00:00Tawag-nay pa rin po sa utos ni Pangulong Bombong Marcos na tanggalin na ang system loss charge
00:05at ang kaakibat nitong value-added tax sa electricity bill.
00:09Mga kapalayan po natin si Atty. Francis Saturnino Juan, Chairman ng Energy Regulatory Commission.
00:13Magandang umaga po sa inyo, Chairman Juan. Si Maris po ito, live po tayo sa unang balita.
00:18Oo, magandang ubaga, Maris, at sa lahat ng mga sumusubaybay.
00:21Ito na nga po, Chairman, sabi ni Energy Secretary Sharon Garin,
00:25posibleng abutin pa ng isang taon bago tanggalin yung system loss charge.
00:28Ang tinatarget naman po ng Senado, bago magpasko.
00:31Para po sa ERC, gaano ba katagala abutin bago maalis ng system loss charge?
00:36At pwede ba talagang matanggal ito?
00:39At ang pagtatanggal ng system loss charge, ito madali.
00:43Pwede naman na pagdesisyonan na talagang hindi na ipasimilyan sa ating mga utilities.
00:49Pero syempre, kailangan ng paghahanda.
00:52Dahil ito nga ay kasalukuyang nasisinil.
00:55Ibig sabihin, yung gastos na kakibat noong ating system loss,
01:00ito ay nababawi ng ating mga distribution utilities,
01:03subject lang doon sa limitasyon o system loss caps na itinapda namin.
01:08Ngayon, kung ito ay bigla isang iglap na hindi na mababawi ng ating mga distribution utilities,
01:15kailangan din na mayroong paghahanda sa kanilang parte,
01:19nang sa ganon ay hindi naman mafektuhan ang kanilang servisyo.
01:22So, ito siguro ang tinutukoy ni Secretary Garin at ng ibang mga nagsasabi na
01:29aabutin pa na hanggang Pasko o kaya naman ay sa isang taon.
01:34Ito yung implementasyon na talaga ng pagkatanggal ng system loss.
01:38Pero yung pagsasabatas nito, yung pag-amienda ng ikira,
01:42ito ay depende na sa kilos at sa galaw ng ating kongreso.
01:47At syempre, mayroon na namang mga nakapile na mga bills para dito.
01:53At kung magkakaroon na ng mga public consultations,
01:56I think next week, mayroon na ipinatawag ang ating Senado na konsultasyon.
02:02So, makikibahagi tayo sa konsultasyon na yan.
02:04Nang sa ganon, ay makapagbigay din tayo ng ating mga sugestyon
02:09patungkol sa kung mayroong kailangan transition
02:12o kung mayroong kailangan na mga ayuda
02:16o mga mekanismo o kaya ay mga adjustments
02:20doon sa paniningin ng ating mga distribution utilities.
02:23Ito din ang magawa namin sa aming panic sa ERC.
02:27Kung hindi pa tuluyang matatanggal yung system loss charge,
02:30ano po ang pwedeng gawin agad para kahit pa pano
02:32maramdaman din ng mga customer na bumaba yung kanilang bill?
02:37Kahit pa pano?
02:38Oo, administratively, pinag-aaralan natin kung mayroong basihang legal
02:43kung ang ERC mismo ang magdidesisyon sa pagkatanggal
02:47nung kahit man lang yung non-technical system loss
02:51o kaya ang pagbawas nito.
02:53Dahil alam naman natin na itong non-technical loss
02:56ay mayroong control dito ang ating mga distribution utilities.
03:01Ito kasi ay tungkol doon sa mga ninanakaw na kuryente.
03:05At kung mas mapapaiting nila ang kanilang panguhuli dito sa mga ganitong gawain
03:12o kaya naman ay paglalagay ng mga safeguards nang sa ganun ay mabawasan ang aktibidad na ito,
03:19ito ay magagawa at ipapababa nila ang level ng kanilang non-technical system loss.
03:24At kung ito ang magiging top, yung mas mababang top para sa non-technical system loss,
03:32agaran magkakaroon ng pagbaba doon sa mga singin dahil bababa din
03:38ang pwede nilang maipasang gastos patungkol dito.
03:41Sinabi po ng pamunuan ng Meralcon na hindi kakayanin ang power industry
03:45kung sila lang po ang papasa ng technical at non-technical system loss.
03:49Ano po ba ang pwedeng maging solusyon dyan?
03:50Kasi pati yung ibang mga kooperatives, sinasabi nila,
03:52pwedeng mag-lead daw ito sa bankruptcy kapag tatanggalin talaga ito.
03:57Oo, sir. Ito naman yung mga doomsday scenarios na ipinipinta ng ilan.
04:01Hindi naman din na maaari na ganyan ang hayaan natin na mangyari
04:06dahil ang servisyo pa rin sa ating mga customer ang isa sa alang-alang.
04:13Kaya nga dapat ang mga pag-aaral ng sa ganun ay hindi humangtong sa ganyan.
04:19Okay. So, yung sinasabi po na generation charge naman po,
04:24posible bang matanggal din yun?
04:26Kasi yun yung 65% na talagang nakaka-apekto sa bill, electricity bill.
04:34Oo. Ito naman talaga yung bayad natin doon sa kuryenteng lilipha o gene-generate
04:40at kinukonsumo naman natin.
04:43At kapag kalumilipha kasi ng kuryente, mayroon talagang gastusin yan.
04:48Bukod doon sa panggatong, yung mismo pinagpatayo ng planta
04:52at pinag-operate ng planta,
04:54ito ay gastus na kailangan din mabawin ang namuhunan dyan.
04:59So, ang tinakamainam na magagawa talaga natin ay mabababa ito
05:04at ma-identify kung saan ba nagtataas.
05:07Kung ang pagtataas ay dahil doon sa mga pamumuhunan,
05:11dahil mataas ang mga interest rate
05:14o yung rate of return na hinihingi ng mga namumuhunan.
05:17At kailangan ma-isaayos ang ating economic at ng sa ganun
05:23ay mapababa yung cost of capital.
05:26Ngayon din kung ang problema ay supply,
05:28kailangan din na ayusin ang supply
05:30at mabigyan ng sapat ng sa ganun
05:33ay matugunan din yung lumalaking demand.
05:35Alright, patuloy kami mag-aantabay dyan.
05:37Maraming salamat po ERC Chairman Francis Saturnino Juan.
05:40Magandang umaga po sa inyo.
05:41Magandang umaga Maris. Maraming salamat.
05:43Salamat po.
Comments