00:00.
00:30Ang talagang gusto mong mangyari, ano bang hangarin mo, ano bang pangarap mo para sa Pilipinas.
00:36At inisip ko na mabuti at napakasimple lang.
00:40Sana naman mangyari na dumating na ang araw na wala ng gutom na Pilipino.
00:46Target ng administrasyon na mabigyan ng libreng bigas ang halos 370,000 beneficaryo sa buong Negros Oriental.
00:54Kailangan buong sa sampung kilo ang makukuha ng bawat beneficiary.
01:00Hindi bawas, hindi kulang, kundi buong sampung kilo.
01:05Kung makakakuha ng hindi buong sampung kilong bigas, agad na i-report ang insidente sa Office of the President o
01:12dito mismo sa PCO.
01:15Nanawagan ang Malacanang na isumbong ang anumang insidente ng pang-aabuso sa Presidential Scholarship Program.
01:21Sa ilalim ng programa, nag-aabot ng 20,000 pesos na scholarship fund sa limang estudyante sa bawat barangay.
01:29Ang kriteriya po ay dapat ay graduating college student at may risk na ma-drop out dahil sa kulang sa
01:39kanilang pantustos sa pag-aaral.
01:42Huwag matakot na i-reklamo po ito sa Liga ng mga Barangay National Office at sa DILG.
01:49At maaari din po itong iparating dito sa PCO at sa Office of the President.
01:55Dahil ang gusto po ng Pangulo ay mabigyan talaga ang nararapat at deserving students.
02:02Papalo sa 2,785 na scholars mula sa 557 na barangay sa Negros Oriental ang inaasang makikinabang sa scholarship mula
02:12sa bawat bayan makikinabang program.
02:15Binisita ni Pangulong Marcos ang 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Tanahay Negros Oriental.
02:22Binigyang pugay ng Pangulo ang pagpapanatili nila sa kapayapaan at seguridad.
02:28Kinilala rin ang Presidente ang pagsisikap ng tropa sa internal security operations,
02:33pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at pagtugon sa sakuna.
02:37Tiniyak ni Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa sandatahang lakas para mapaigting pa ang kapayapaan sa Central
02:46Visayas.
02:48Klaizal Pardilia para sa Bayan.
Comments