00:00.
00:04Patayang isang babaeng 17 anos matapos makuryente sa Kalumpit, Bulacan.
00:10Sa inisyon na imbisigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa wooden planks
00:14na nagsisilbing tulay ng mga taga-marangay San Miguel sa mataas na baha, dulot ng habagat.
00:20Kwento ng kanyang ate, kukuha sana ang kanyang kapatid ng ilang gamit sa kanilang bahay para dalhin sa evacuation center.
00:27Nadulas daw ang biktima na aksidente yung napahawak sa kawad ng kuryente at nakulog sa baha.
00:34Sinagip po siya ng kanilang ama at isinugod sa paggamutan pero hindi na umabot ng buhay.
00:39Sinisisi ng ina ng biktima ang mga nakalaylay na kawad ng kuryente sa lugab.
00:45Tumangging magbigay ng pahayag ang kapitan ng barangay kaugnay sa insidente.
00:49Mga kapuso, narito ang tips ng Department of Health kung paano makakaiwas na makuryente tuwing tag-ulan.
00:55Bago ang baha, tanggalin po sa saksakan at ilagay sa mataas na lugar ang lahat ng appliances.
01:02Patayin ang main switch kung kinakailangan.
01:05Habang may baha naman, huwag hawakan ang anumang electrical appliances na basa o nasa tubig.
01:11Huwag lumungsong sa baha dahil po pwedeng may kuryente ito.
01:15At agad itawag sa otoridad kung may sirang kable o poste ng kuryente.
01:20Pagkatapos ng baha, umiwa sa poste at linya ng kuryente.
01:24Ipacheck po sa elektrisyan ang electrical system at tuyuin ang nabasang appliances bago gamitin.
Comments