00:00May 50 landslide na ang naiulat sa Cordillera region dahil sa masamang panahon
00:05at inaasaang tatagal pa hanggang weekend ang pagulan doon dahil sa Bagyong Neneng.
00:10May ulat on the spot si Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
00:14Sandy?
00:18Rafi, may inang pagulan ang nararanasan ngayon dito sa probinsya ng Benguet.
00:22Gayunman, asahan pa rin ang pabugsong-bugsong malakas na pagulan na dala nitong localized thunderstorms.
00:31Patuloy na nararanasan ang masamang panahon sa ilang lugar sa Cordillera,
00:35particular sa Baguio City at Benguet, dahil pa rin sa southwest monsoon o habagat.
00:39Pero ayon sa pag-asa, mas mahina ang mga mararanasang pagulan ngayon
00:42kumpara sa mga naranasan noong mga nakaraang linggo.
00:45Dahil sa epekto ng Bagyong Neneng, magpapatuloy ang mga pagulan hanggang sa weekend.
00:50Dahil dito, pinangangambahan pa rin ang mga insidente ng landslide
00:53dahil sa saturated na ang lupa sa maraming bahagi ng kabundukan sa probinsya.
00:58Ayon sa Mines and Geosciences Bureau Cordillera, 54 na ang reported landslide sa regyon.
01:03Karamihan, naitala sa Benguet.
01:05Naka-red alert status ang operations center ng MGB sa ilalim ng Department of Environmental and Natural Resources
01:11upang bantayan ang lahat ng mga landslide-susceptible areas.
01:1490% daw kasi ng land area sa regyon ay may chansa ng pag-uho, lalo ngayong walang tigil ang
01:20pag-uulan.
01:20Nakadeploy na ang kanilang 24-7 quick response teams.
01:24Nangpapatuloy ang koordinasyon sa disaster response ng Office of the Civil Defense Cordillera
01:28sa lahat ng mga tanggapan ng ahensya.
01:32Rafi, maliban sa flooding at landslide incidents,
01:35isa rin sa mahigpit ngayon na binabantayan ng MGB itong mga secondary hazards.
01:39Kabilang dito, itong pag-uho ng lupa kung saan nababarahan ito yung daloy ng mga ilog.
01:45Magkakaroon kasi ng tinatawag natin na temporary daming o yung pag-ipon ng tubig.
01:50At kung sakali man na mabuwag ito o kaya ay umapaw yung ilog,
01:54ay magkakaroon o magdudulot ito ng flash flood sa ilang mga lugar.
01:58Payo ng RDRRMC, manatili pa rin maging alerto lalo na itong 633 na landslide at flood-prone barangay sa Cordillera.
02:07Rafi.
02:08Maraming salamat, Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
02:14Maraming salamat, Sandy Salvation ng GMA,
Comments