.
01:31Minuto lang ang binilang.
01:39Tuluyan ang nilamon ng tubig ang tugboat at lumubog sa lalim na 24 na metro.
01:53Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa maayos na kalagayan ang sampung nakunang tumalun sa tugboat.
01:59Ang nakababahala, laman ng lumubog na tugboat ang 15,000 litro ng diesel.
02:05Sa ngayon, wala pa raw nakikitang oil spill sa dagat at kalapit na Bukaw River.
02:10Pero naghahanda ang Coast Guard kung sakali.
02:13Handang-handa po ang Philippine Coast Guard dyan.
02:16Naka-standby na po ang ating mga absorbent pods, kasama po yung ating mga oil spill response equipment sa area.
02:22Na-insure din po natin na naka-intact po ang lahat ng fuel tanks.
02:27Batay sa report ng Coast Guard, noon pang August 14, nakasadsad sa mababaw na bahagi ng dagat ang tugboat na
02:34pag-aari ng SMC Shipping and Lighterage Corporation.
02:37Sinadya raw itong isadsad matapos pasukin ng tubig at bahayin ang engine room dahil hinampas ng malalaking alon.
02:45Siyam na tripulante ang nasagit noon.
02:47Pero kanina, habang hinihila ang tugboat, doon na ito lumubog.
02:51Sinu-pull up na po actually itong barto na ito from the agrounding area.
02:57Habang hinihila po ito dahil naka-refloat na po siya, napansin po ng ating mga Coast Guard person.
03:03Kasama rin po itong operator ng salvage company na unti-unti po siya na naglilis sa starboard hanggang sa lumubog
03:11po ito.
03:13Patuloy ang investigasyon sa dahilan ng paglubog ng baka.
03:40Sabi ng Coast Guard Sambales, kailangan daw talagang matanggal yung lumubog na tugboat.
03:45Pero bago gawin yan, kinakailangan din magsagawa muna sila ng underwater survey
03:50para maalaman yung posisyon ng tugboat at mailatag ng mabuti ang kanilang plano sa pagsasagawa ng salvage operation.
03:58Balik sa Vicky.
03:59Maraming salamat sa iyo, June Venerasyon.
04:02Kumakapit sa panalangin ang mag-asawa sa kalumpit Bulacan.
04:07Matapos na ngayon ang rumaragasang ilog, ang walong taong gulang nilang anak.
04:12Pahirapan.
04:13Pero patuloy ang search and rescue operation.
04:16Nakatutok si Oscar Oida.
04:22Abot-abot ang pag-aalala ng mag-asawang ito matapos tangayin ang malakas na agos ng tubig sa Maybagbag River
04:29sa Kalumpit Bulacan.
04:30Ang kanilang walong taong gulang na anak na si Ran.
04:34Alas-singko raw ng hapon kahapon, may pinupulot na susok si Ran nang madulas ito at mahulog sa ilog.
04:41Nakalutang siya. Alam ko, tinatawag niya ako. Dito pa lang, malapit na siya, tinatawag niya ako.
04:47Papa, tulungan mo ako. Kumuha akong kawayan.
04:51Talag, sa bilis talaga ng alon, ang layo na. Hindi rin na kasi ako marunong lumangoy.
04:56Kaya hindi ko na rin niya nailigtas. Wala na akong nagawa.
04:59Ang tsuhin ng bata, dali-dali umunong tumalon sa ilog para isalba ang pamangkin.
05:05Naabot pa rin niya ito, pero dahil sa lakas ng agos.
05:09Inawakan ko saan nandito sa saliig ko. Tapos hanggang nilayo kami nilayo, binitawag ko sa saliig ko.
05:17Inagis sa rito sa may malapit na sa bukana. Malayo na siya. Nandun na siya sa gitna. Gitna ng lumulutang
05:25pa rin yung hulo niya. Hindi ko na kaya eh.
05:27Hanggang ngayong maghapon, patuloy sa paghahanap ang mga tauha ng kalumpit MDR-RMO Search and Rescue Unit.
05:34Mga ilang beses ding sinisid ng mga rescuer ang nasabing ilog sa pag-asang matuntun ang nawawalang bata.
05:41Pero dahil sa lakas daw ng agos, hindi ito naging madali sa mga naghahanap.
05:46Kahit pong malakas ang agos, naganoon lang kami ng lubid sa kamay namin para tulungan kami ng kabadig.
05:51O kaya lang, di talaga namin kaya dahil pag lumubog po kami, binabalik lang din kami ng agos pa taas.
05:59Umabot na ro sa Hagonoy ang paghahanap pero di pa rin nila matuntun si Ran.
06:05Hanggat di po namin nakikita yung tao, di po kami tumitigil ng pagsisort sa kailugan.
06:12Nananawagan naman ang mga magulang ni Ran sa publiko na agad ipagbigay alam sa kinaukulan
06:17ang anumang impormasyong makakatulong para matuntun ang kanilang anak sa lalong madaling panahon.
06:23Parang awa nyo na po, tulungan nyo po kami. Hirap na hirap na po kanooban namin. Napakabata pa po nakalako.
06:33Oscar Oida, Nakatutok, 24 Horas.
06:36Isa ang sugatan ng araruhin ng sasakyang minamaneho ng aktor na si Nino Mulac ang tatlong establisyamento sa Marcos Highway
06:45sa Antipolo, Riza.
06:47Ang SUV ni Mulac tumawid sa kabilang linya ng kalsada, saka tumama sa tatlong establisyamento kabilang ang isang paresan.
06:56Sugatan ang isa sa mga customer na kumakain doon at agad dinala sa ospital.
07:02Nabanggarin ang isang nakaparadang motorsiklo at pumailalim ito sa kanyang sasakyan.
07:08Ayon po sa pulisya, patungo sa nang masinag si Mulac nang makaranas ng problema sa makina ang kanyang SUV
07:15dahilan para mawalan umano siya ng kontrol sa manibela.
07:20Nakipagareglo naman kay Mulac ang may-ari ng mga apektadong establisyamento.
07:25So, sinagot din niya ang pagpapagamot sa nasugatang customer.
07:31Ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa Bulacan at Pampanga.
07:37Tasabay niya ng pagtalakay sa mga solusyon na gagawin umano ng pamahalaan para may sanang efekto ng masamang panahon.
07:43Nakatutok si June Banarasyon.
07:49Tumambad sa area inspection ni Pangulong Bongbong Marcos.
07:52Kung gaano kalawak ang baha sa Bulacan at Pampanga na iniwan ng mga nagdaang bagyo at habagat.
07:57Kailangan din natin maunawaan na hindi lang dahil sa problema ng flood control project,
08:04kung hindi pati na sa lakas talaga ng ulan na hindi pa natin nakita sa kasaysayan ng Pilipinas.
08:12Ito ay ang naging resulta ng climate change.
08:16Binisita ng Pangulo ang kalagaya na mga lumikas na residente sa Baco or Pampanga.
08:21Tinigdan din ang pamimigay ng ayuda.
08:24Karamihan ko sa mga tao namin dito is gusto na pong umuwi sa kanilang mga pamilya,
08:29sa kanilang mga kabahayan upang mga pamilya sa Bucana at mapasimula ko ng bagong pangulit.
08:34Mula ba ko, Lord, nagtungo ang Pangulo sa Provincial Capital sa San Fernando para sa situation briefing,
08:41hindi lang tungkol sa Pampanga, kundi sa iba pang probinsya sa Central Luzon.
08:45Nasa isang milyong individual kasi ang apektado roon dahil sa patuloy na pagbaha sa Pampanga.
08:51Inaalala ko yung mga matatanda, yung mga bata, yung mga nagkakasakit, yung pagkain nila,
08:56hindi sila makalabas, hindi sila makapagtrabaho.
08:59So sabi naman ni President, bibigyan niya ng priority at ginagawa na yung master plan.
09:05Nagsagawa rin ang situation briefing para sa iba pang probinsya sa Central Luzon na apektado rin ang mga pagbaha.
09:11Sabi ng Pangulo, may limang Sabo River Dam ang gagawin sa Nueva Ecija para saluhin ang tubig mula sa Sierra
09:17Madre kapag maulan.
09:18Yan ay makakatulong para bawasan ang bilis ng pagbaba ng tubig,
09:24mabawasan ang siltation at makakapag-ipon pa tayo ng tubig para gamitin for household use,
09:31industrial, for irrigation sa agrikultura.
09:34Yung Sabo Dam po kasi, magkakaroon ng drop yung tubig natin.
09:38So alam niyo ng K6, pag nagkaroon ng drop, hihina po yung velocity ng tubig natin.
09:43Ang long-term solution naman na masusi ngayong sumasa ilalim sa feasibility study
09:47ay ang Manila Bay Coastal Defense.
09:50Lalo nito ang pagtatayo ng nasa 100 kilometers na dike
09:53bilang proteksyon sa mga coastal towns sa Central Luzon.
09:56Isang napakahabang dike mula Metro Manila, mula Magabon na Botas hanggang Pilaro sa Bataan.
10:02Noon na magkocross ng Manila Bay.
10:05Na magiging karye din yan at diking mataas.
10:08Kamukha yan nung ginagawa sa ibang bansa.
10:11June Van Arasyon, nakatutok, 24 oras.
10:15Patay ang isang police major at dalawang suspect.
10:19Matapos humantong sa barilan.
10:21Ang dapat sana'y gun by bus operations lang sa Pagadian City.
10:26Nakatutok si Marisol Abdurrahman.
10:35Ito ang by bus operation ng barilas sa Pagadian City kahapon na nauwi sa trahedya.
10:45Namatay kasi sa nasabing police operation ng team leader ng raiding team na si police major Ayman Kuzayma Pantaran.
10:52Nang makatunog daw kasi ang mga suspects na target ang operasyon na pulis pala ang kanilang katransaksyon.
10:58Nagpaputok na po sila.
11:01Hinabol ni Pantaran ang mga suspects.
11:04Matapos masigurong ligtas sa buntis at mga bata na nasa lugar.
11:08Hinabol niya not knowing na mayroon pong isang nakatago na yun po ang nakabaril kay Major Pantaran.
11:15Patay ang nasabing opisyal.
11:17Matapos magdamo na tatlong tama ng bala ng baril sa iba't ibang parte ng katawan.
11:22Nakatago po kasi sa tinamaan na siya.
11:24He sustained three gunshot wounds sa may armpits at sa chest po.
11:28With the assurance na lahat po ng benefits, lahat po ng financial and institutional support will be given to him.
11:35Hindi po natin papabayaan yung naiwan ng ating yumaong kasamaan.
11:40Patay din ang dalawang suspects na makainkwentro ng mga otoridad.
11:44Inaalam kung kabilang sila sa mas malaking grupong sangkot sa iba't ibang krimen,
11:48kabilang na ang gun running at kung gaano kalawak ang kanilang operasyon.
11:53One less firearm in the hands of yung mga criminals, di ba, malaking bagay na po.
11:58Marisol Abduraman, nakatuto, 24 oras.
12:02Lumabas na misdeclared at hindi umanot tama ang binayarang buwis para sa luxury car na pagmamayari ni Derrick Ramsey.
12:11Ayon po yan sa Bureau of Customs.
12:13At dahil diyan, posibling mapunta ito sa pamahalaan at kalaunay ipasubasta.
12:18Paglilino ng customs, hindi ang aktor ang nag-import ng sasakyan.
12:23Nakatutok si Bernadette Reyes.
12:29Matapos voluntaryong isuko sa mga otoridad ng aktor na si Derrick Ramsey,
12:33ang kanyang mamahaling hypercar na mula pa sa United Arab Emirates,
12:38maaaring hindi niya na ito mabawi,
12:41matapos mapag-alamang misdeclared ang sasakyan at hindi umanot tama ang binayarang buwis.
12:47Bago yan, nahuli ang kaibigang negosyati ni Ramsey na si Anthony Jude Violago
12:53habang minamaneho ang sasakyan ni Derrick gamit ang peking plaka.
12:58Ayon sa Bureau of Customs,
13:00hindi dapat bababa sa 35 million pesos ang binayarang buwis para sa luxury vehicle na ito.
13:05Pero lumalabas sa records na nasa 1.8 million pesos lang ang binayad.
13:10Kaya naman pinagpapaliwanag mula sa importer-broker consignee
13:15hanggang sa mga tauhan ng BOC kung paano ito nakapasok sa bansa.
13:19Yan ay kakasuhan namin ng smuggling.
13:23Dapat 50 to 100 million ang halaga nito,
13:26diniklare nila ito ng 10 million lang.
13:29In fact, ang diniklare nila rito is less than 10 million.
13:32Paglilinaw ng BOC, hindi si Derrick ang nag-import ng sasakyan.
13:37Sa katunayan, nakailang pasa na raw bago ito nabili ng aktor.
13:414 to 4 in half use niya ng pagmamay-ari itong sasakyan na ito.
13:45At he claims na buyer in good faith siya.
13:48Ibig sabihin, hindi siya nag-import nito.
13:51Binili niya lang ito.
13:52Malay niya kung saan galing o paano ito pinasok ng bansa.
13:55Yun ang paliwanag niya.
13:57Ngayong araw isinilbina ng BOC kay Derrick ang warrant of seizure and detention.
14:02Bibigyan ang pagkakataon ng mga maaaring may kinalaman dito na magpaliwanag.
14:07Pero kung walang maipakitang kaukulang dokumento, mapupunta ang pagmamay-ari nito sa pamahalaan at ipasusubasta.
14:15Kapag ito ay finally napapunta na sa gobyerno ang pagmamay-ari nito,
14:22yan ay iyo-auction din natin.
14:24Subalit, meron tayong nire-respeto, ginagalang na due process.
14:28May pagkakataon pa yung nag-import nito na napatunayan sa amin na tama ang kanilang importasyon.
14:34Pero hindi ako naniniwala dun.
14:36Dahil sa aming dokumento, ang import entry nito ay inconsistent.
14:41Iniimbestigahan na rin ang Land Transportation Office kung paano ito nairehistro.
14:47Suspendido naman ng tatlong buwan ang driver's license ni Vio Lago habang gumugulong ang imbestigasyon.
14:53Meron din silang haharapin sa amin sa LTO kasi yung papaano nagkaroon ng papeles.
15:00So alam naman natin na mayroong mali dun sa mga papeles na ginawa nila sa Bureau of Customs.
15:08Tapos pagdating sa amin sa LTO, na-issuehan ng ORCR.
15:13May mananagot po na empleyado ng LTO.
15:16Siguradong may matatanggal po dito at makakasuhan.
15:19Hinihingan pa namin ang bagong pahayag sina Ramsey at Vio Lago.
15:23Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
15:30Happy Monday, chikahan mga kapuso!
15:32Being busy is not an excuse para kina Caprice Cayetano and Marco Massa
15:37na nakibonding kasama ang kanilang Capco fans kahit abala sa kanya-kanyang projects.
15:43Itchichika yan ni Aubrey Carampel.
15:48Sunday afternoon well spent with Caprice Cayetano and Marco Massa sa kanilang fan meet
15:53organized by Capco Shippers.
15:57Todo bonding ang dalawa at kanilang fans na nakipaglaro sa iba't-ibang fun games
16:03at game na sumagot sa Q&A portion.
16:06Hindi rin na wala ang kilig sa acting challenge kung saan ipinakita ni Caprice at Marco
16:12ang kanilang husay sa pag-arte.
16:15Huwag kang pag-victim dahil hindi ko yung victim ha.
16:20Zoe, I'm sorry.
16:21Thankful po kami sa kanilang creativity, sa time po nila at yung efforts po nila para sa fan meet.
16:28Actually, nung nag-start talaga yung You're My Favorite Song,
16:31mas doon naging strong yung cap ko.
16:33And I'm just really grateful and happy and thankful na nakagawa sila ng setup na ganito for us.
16:38Sa ngayon, abala ang dalawa sa kanilang project.
16:41Si Caprice sa GMA Afternoon Prime series na A Million Dreams,
16:45kung saan ginagampanan niya ang role ni Eunice, isang pre-law student.
16:50Aside from heavy memorization ng kanyang lines,
16:53happy si Caprice na balik siya sa paggawa ng drama.
16:57Medyo iba po talaga siya sa mga characters na nagampanan ko po.
17:00So, si Eunice magpiprilo, tapos very on the go lang po siya,
17:05hindi po siya masyadong nag-aayos kasi mas focused po siya sa mga goals niya.
17:08Si Marco naman nag-ahanda para sa isang upcoming project na i-re-reveal soon.
17:14Pinag-ahandaan pa siya, medyo secret pa siya ngayon.
17:17Aubrey Carampel, updated the showbiz happening.
Comments

Recommended