Skip to playerSkip to main content
May panukala na sa Kongreso para imbestigahan ang illegal open dumpsite na umano'y nag-operate nang 7 taon sa ancestral domain ng Aeta community sa Zambales.

Sa ikalimang State of the Nation ni Pres. Bongbong Marcos, nabanggit niya ang paggamit ng waste-to-energy technology bilang modernong solusyon sa basura. Ang mga basura ay susunugin para makagawa ng enerhiya o kuryente.

Pero tutol dito ang ilang eksperto. Kung bakit, alamin sa report ni Vonne Aquino.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Taon-taon, umaabot sa 14.6 million tons ang Municipal Solid Waste sa Pilipinas,
00:07ayon sa 2025 World Bank What A Waste Global Database.
00:11Kung gagawing malabundok ang ganito karaming basura,
00:16aabot ang taas nito sa 250 hanggang 350 feet,
00:21pwede nitong mapantayan ang Statue of Liberty sa New York,
00:25ang Big Bend sa London, o mahigit dalawang beses ng Christ the Redeemer sa Rio de Janeiro sa Brazil.
00:34Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change nitong July 20,
00:41sinabi rin ni Department of Environment and Natural Resources Sekretary Juan Miguel Cuna,
00:47na batay sa projeksyon, posibleng umabot ng 23.6 million metric tons
00:54ang solid waste sa ating bansa kada taon.
00:58Sa Metro Manila pa lang, 10,000 metric tons na ang basura kada araw.
01:04Kaya nitong pumuno ng 753 block containers na may habang 20 feet.
01:11Marami nang ipinanukalang solusyon para sa problema sa basura sa ating bansa.
01:16Isa na rito ang pagtatayo ng Thermal Waste to Energy Facilities.
01:21Sagot nga kaya ito sa Waste Management?
01:25Ang Thermal Waste to Energy ay isang teknolohiya kung saan sinusunog ang mga basura para makapag-generate ng kuryente.
01:37Sa mga bansang may Thermal Waste to Energy Facilities,
01:41ang mga basura ay dinadala sa planta at inihihiwalay ang mga recyclable materials.
01:48Ang mga basura ang pwedeng sunugin gaya ng papel, non-recyclable o single-use plastics,
01:55tuyong dahon, mga kahoy, tela at iba pang non-hazardous waste,
02:00ay dinadala sa combustion chamber kung saan sinusunog ang mga ito sa mataas na temperatura.
02:07Ang init mula rito ay ginagamit para i-convert ang tubig sa steam.
02:13Ang steam naman ang siyang magpapaandar sa generator na magkoproduce ng kuryente.
02:21Ang Waste to Energy technology ay ginagamit na ng mayayamang bansa.
02:26Ang enerhiyang nagagawa ay depende sa laki at lawak ng planta.
02:31Sa Amerika, ang isang pangkaraniwang Waste to Energy plant ay nakakagawa ng dibababa sa 550 kWh na enerhya kada isang
02:42tonelada ng basura.
02:43Kung gagamitin yan sa Pilipinas, sapat ang enerhiyang yan para sa supply ng kuryente sa isang buwan
02:51ng halos tatlong bahay na kumukonsumo ng 200 kWh per month.
02:57O di kaya'y limang bahay ng low-income households na nasa 100 kWh lang per month ang konsumo.
03:06Pero ang kapalit naman daw nito ay polusyong nakakasira sa kalikasan.
03:11Yung electricity na ginagenerate ng WTE, it does not cancel out yung polusyo na ginagawa niya.
03:18It's fundamentally harmful and it also contributes to climate change.
03:24Ang daming problema na nire-release ng WTE na with us, it outweighs yung benefit niya na pag-generate ng
03:35electricity.
03:36It's dirty energy.
03:37Sa isang roundtable discussion na hosted ng Oceana, isang respetadong marine conservation organization,
03:45ipinunto ng ilang eksperto na ang waste-to-energy ay posibleng magdulot ng toxic pollutants sa hangin,
03:52pati na ng nakalalasong wastewater at abo na naglalaman ng toxic metals at organic compounds.
04:00Maaari daw nitong makontaminate ang tubig at lupa na nakapaligid sa waste-to-energy facility.
04:07Isa sa mga pollutant na nagmumula rito ay ang highly toxic na dioxin.
04:13Oras na humalo ito sa lupa, pwede itong mapunta sa ating food sources.
04:19Kapag nakapasok ito sa katawan ng tao, nananatili ang toxin sa loob ng maraming taon
04:25at posibleng magdulot ng cancer, malalang skin problems at damage sa immune system.
04:33Ayon din sa ilang eksperto, posibleng maging problema ang kakulangan ng mga landfill sa Pilipinas.
04:40Bagaman babawasan ito ang basura,
04:43kinakailangan daw ng specialized landfill para sa disposal ng toxic ash
04:48at iba pang by-products ng waste-to-energy.
04:51Even si House Bill 9157 or yung Waste-to-Energy Act,
04:56it actually recognizes na yung mga residue from waste-to-energy facilities
05:01should still be managed and disposed in landfills.
05:05Yung thermal WP in particular cannot actually make garbage disappear.
05:10Hindi mawawala yung basura.
05:11It actually just transforms one problem into another problem.
05:15Sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos,
05:21ibinida niya ang pagbabago sa solid waste management ng ating bansa.
05:25One systemic intervention is to update our 25-year-old Ecological Solid Waste Management Act,
05:33aligning it with modern waste management practices
05:36such as waste-to-energy and waste treatment technology.
05:40Itong May 2026, naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa
05:45ang House Bill No. 9157 o Waste-to-Energy Act.
05:50Alinsunod dito,
05:52ang operasyon ng waste-to-energy facilities
05:54ay dapat sumusunod sa Solid Waste Management System
05:58na nakasaad sa Republic Act 9003
06:01o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
06:06Dapat ding regular na imomonitor ng DNR ang emission sa waste-to-energy
06:11para matiyak na hindi nalalabag ang environmental loss ng bansa.
06:17Bukod sa DNR, inaatasa din ang panukala ang iba pang ahensya
06:22na gumawa ng mga pulisiya para sa maayos na pagpapalakad
06:26ng waste-to-energy facilities.
06:29We have landmark laws like the RA-9003
06:34or the Ecological Solid Waste Management Act
06:37and even that na existing for 25 years already,
06:42hindi natin siya ma-implement at its fullest.
06:44Tapos gagawa pa tayo ng another measure now
06:46na hindi pa tayo makasigurado
06:50kung kaya din natin ma-implement siya.
06:52Pero ang tanong, ano nga ba ang mas-epektibong solusyon?
06:55Ang pag-manage sa basura kapag naipon na ito?
06:58O ang paggawa ng mahakbang para tuluyan ng mabawasan ang basura sa ating bansa?
07:02Yung mga facilities na ito,
07:04kailangan niya ng predictable supply ng basura.
07:07Umaasa nga tayo sa continuous supply ng basura para gumana ito.
07:12So, it doesn't address yung problema natin sa basura
07:16and in fact, it can encourage na okay lang tayong magumawa ng basura
07:20kasi may mga WTE facilities naman tayo.
07:23When in fact, ang goal is dapat wala tayong basura to begin with
07:26or hindi tayo gumawa ng basura to begin with.
07:29Ako, si Bon Aquino, para sa GMA News.
Comments

Recommended