Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magna hapon po! Disgracia ang sinapit ng isang polis na rumesponde sa nag-aamok na lalaki sa Camarines Sur.
00:08Naputulan po siya ng kamay matapos tagain ng suspect.
00:13Pasintabi po dahil maselan ang balitang inyong mapapanood.
00:17Nakatotok si Bea Pinla.
00:23Ang pagresponde ng polisya sa nag-aamok na lalaki sa San Jose Camarines Sur kakapon.
00:33Nauwi sa sunod-sunod na pagpapaputok ng baril ng polisya.
00:37Hindi nahagip sa video pero ang suspect, pinagtataga ang isa sa mga rumesponding polis.
00:42Ako sapin po sana, i-release ka lagi yung sitwasyon.
00:46Pakakalain niya po siya na pagpaprocess na tumba po siya.
00:49Doon na po siya, pinatapit ng suspect.
00:52So pinagra po siya, isinalag po ni Polis Staff Sergeant Naranis po yung kamay niya.
00:57Doon na po na putol.
00:59Putol ang kamay ni Polis Staff Sergeant Noli Mirania.
01:02Pero nagawa pa niyang daganan ang suspect para arestuin.
01:05Wala na pong nagawa yung kasama po niya na binitan po po ang suspect para po ma-injot po yung
01:12pang-atapit.
01:13Sugatan ng suspect na nagtamu ng mga tama ng bala sa tiyan.
01:16Sa record ng polisya, dati siyang may kaso ng alarms and scandals.
01:33Si Mirania naman, bukod sa tinaga ang kamay, nasugatan din sa muka.
01:38Nag-undra po po siya ng operasyon na ibalik na po yung kamay niya and under the supervision.
01:45Papapal siya ng prostrated murder at direct assault po.
01:49Yun po ang pwedeng may file nating kaso sa suspect po.
01:52Sinusubukan pa ng GMA News na makuhanan ng pahayag ang biktimang polis at kaanak ng suspect.
01:57Pero wala pa silang tugon.
01:59Binigyang pugay ng National Police Commission ang sakripisyo at tapang na ipinamalas ni Mirania.
02:04Pag titiyak ng Napolcom, makatatanggap si Mirania at ang pamilya niya ng tulong habang siya'y nagpapagaling.
02:10Bay up in luck, nakatutok 24 oras.
02:14Nang dahil sa hindi humuhupang baha, naputulan na ng paa ang isang residente ng Hagonoy, Bulacan.
02:19At hanggang ngayon, netila lunod pa rin ang mga kapwa niya residente sa kalbari yung dala
02:24ng tila hindi masusul siyang baha sa kanilang lugar.
02:28Isa po ang Hagonoy sa mga ininspeksyon ng DPWH na mayroon umanong ghost flood control projects.
02:34Yan po ang tinutukan ni Bea Pila.
02:40May bubong man na nasisilungan.
02:43Lubog naman sa baha ang bahay ng maraming residente sa Hagonoy, Bulacan.
02:48Lubog, sarado kami.
02:50Kahawawa po ang hindi.
02:53Bukod sa perwisyo sa buhay at hanap buhay,
02:57baha ang naging dahilan para maputol ang paa ni Angel dalawang taon nang nakalilipas.
03:02Dalawang araw itong nababad sa tubig baha na madumi.
03:06Hindi ko alam, meron akong maliit na sugat sa paa.
03:10Kung hindi ko siya ipapaputol, mamamatay ako.
03:12So I have no choice.
03:14Likas na bahain ng Hagonoy na sumasalo sa tubig mula sa Pampanga River at Manila Bay.
03:20Bahagi ng unang distrito ng Bulacan,
03:22na pugad ng mga maanumalyang flood control project.
03:26Kaya ininspeksyon ito ni DPWH Secretary Vince Dizon at Cabinet Secretary Benher Abalos kahapon.
03:33Meron pong limang pumping station at prad gate na ginawa dito.
03:38Ginawa, quote unquote.
03:39Kasi ara naman talagang ginawa.
03:42Sabi pa ni Dizon, kakaunti na nga ang mga diking itinayo roon.
03:47Putul-putul pa.
03:49Yung blue.
03:50Ito katiting-titing lang na ito.
03:52Putul-putul.
03:55Yan po ang nagawa lang.
03:56At may mga iba pa dyan, tira-sira na.
04:00Sa paumbong, matagal nang nagiba ng mababagsik na alon
04:04ang mga dike sa Barangay Santa Cruz at Barangay Masukol
04:07na wala pang limang taon mula ng maitayo.
04:11Mari ang disenyo nito.
04:13Yung design na ganito, ito pang river dike.
04:16Hindi naman river ito, dagat na ito.
04:19Starting next week, aayusin na po itong...
04:22Sagot ng kontraktor ang pagpapaayos dahil sakop pa ng warranty.
04:26Pero kailangan ng magdagdag ng hexapods
04:29o yung materyales para mabasag ang malalakas na alon.
04:33Isang mega dike para di umago sa bulakan
04:35ang tubig mula sa Pampanga River.
04:38Yung hexapods.
04:39Kasi wag na naman sa original na kontrata yun.
04:42Nilatag din ang DPWH ang pangmatagalang plano nila
04:46pangontra sa malawakang pagbaha
04:48sa mga mababang lugar ng Bulacan at Pampanga.
04:52At ang panukalang Manila Bay Coastal Defense Dike Project
04:55na dadaan mula Metro Manila
04:57aabot ng Bulacan at Pampanga hanggang sa Bataan.
05:00Pero kailan kaya yan mararamdaman ng mga residenteng sabik na sabik
05:06ng makaahon sa baha?
05:07Hindi naman po natin masosolve ang problema ng buong hagonoy
05:11ng minsanan at overnight at biglaan.
05:15Kasama sa plano, yung pagpaprioritize ng mga areas.
05:20Doon po natin sisimulan at papaspasa natin para po kahit papano.
05:25Sa susunod na tagulan, meron po tayong nakikitang kahit papano na isasalbap.
05:32Sabi ni Dizon, hindi ito matatapos sa loob ng Marcos administration.
05:37Poprogram po yan, ilang years,
05:39at sisigurado rin na po natin na meron niyang multi-year appropriation
05:43para hindi na po yan matatanggal.
05:45Napaka-importante na inventaryuhin mo lahat,
05:49ilista mo lahat para ma-identify kung ano yung pananagutan ng mga dati
05:54sa gagawin ngayon.
05:56Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
06:00Hindi pa man lubos na nakakabagon mula sa iniwang pinsala
06:03ng nagdaang mga pagulang-dala ng habagat,
06:05isa na namang sama ng panahon ang pinagahandaan ng Baguio City.
06:09At nakatutok si EJ Gomez.
06:14Malakas at pabugsugsong ulan ang nararanasan sa Baguio City ngayong araw.
06:20Makapalangfag kaya may puntong halos zero visibility sa mga kalsada.
06:24Dahil sa walang tigil na ulan,
06:26pansamantalang itinigil ng Baguio Disaster Risk Reduction Management Office
06:30ang clearing operations sa mga nangyaring landslide
06:33nitong mga nakaraang linggo.
06:34Isa ang bahay na ito ng pamilya ni Tatay Ruel
06:37na nananatiling nakatirik dito lang sa tabi ng nangyaring landslide noong August 9
06:42na ikinasawin ng sampu.
06:43Bukod sa wala pa rin daw silang supply ng tubig at kuryente,
06:47araw-araw daw nilang bit-bit ang takot at pangamba
06:50na muling gumuho ang lupa at matabunan ang kanilang tirahan.
06:55Ito kami masyadong nakakatulog, paiglit-iglit lang po.
06:59Lalo pag yung may malakas na ulan po,
07:02nagigising po kami kagad lalo na yung hangin malakas.
07:05Naghahanda naman sa paparating na Baguio si Frederick
07:08na nakatira sa mismong harap ng gumuhong lupa.
07:11Nakasip din naman yung mga appliances.
07:16Halimbawa tamaan ito, at least yung appliances nandun sa loob.
07:21Ilan sa dalawamputpitong pamilyang apektado ng landslide
07:24ang pansamantalang nananatili sa barangay hall ng Gisad, Surong.
07:28Magmamunit po kami ng gabi.
07:30Ang tinicheck namin doon, lalo na doon sa mga bundok na gumuguho,
07:34at saka yung mga bahay na pagmatamaan ng gumuhong lupa.
07:39Full alert status pa rin kami ngayon.
07:41Nakapreposition na yung mga logistics, pagkain, mga equipment,
07:46dinedecentralize na rin namin.
07:47Puspusan din ang pagsasayos na mga nagtumbahang poste ng kuryente at telco.
07:52Tuloy-tuloy naman daw ang monitoring sa mga drainage system
07:55para maiwasan ang pagbaha sa syudad.
07:57Ayon pa sa Baguio City, LGU,
07:59muling isinara ngayong araw sa mga motorista ang Kennon Road
08:03dahil sa matinding rockfall at landslide ngayong malakas ang ulan.
08:07Samantala, sa Katlubong Bugiyas, Benggit,
08:10naglagay naman ng safety markings ang polisya at BDRRMO
08:13sa landslide-prone areas
08:15para maabisuhan ang mga residente na mag-ingat sa lugar.
08:19EJ Gomez, Nakatutok 24 Oras.
08:25Nagka-landslide sa Saptang, Sabatanes
08:27dahil sa walang patid na malakas na ulan ngayong weekend.
08:30Ayon sa Sabatanes Provincial Disaster Risk Production and Management Office,
08:34sa kapila ng kanilang clearing operation,
08:36ay patuloy pa rin ang pagdausdus ng mga bato at putik mula sa bundok.
08:40Inabisuhan ng PDRRMO ang mga motoristang
08:42iwasan muna ang mga apektadong kalsada.
08:45Ayon sa pag-asa, mapagulan sa Sabatanes
08:47ay bunsod ng habagat.
08:52Isinauli ng isang nagtitinda sa kalya
08:54na hulong na cellphone ng isang estudyante
08:56sa isang bus terminal sa Cebu.
08:58Hindi na malaya ng estudyante na hulong na pala
09:01ang kanyang cellphone habang pasakay ng taksi.
09:04Nang makaalis ang taksi,
09:05pinulot ng isang lalaking kinilala na tindero
09:08sa lugar ang cellphone.
09:10Makalipas sa isang oras,
09:11bumalik ang babae at nagbakasakaling
09:13mahanap ang kanyang cellphone.
09:15Sa tulong ng CCTV ng terminal,
09:18nakilalang nakapulot at pinatawag ang tindero.
09:20Laking pasalamat ng mabae
09:22na naibalik sa kanya ang kanyang cellphone.
Comments

Recommended