00:00Kinabukasan matapos ang kanyang ikalamang State of the Nation Address o SONA,
00:04agad na kumilo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07upang ipagpatuloy at sakatuparan ang mga programa ng kanyang administrasyon.
00:11Kabilang na ang pinalakas na healthcare, housing, energy and food security at iba pa.
00:16Ang isang linggong aktividad ng Pangulo atin pumbalikan sa reporting Kenneth Paciente.
00:24Isang araw matapos ang kanyang SONA,
00:26na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Davao de Oro Provincial Hospital sa Monte Vista.
00:31Dito ipinagkaloob niya ang halos 148 million pesos na pondo para sa karagdagang kagamitang medikal ng ospital.
00:38Pinangunahan din niya ang panibagong yugto ng bawat bayan makikinabang program para sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao
00:45del Norte at Davao Occidental.
00:47Sa ilalim nito, direktang naihatid sa mga benepisyaryo ang iba't ibang serbisyo ng gobyerno,
00:51kabilang na ang tulong pinansyal, kabuhayan at iba pang social services.
00:55Sa pamamagitan ng Local Government Support Fund at Socio-Civic Projects Fund.
01:01Sa Davao City naman, ininspeksyon niya ang People's Veal Housing Project
01:04at nangakong magdaragdag pa ng 42 gusali na target makumpleto bago matapos ang 2027.
01:11Target nitong makapagbigay ng ligtas at disenteng pabahay sa mga pamilyang Pilipino.
01:17Mierkules, pinangunahan niya ang pagbubukas ng Energy Museum sa Taguig City,
01:21kasabay ang paggunita sa ikadalawamputlimang anibersaryo ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.
01:26Iginiit niya ang kahalagahan ng seguridad sa enerhiya at ang patuloy na reporma
01:30upang maging mas maaasahan, mas abot kaya at mas napapanatili ang supply ng kuryente sa bansa.
01:37Sa Malacanang, tinanggap niya sa isang farewell call ang ilang ambasador
01:41at nagpasalamat sa kanilang naging ambag sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa Hungary at Netherlands.
01:48Huwebes, nagtungo naman ang Pangulo sa Pangasinan upang inspeksyonin ang Rehabilitated Sewell Fishport.
01:53Layunin nito na palakasin ang imprastruktura sa pangisdaan at pagandahin ang food supply chain ng bansa.
01:59Inatasan ang Pangulo ang Department of Agriculture na ipagpatuloy ang modernisasyon ng mga fishports sa buong bansa
02:04upang mapataas ang produksyon, mabawasan ang post-harvest losses at mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda.
02:10Kasunod nito, nagtungo siya sa pantalan kung saan nakipagpulong sa mga lokal na mangingisda
02:15at mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
02:18na kamakailan ay nakaranas ng water cannon attack mula sa China Coast Guard
02:22habang nagsasagawa ng routine mission malapit sa Bajo de Masinlo.
02:26Mula pang gasinan, dumiretsyo ang Pangulo sa Tarlac City para sa panibagong yugto ng bawat bayan makikinabang program.
02:33Binisita rin niya ang Northern Luzon Command kung saan nakipagpulong siya sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
02:39Piniyak niya ang suporta ng pamahalaan sa mga sundalo at sa patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng bansa
02:45sa larangan ng pambansang depensa.
02:48Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments