Skip to playerSkip to main content
Nilamon ng lagpas taong storm surge ang ilang bahay sa tabing-dagat sa Tanza, Cavite. Ayon sa lokal na pamahalaan, mahigit 1,000 pamilya sa mga coastal barangay ang balak i-relocate simula sa susunod na taon.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilamon ang lagpastaong storm surge ang ilang bahay sa tabing dagat sa Tanza, Cavite.
00:05At ayon sa lokal na pamahalaan, mayigit isang libong pamilya sa mga postal barangay ang balat irilokit simula po sa
00:11susunod na taon.
00:13Saksi, si Jonathan Nanda.
00:19Pumasok na sa mga bahay ang mga alon sa barangay Halayhay, Tanza, Cavite.
00:23Nilamon ang dagat ang mga digding, bubong, gamit at haligi ng ilang tirahan dito.
00:28Ang storm surge, sabi ng mga residente, umabot daw ng lagpastao.
00:33Naglagay pa sana sila rito ng mga malalaking sandbag panangga sa alon pero walang binatbat.
00:39Kino, tinuman nyo itong cottage na ito.
00:41Ang naiwan po na lang, eh itong upuan.
00:44Pero sabi nung mayari, meron daw ditong kama, ito yung kanyang kusina, may bubong.
00:49Eh lahat daw yun, tinangay ng alon, papunta dun sa dagat.
00:53Sugat-sugat si Melanie ng tamaan ng kumalas na kahoy ng kanilang bahay.
00:58Tumama po sa paa ko, hanggang dito sa...
01:02Opo, irap-irapin po kami.
01:05Pag bagyuan, kailangan lumikas.
01:07Ayong mga anak ko po, natatakot na rin sa malaki buhalog.
01:11Tinan nyo kung gano'ng kalapit yung tubig mula doon sa mga nasirang bahay.
01:14Ito yung dagat, tapos ito na yung mga bahay.
01:18Hindi ko po alam kung ano pong talagang reason.
01:23Bakit po parang habang tumatagal, umuunti po yung buhangin.
01:27Dapat po talaga, wala ng bahay talaga dyan sa may tabing dagat.
01:30Kasi sobrang lapit na ho eh.
01:32Yung iba naman ho, nabigyan na rin ang pabahay.
01:34Kaso, ang nanggiging problema ho, bumalik pa rin dyan.
01:37Kasi bininta nila yung pabahay na binigay sa kanila.
01:40Pero ngayon ho, sa pamumuno po natin, hihikpitan po natin.
01:43Talaga ho, pag sila inailipat po natin,
01:47nasisigurad rin po namin, hindi na sila makakabalik po ito.
01:49Sabi ni Tanza Mayor Arcangelo Matro,
01:521,300 na pamilya sa 13 coastal barangays
01:55ang plano nilang i-relocate sa libreng pabahay ng provincial government
02:00simula sa susunod na taon.
02:02Pero meron ding ayaw umalis sa tabing dagat.
02:05Eh kung malayo, hindi to hanap buhay namin.
02:07Kung hanap buhay, kapalit naman eh, kaligtasan ninyo.
02:11Hindi naman siguro marunong ang Diyos.
02:13Pwede po tayo maglagay ng libreng transportasyon
02:16para po wala na po silang gastos
02:18para makapunta pa rin po sila sa mga trabaho nila.
02:22Panawagan ngayon ng mga apektado rito,
02:24materiales pampagawa ng bahay, damit, kumot at karagdagang pagkain.
02:29Ang Kapuso Foundation nagpaabot ng tulong sa mga lumikas sa Tanza.
02:33Sa bayan naman ng Kawit, binabangka na ang paghahatid ng relief goods
02:37dahil abot baywang pa rin daw ang baha
02:39malapit sa ginagawang Calax o Cavite Laguna Expressway
02:43sa barangay Marulas.
02:44Si kagawad Pats Meliora, isinisisi sa Calax ang baha nila ngayon.
02:49Kumited daw ang ilog nila dahil tinambakan daw ng lupa
02:52para itirik ang pundasyon ng Calax.
02:55Kasi kung kinusulta kami rito, hindi makakaganyan.
02:58Sabihin namin na, teka muna, kasi makaka-apekto yan sa baha.
03:03Sa ngayon, wala pa naman po kaming nakikita
03:05na ang Calax po ay may diragdag po sa apekto ng ating hamagat.
03:12We will get the full report po and we will update po the residents of the side barangay.
03:18Nauna nang sinabi ng Metro Pacific Tollways Corporation na namamahala sa Calax
03:22na walang indikasyon na ang kanilang konstruksyon ang sanhi ng mga pagbaha
03:26base sa kanilang inisyal na site inspection.
03:29Nauunawaan naman a nila ang sentimiento ng mga apektadong komunidad sa Kawit at Imus
03:34kung kaya't nagsasagawa na sila ng mga hakbang para mapanatili ang maayos sa daloy ng tubig sa lugar.
03:40Ang nakita ng kapitolyo na dahilan ng mga pagbaha, mga baradong daluyan ng tubig.
03:45Sa tingin ko po kasi, ang waterways po natin ay nako-cover ng basura.
03:50We're doing clearing operations na rin po now at malilinis po natin at mawawala na rin po ang baha dito
03:55sa laluig ng Kawit.
03:56Sabi ni Rimulya, ang pangmatagalan nilang solusyon sa baha, master plan ng drainage system sa probinsya.
04:02Noong nakaraang taon pa raw niya itong hiningi sa DPWH Calabar Zone pero wala pa rin daw tugon sa kanya.
04:07Sinusubukan naming makuha ang panig ng DPWH Calabar Zone.
04:11Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
04:15Ako si Jonathan Andal.
Comments

Recommended