00:00Bukod sa Pampanga, may sinalakay ding pagawaan ng substandard umanong bakal sa Davao City na mayroon din umanong radioactive material.
00:0921 ang inaresto, kabilang ang 10 Chino. Nakatutok si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
00:19Ikalawang pagawaan ng bakal na ito na sinalakay ng National Bureau of Investigation o NBI.
00:24Sa isang ito sa Davao City, katawang nila ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK.
00:30Ang dahilan, substandard ding mga bakal na umanoy ginagawa at dinidistribute mula roon.
00:36May mga natuklasan ding radioactive material sa pasilidad na ito sa Davao City kaya mapanganib sa mga tao.
00:42The PNRI has confirmed the presence of these toxic substances and as well as in the operations, it was shown
00:50that PPS were not used by the workers.
00:54Kaya kabilang sa isasampa sa 21 tauhan ng pasilidad, ang mga paglabag sa Philippine Nuclear Safety Act, Toxic and Hazardous
01:04Substances and Nuclear Waste Control Act of 1990, Presidential Decree No. 1586 at Consumer Act of the Philippines.
01:12Sampu sa kanila ay mga Chinese.
01:14Kabilang sa kanila ang mga corporate managers, supervisor, administrative personnel at technical personnel.
01:20Sa 174 na Pilipinong manggagawa naman ang na-rescue.
01:25Bago nito ay may steel factory rin sa Pampanga na nireid dahil sa mga substandard na bakal at radioactive ding
01:32material.
01:34Na siya umanong supplier na mga bakal ng gusaling under construction na gumuho sa Pampanga nitong Mayo.
01:41Kaya nangangamba ang PAOK sa mga nabentahan ng pabrikang ito sa Davao City.
01:46What if lahat ng building na yan ay biglang abutan ng sana wag naman, di naman natin pinagdadasal.
01:52Eh yung kung sa isang building nga dyan sa Pampanga bumagsak wala pang lindol.
01:57Makikipagug na yan ang NBI sa City Hall para mas mapalalim pa ang investigasyon.
02:02I'm sure they have local permits also at the very least yung mga business permits nyan na issue dyan.
02:08At saka yung mga work permit ng mga magtatrabaho dyan, yung mga health clearance na inihingi.
02:13Nilinaw naman ang director ng NBI na walang kinalaman ang pagpunta niya sa Davao City sa usap-usapan tungkol sa
02:20pag-aresto kay Sen. Ronald Bato Dallarosa.
02:23Ang nahuli namin, hindi ba ito bakal?
02:25Mula sa GMA Regional TV, Jandy Esteban, Nakatutok 24 Horas.
Comments