00:00Para mabawasan ang malalang epekto ng mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila,
00:04nagkakabit ang MMDA ng mga crash guard sa ilang kalsada.
00:09Nakatotok si Bon Aquino.
00:15Mahigit sampung concrete barrier ang inararo ng bus na ito sa EDSA Quezon Avenue sa Quezon City.
00:20Walang sugatan.
00:22Batay sa paunang investigasyon, nakaidlip umano ang bus driver.
00:26Nagkalat ang mga nawasak na concrete barrier.
00:29Ang mga ganitong insidente na isa sa mga sanhinang pagkasawi ng mga motorista
00:33ang nais tugunan ng MMDA sa paglalagay ng crash guards.
00:37Gaya nitong inilagay sa tandang Sora Avenue, Quezon City.
00:41Nayupi ito matapos may bumanggang truck.
00:44Ligtas ang driver nito.
00:46Dahil effective nga yung crash guard, hindi po siya nasira.
00:50As compared kung bumangga lang siya sa ordinary poste,
00:55or sa concrete post, or sa metal post.
00:59Ngayong taon, sinimula ng MMDA ang paglalagay ng crash barriers.
01:03Unang nag-install sa kabaan ng C5 Road.
01:06Ayon sa MMDA, ang paglalagay ng mga crash guards ay bahagi ng Metro Manila Road Safety Action Plan
01:13na supportado ng World Health Organization.
01:15Layon itong mabawasan ng 35% ang road crash fatalities sa 2028.
01:21Sa tala ng MMDA, 445 na tao ang namamatay taon-taon sa Metro Manila
01:27dahil sa pagbangga o road crashes.
01:29Base sa aming pag-aaraan, ito pong crash guards na ito ay makakatulong
01:36dahil instead po na sa sasakyan na pupunta yung impact noong pagkakabanga,
01:43ay na-absorb po nito, itong mga crash guards.
01:49Ayon sa MMDA, ilalagay ang crash guards sa mga lugar kung saan maraming naitalang aksidente base sa datos.
01:56Malaking tulong po sa amin yan kasi yun nga, kagaya dagdag safety sa amin.
02:01Malaking tulong yan lalo sa gabi.
02:03Kasi ma-alerto yung driver pag nakita niya yung markings.
02:09May crash guard man o wala, paalala ng MMDA, mag-ingat sa pagmamaneho.
02:15Von Aquino, Nakatutok, 24 Horas.
Comments