Mismong gobyerno na ang umaming indikasyon ng krisis sa basura ang tumambad na mala-dagat na basura sa Navotas at Parañaque matapos ang ulang dala ng habagat. May report si Raffy Tima.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mismong gobyerno na ang umaming indikasyon ng krisis sa basura.
00:04Ang tumambad na maladagat na basura sa Navotas at Paranaque matapos ang ulang dala ng habagat.
00:10May report si Rafi Tima.
00:15Nakalangoy ka na ba sa dagat ng basura?
00:17Yan mismo ang ginawa ng mga taga DPWH, MMDA at Paranaque Sendro na naglinis sa Baclaran Redentorist Water Channel sa
00:23Paranaque.
00:24Buis-buhay na lumusong ang mga nakatoka sa manumanong paghakot ng basura.
00:38May iniinom naman daw silang doxycycline para iwas leptospirosis.
00:42May dredger din na humila ng floating boom para saluhin at harangin ng mga basura.
00:46Sa naturang waterway, may dalawang trash catchment para maharang ang mga basura na nanggagaling sa Manila Bay.
00:52Pero ang isa sa unahan, nasira ng malakas na alon.
00:55Ang pangalawa naman, tinanggal bago magsimula ang mga pagulan para sa scheduled dredging.
01:00Dalawang araw na naghahakot ng basura ang mayigit limampung track para matanggal ang naipong basura sa esterong ito.
01:06Pero ganito pa rin kadami ang naiwan.
01:09Kahapon, sa kapal ng basura rito, pwede mong araw itong lakaran.
01:13Kapansin-pansin namang nagka-perapetso na ang mga basurang ito.
01:17Indikasyon na kung hindi man matagal na ang mga ito sa dagat,
01:21posibleng malayo ang pinanggalingan ng mga ito.
01:24Maging sa bahagi ng Manila Bay Sanavotas, inanod din ang sandamakmak na basura.
01:29Naiipon ito sa dike sa Barangay Bagong Bayan North.
01:32Pinapakita nang talaga na grabe na talaga ang sitwasyon ng basura natin.
01:37Talagang ako, sasabihin ko na na garbage crisis na talaga ito.
01:41Ang laking pinsala ang nangyayari kapag yung basura natin,
01:45ay hindi maganda ang pagtapon at kung saan-saan nalang linalagay.
01:51Disiplina ng publiko, paglilinis ng drainage at waterways,
01:55at infrastruktura ang mga mabisang solusyon kontrabaha.
01:58Sa Barangay Santa Monica, Quezon City,
02:01napupunta na ang tubig baha roon sa detention basin
02:03o malaking espasyong ipinagawa sa kaninang basketball court.
02:07May detention basin din sa Barangay Tandang Sora.
02:10Takto naman niya na inilagay sa ilanim ng kalsada sa G. Aranata Avenue at Maria Clara Street.
02:15Sumalo rin sa baha, sa Elliptical Road, ang retention pond sa Quezon Memorial Circle.
02:19May sarili ring flood control project sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City.
02:24Ipinagmalaki naman ni Pangulong Marcos na epektibo ang dredging
02:27o paghuhukay ng bumababaw na Alido at Zapote River
02:30at paglilinis ng mga drainage at kanal sa Las Piñas.
02:33So effective naman ang ating kinagawa,
02:36ngunit yan ang alam naman natin, kulang pa rin yan.
02:38Marami pa rin tayong kailangan gawin.
02:41Rafi Tima, GMA News.

Recommended