Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 10, 2026




- Marikina River, nasa ikalawang alarma as of 5 am | Mga residenteng nakatira sa low-lying areas, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River


- Ilang kalsada sa Quezon City, hindi madaanan dahil sa baha | Ilang residente sa Brgy. Bagong Silangan, kaniya-kaniyang linis sa mga binaha at naputikang gamit | Halos 500 pamilya, nananatili sa Bagong Silangan Elementary School | QC LGU: Mahigit 5,000 residente, nasa evacuation centers dahil sa kabi-kabilang pagbaha sa Quezon City


- Pader sa bahagi ng EDSA-Ayala Northbound, gumuho; DPWH, pananagutin ang nagpagawa nito | Bagong aspalto sa bahagi ng EDSA busway, napinsala dahil sa naipong tubig-ulan


- Pet evacuation area, binuksan sa Brgy. Bagong Silangan para sa mga nasagip na alagang hayop


- Maraming lugar sa Bulacan, lubog sa baha dahil sa ulan na dala ng habagat na sinabayan ng high tide


- Dustin Yu at Bianca De Vera, nagpakilig sa “DustBia: Love Actually” grand fan meet


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30...ang mga unang balita.
00:41Lumikas lang ilang residenteng nakatira sa mga binabahang lugar sa Marikina
00:46dahil sa epekto ng pagulan na dulot ng haing habagat.
00:49Patuloy naman ang pag-umbantay sa Marikina River na nasa ikalawang alarma pa rin.
00:53May unang balita live si EJ Gomez.
00:56EJ?
01:00Ivan, magdamag na ulan na may kasamang malakas na hangin ang naranasan nga dito sa lungsod ng Marikina
01:08at itong Marikina River, umapaw na at maraming paligid o maraming kalsada sa paligid nitong river
01:16ang isinara muna sa mga residente at motorista.
01:24Dahil sa walang tigil na ulan sa iba't ibang bahagi ng Marikina,
01:28umapaw na ang tubig sa ilog.
01:31Malakas din ang agos nito.
01:3317.5 meters ang pinakamataas na antas na inabot nito kahapon ayon sa Marikina City LGU.
01:40I-diniklara sa lungsod ng ikalawang alarma, hudyat para lumika sa mga residenteng nakatira sa mga binabahang lugar o nasa
01:48low-lying areas.
01:50Kagabi, bumaba ito sa 15.9 meters at unang alarma.
01:54Pero muli itong umakyat sa ikalawang alarma kaninang mag-aalas 4 ng madaling araw.
01:59Dahil diyan, nananatiling sarado ang ilang kalsada sa paligid ng Marikina River,
02:04kabilang ang Bayan Access Road at Ming Ramos Lane.
02:07Naiwan kasi ang makapal na putik sa kalsada na nakatakdang linisin ng Marikina City LGU at Marikina River Parks Authority.
02:15Ilang river patrol ang rumuronda at sinasaway ang mga residente o motoristang nagtatangkang lumapit sa ilog.
02:22Ilang pamilya naman ang lumikas na at ngayon ay nananatiling sa mga evacuation center.
02:27Kahapon, bumisita sa ilang eskwelahan sa evacuation centers si Marikina City Mayor Maan Chodoro at Congressman Marcelino Chodoro.
02:37Kinamusta nila mga apektadong pamilya na nakatanggap ng ilang pangangailangan gaya ng pagkain.
02:44Sa mga puntong ito, nakikita natin itong antas ng tubig dito sa Marikina River at nasa 16 meters pa din
02:51at yan ay nasa ikalawang alarma.
02:53Dito naman, Ivan, sa aking kinatatayuan ay kitang-kita.
02:57Just to give you a background, itong kinatatayuan ko kanina mga past 20 minutes ago,
03:05wala pa dito yung bahang ito o yung pag-apaw ng ilog.
03:09Kaya masasabi natin talagang mabilis dahil yan dun sa walang tigil na pag-ulan.
03:14At ngayon sa ang mga alas 6 o pasado alas 6 na,
03:17mas lumakas pa yung ulan na nararanasan dito sa lungsod ng Marikina.
03:22Yan muna ang latest. EJ Gomez, GMA News.
03:28Nasa mahigit limang libong residente na ang nasa evacuation center sa Quezon City
03:33dahil sa kami-kabilang baha, dulot ang haing habagat.
03:36Live mula sa Quezon City, may unang balita.
03:39Si James Agustin.
03:41James?
03:45Ivan, good morning.
03:47Kabilang itong Araneta Avenue dito sa mga kalsada sa Quezon City na binaha,
03:51matapos nga makaranas ng malakas na buhos ng ulan kaninang pasado alas 2.30 na madaling araw.
03:58May punto pang halos mag-zero visibility gaya sa FPJ Avenue maging sa Quezon Avenue.
04:02Sa EDSA Balintawak, pabugsu-bugsuri ng pag-ulan.
04:06Gutter Street ang baha, southbound lane ng EDSA, malapit sa Dario Bridge,
04:09na iniwasan ng ilang motorista.
04:11May pagbaha rin sa isang bahagi ng Araneta Avenue.
04:14Sa Quezon Avenue, corner Biyak na Bato Street, dahan-dahan sinuong na mga motorista ang baha.
04:19Walaan mamakadaan sa Banawe Street, corner N.S. Amoranto Street, sa taas ng tubig.
04:23Ganyan din ang sitwasyon sa Santo Domingo Avenue kung saan tumirik ang isang SUV.
04:28Humingi ng tulong ang mga sakay.
04:30Pinagtulungan itong itulak ng mga nagmalasakit ang motorista.
04:33Ligtas ang apat na sakay na magkakabarkada na galing sa Maynila at pauwi na sa Novaliches.
04:39Sa matala, Ivan, mahigit nga sa 5,000 at 200 mga residente yung nanatili sa iba't ibang evacuation centers dito
04:44sa Quezon City
04:45dahil pa rin sa banta ng pagbaha dulot ng habaga.
04:52Bakas pa sa pader ng bahay ng pamilya ni Elmera ang taas ng tubig na naranasan nila kahapon
04:57sa Area 5, Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
05:01Kagabi, abala sa paglilinis ang kanyang asawa na si Joel
05:04ng mga gamit na nalubog sa bat na puno ng puti.
05:07Hindi ko po kasi akalain na papasok po kaagad kasi po pahinto-hinto po yung ulan
05:12tapos bigla po lumalakas po ang ulan.
05:15Sa ibang bahagi ng Sitio Veterans, lubog pa rin sa tubig ang ilang bahay.
05:19Binahamag yung mga taniman ng gulay na malapit sa ilog.
05:22Ang baha umabot pa raw ng lampas tao sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
05:26Mabilis namang itong humupa.
05:28Gaya na nakuna ni Lisa sa labas ng kanilang bahay.
05:31Naabot bayuwang ang tubig bad ng alas 4 ng hapon kahapon.
05:34Makikita na nakabalot sa plasik ang kanilang mga gamit.
05:37Ang bilis ng tubig.
05:41Pagdating ng tuhod, biglang hanggang bewang na kaagad.
05:44Kaya ayun, nagpanik na kami.
05:46Yung mga aso namin, lahat kami.
05:48May tumulong na mga reskiver na pumunta dito.
05:50Kaya napabilis yung paghakot ng mga kapitbahay din namin.
05:54Nakastandby sa lugar ang ilang rescue boats.
05:56Kung sakaling kakailanganin ulit ng mga residente.
05:59Nananatili naman sa bagong silangan elementary school ang mahigit 2,000 residente.
06:03Katumbas ng halos 500 pamilya.
06:06Doon lumikas si Emily ang kasama ang kanyang dalawang anak.
06:09Matapos pasukin ng tubig ang kanilang bahay sa area ng Tumana.
06:13Umabot pa raw hanggang bayuwang ang taas ng tubig.
06:15Mahirap po sa amin kasi pag lugar na pagkatapos na yun,
06:19mahirap paglinis po eh.
06:20Puro putik po.
06:22Tapos lilinisin mo pa buong bahay niyo.
06:25Kasi lahat na putik na doon na eh.
06:28Lahat na dumi, lahat na plastic, lahat na loob na ng bahay.
06:32Lumikas din ang kapitbahay niyang si Gaide kasama ang tatlong anak na babae.
06:36Mabilis lang po.
06:37Tumaas yung tubig.
06:39Kaya ang ibang gamit po namin, hindi po namin naisalpa.
06:42Mahirap po talaga.
06:43Lalo po ngayon, walang masyadong kita yung asawa ko.
06:46Sa tala ng Quezon City Government hanggang alas 9 kagabi,
06:49umabot na sa mahigit 5,200 residente.
06:52Katumbas sa mahigit 1,400 pamilya.
06:55Ang lumikas sa mga evacuation centers sa labing limang barangay.
06:58Ang mga residenteng palagi nalang ganitong sitwasyon kapag masama ang panahon.
07:02Umaasa na mabibigyang solusyon ng pamahala ng mga pagbaha.
07:06Sana magawa na yung creek doon para hindi na kami babahin lagi.
07:11Sana po na matupad po yung inaasam-asam po namin lahat na hindi na po bahayin yung lugar namin.
07:27Samantala, Ivan, ito nakikita nyo.
07:29Ito yung sitwasyon ngayon dito sa Araneta Avenue.
07:32Ito po yung magkabilang lane na patagos doon sa E. Rodriguez Avenue.
07:37Doon pa lamang po sa Caleraya Road, may mga taga-barangay na nag-aabiso
07:40na huwag na muna dumaan dito sa magkabilang lane dahil nga po bahapa.
07:43Kanina, may nakita tayong mga motorisa na sumubok dito.
07:46Gaya na lamang po nilang mga motorcycle riders dyan pero napapabuenta sila.
07:50At kanina, may naabutan din tayo dito na isang kotse na sinubukan na sumuong dito sa may gitna ng baha.
07:55Pero tumirik po yun.
07:56Kaya pinagtulungan na lang ng mga residente at nagmalasakit ng motorista para maialis doon sa bahay.
08:02Yung many latest, mula po rito sa Quezon City.
08:04James Agustin, GMA News.
08:09Tingin ng Department of Public Works and Highways,
08:12substandard ang gumuhong pader sa bahagi ng Edsa Ayala Northbound itong Sabado ng gabi.
08:18Ito yung materyalis na ginamit.
08:21Ito, hindi ito simento.
08:24Hard deflex lang ito, drywall lang ito.
08:27Okay, so parang ang nangyari dito, kung sino man ang gumawa nito,
08:33pinapalabas nila na simento pero hindi naman para simento.
08:38Walang nasaktan ng gumuho ang pader pero na perwisaw maraming motorista dahil humambalang ang debris sa ilang lane ng Edsa.
08:46Nagpadala ng tauhan ng MMDA para sa clearing operations.
08:49Sabi ni DPWH Sekretary Vince Dizon,
08:52ipatatawag nila ang kontraktor ng proyekto at ang Makati City Engineering Office para matukoy ang sanhinang pangguho.
08:59Posible raw ang reklamang kontraktor kung mapapatunayang may kapabayaan.
09:04Dismayado rin si Dizon ang inspeksyonin ng mga lubak sa bahagi ng bagong gawang Edsa Busway.
09:10Bahagi ito ng Phase 1 ng Edsa Rehabilitation.
09:13Ayon kay Dizon, napinsalang bago aspalto dahil sa naipong tubig dulot ng mga pagulan.
09:18Batay sa napag-usapan ng DPWH at Department of Transportation,
09:22lalagyan ng gaps ang concrete barrier para may dalaw yan ng tubig at hindi ito maipon sa busway.
09:29Ayusin din daw ang nasirang aspalto kapag bumuti na ang panahon.
09:34Ano ba nangyari nito eh? Kabago-bago.
09:38Dapat anticipate natin ito eh.
09:41Pagka medyo gumanda na yung panahon, ayusin na ito ng permanente.
09:45Ongoing naman yung project so rato, correction ng kontratista ito.
09:49Kahit na nagawa na na yan, uugitin na yan.
09:52Huwag ang choice yan.
09:53At no cost sa gobyerno yan.
09:56Nag-set up ng pet evacuation area ang Quezon City Veterinary Department
10:01para sa mga nasagip na alagang hayop sa gitna ng pagulan.
10:05Layon po nito magbigay ng pansamantala matutuluyan sa mga na-evacuate na alaga.
10:10Ayon sa veterinary department,
10:12nasa mahigit 30 alagang hayop na nasa pet evacuation area sa barangay Bagong Silangan.
10:18Patuloy pa ang monitoring at pagtitiyak na ligtas ang mga alagang hayop.
10:25Lubog din sa baha ang maraming lugar sa Bulacan itong weekend
10:28dahil sa ulang dala ng habagat na sinabayan pa ng high tide.
10:33Ang ilang tagakalumpit, gumagamit na ng mga bangka bilang transportasyon
10:37dahil hanggang dibdib ang baha sa kanilang lugar.
10:40Halos umabot na sa bubong ng ilang bahay ang baha.
10:43Sa ibang barangay, nakakalusong pa ang mga residente at ilang tricycle sa abot hitang baha.
10:49Sa bayan ng Santa Maria, hindi madaanan ang sityo Makaiban Bridge.
10:53Hindi na rin halos makita ang tulay dahil sa taas at lakas ng agos ng ilog.
10:58Lumikas na ang ilang nakatira malapit sa ilog pero may mga nanatili pa rin dahil hindi maiwan ang mga lagang
11:05hayop.
11:05Sa bayan ng Marilao, kansilado ang ilang misa sa St. Michael the Archangel Parish dahil kasama ito sa mga binaha.
11:13Malakas ang agos ng baha sa barangay Nagbalon.
11:17Lumabas ang ilang residente para mamiliin ang kanilang pangailangan.
11:20Baharin ang ilang kalsada sa barangay poblasyon.
11:23Hinarangan ang ilang kalsada para hindi lumusong ang mga motorista.
11:28Pinapanatiling alerto ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
11:32ang mga residente dahil magpapatuloy po ang high tide.
11:35Payo nila lumikas habang maliwanag at huwag paabuti ng gabi.
11:48Nagpakilig ng fans si Dustin Yu at Bianca De Vera sa kanilang kauna-unahang concert itong weekend.
11:54Napuno ang venue kahit tramdam ang epekto ng masamang panahon.
11:59May una chika si Nelson Canlas.
12:05Kahit matindi ang ulan, punong-punong ang New Frontier Theater sa Quezon City
12:09para sa kauna-unahang concert ni na Dustin Yu at Bianca De Vera na Love Actually.
12:15Na-surprise ang chefies o ang Dastia fans na lumabas ang dalawa mula sa gates ng theater
12:22at naglakad patungo stage habang kinakanta ang opening number.
12:27Nakakatuwa nung lugas kong nakaka-uulang nung uuwang kami sa pagmamahal but at the same time tagal kasi namin yan
12:34ante ito.
12:35Bukod sa nakakakilig na performances, ultimate fan service din ang mga palaro.
12:40Maraming maraming salamat talaga sa lahat ng support niya sa amin.
12:44Alam namin ni Bianca na maraming pinagdadaanan yung mga Pinoy pero talagang binigyan nila kami ng pagmamahal na para sa
12:53akin walang makakapatay.
12:54Ay pinadama din ni na Dustin at Bianca ang pagmamahal at paghanga para sa isa't isa.
13:01Dustin, thank you so much for everything. Maraming maraming salamat and please know that I'll always be here for you
13:08and I'm always proud of you.
13:10Matagal ko itong inintay para sa kanya. Magkaroon siya ng sarili niya ang concert. Bonus na lang nakasama ako para
13:17sa kanya ito.
13:18Ito ang unang balita. Nielson Candlas, GMA News.
13:24Matagal ko ito.
Comments

Recommended