00:007.2 trillion pesos ang budget na hinihiling ng gobyerno para sa 2027.
00:06Batayan sa National Expenditure Program na isinimitay ng Department of Budget and Management sa Kongreso.
00:11Ang KDBM Acting Secretary Kim Robert De Leon, Department of Education,
00:16ang may pinakamalaking alokasyon na 976 billion pesos.
00:21Pangalawa, ang Department of Public Works and Highways na pinaglaanan ng 644 billion pesos,
00:26halos 112 billion pesos ang hinihinging unprogrammed appropriations, pinakamababa mula 2019 ayon sa DBM.
00:34Ito ang pondong hindi pa madetalye ang pagkakagastusan kaya tinatawag itong shadow pork barrel.
00:40Bahagyan bumaba ang hinihiling ng confidential at intelligence funds na may kabuang halaga na 10.773 billion pesos.
00:49Halos 1 billion piso ang mas mababa kaysa sa 11.8 billion pesos ngayon 2026.
00:54107.4 billion pesos naman ang hinihiling ng gobyerno para sa flood control projects.
01:01Tiniyak ng DBM na mas sinigpitan nila ang proseso ng pagtukoy sa flood control projects para maiwasan ang katiwalian.
01:10Mas matindi po yung vetting, properly identified, properly tagged ang location ng mga projects,
01:16duly supported ngayon pa lang ng actual program of works ang mga ito upang masiguro natin na hindi ito magiging
01:24mga ghost flood control projects.
01:25Jakes.
Comments