00:00Bago sa Saksi, panibagong karahasan sa paaralan.
00:04Patay ang isang estudyante sa Las Piñas matapos saksakin ng nakaalitang kamag-aral.
00:10Saksi Live si Jamie Santos.
00:12Jamie!
00:16Maris, isang 13-anyos na lalaking estudyante ang nasawi matapos umanong saksakin ng 14 anos ng kaklase
00:24sa loob mismo ng Las Piñas National High School kaninang hapon.
00:27Hawak na ng polisya ang Child in Conflict with the Law o CICL
00:31habang inaalam kung paano na ipasok sa loob ng paaralan ang balisong na ginamit sa pananaksa.
00:40Nagwakas sa trahedya ang pagtatalo ng dalawang lalaking estudyante sa loob ng Las Piñas National High School
00:47matapos masawi ang isa sa kanila.
00:50Ayon sa polisya, nangyari ang insidente bandang alas 4.30 ng hapon sa harap ng Room 401
00:56sa ikaapat na palapag ng isa sa mga gusali ng paaralanan.
01:01Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula umano ang alitan ng 14-anyos na CICL
01:07sa paliwanag ng 13-anyos na biktima dahil sa sukli na ipinambili ng tubig sa recess period nila.
01:13Sa gitna umano ng kanilang alitan, bumunot ng balisong ang CICL at sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdin.
01:21Agad namang isinugod ng mga guro ang biktima sa Las Piñas District Hospital pero idiniklara itong patay bandang 4.53
01:29ng hapon.
01:30Hawak na ngayon ng polisya ang Child in Conflict with the Law at narecover na rin ng mga otoridad ang
01:35balisong na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak.
01:38Patuloy namang inaalam ng polisya kung paano na ipasok ang balisong sa loob ng paaralanan.
01:43Kasama rin sa iniimbestigahan kung may CCTV na nakakuha sa insidente at kung may pagkukulang ang seguridad ng paaralanan.
01:51Ayon pa sa polisya, pansamantalang dadalhin ang CICL sa bahay pag-asa sa pangangasiwa ng City's Social Welfare and Development
01:59Office
02:00habang inihahanda ang mga dokumento at nakikipag-ugnayan ng polisya sa piskalya para sa kaukulang kaso.
02:06Sa pahayag ng pamunuan ng Las Piñas National High School sa social media, sinabing nakipag-ugnayan kaagad sila sa mga
02:14otoridad matapos ang insidente.
02:16Hiniling din nila sa publiko na huwag magpakalat na mga hindi-berifikadong impormasyon, larawan at video na maaring makaapekto sa
02:25imbistigasyon at makadagdag sa pagdurusa ng mga pamilya ng mga sangkot.
02:29Magbibigay din ang paaralan ng psychological first aid, psychosocial support at iba pang tulong sa mga estudyante, guro at kawani
02:37na naapektuhan sa pangyayari.
02:40Nananawagan din ang pamunuan sa mas mahigpit na pagtutulungan ng mga magulang, paaralan at komunidad upang maiwasan ang mga ganitong
02:47insidente.
02:49Initially, yung natanggap natin na information na parang argument sila base doon sa suklik ng tulik na binili.
02:59Hindi naniwala yung CICL na yung suklik is na iwan doon sa school canteen.
03:04Bumunod yung CICL ng fan knife, then sinaksak yung biktima.
03:15Maris, patuloy nga ang isinasagawang imbistigasyon ng pulisya para matukoy ang buong pangyayari.
03:21Habang para daw, ito ay kung paano rin na pasok ng paaralan ang balisong na ginamit sa pananaksak.
03:27Ito raw yung magiging basihan nila sa rekomendasyon sa eskwelahan para maiwasan na o hindi na maulit yung ganitong klaseng
03:34insidente.
03:34Live mula rito sa Las Piñas, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.