00:00Binoba ng tubig ng China Coast Guard ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea.
00:06Nangyari po yan sa gitna ng Routine Maritime Patrol ng BIFAR at Philippine Coast Guard umaga kahapon.
00:12Umaligid sa mga barko ng Pilipinas sa mga barko ng CCG.
00:16Ilang beses nagpalitan ng Radio Challenge ang dalawang panig hanggang binoba ng tubig ng China ang BRP Dato Dumangsil.
00:23Halos dalawang minuto raw itong nagtagal pero hindi direktang tumama sa barko ayon sa PCG.
00:28Patuloy pang binuntutan ng CCG ang BRP Dato Dumangsil pagkatapos.
00:34Sa kabila nito, natuloy ang misyon ng BIFAR at PCG sa Bajo de Masinloc na nag-abot ng krudo, pagkain
00:40at tubig para sa mga Pilipinong mangingisda roon.
00:44Labindalawang barko ng China ang namatan sa lugar ayon sa PCG.
00:48Sa isang pahayag, iginit ng China Coast Guard na binaliwala umano ng Pilipinas ang kanilang mga babala sa anilay panghihimasok
00:56nito sa kanilang katubigan.
00:57Ang Bajo de Masinloc ay mahigit 100 nautical miles lang ang layo sa Zambales at bahagi ng Munisipalidad ng Masinloc.
Comments