00:00Apektado ng El Niño ang presyo ng manok ayon sa Department of Agriculture.
00:04Detaly tayo sa ulat on the spot ni Bernadette Reyes.
00:08Bernadette?
00:12Rafi, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr. ay nasa 20% o higit pa ang itinaas ng farm gate
00:20price ng manok.
00:23Mula sa 100 pesos noong nakaraang buwan ay nasa 120 pesos na o higit pa kada kilo ang farm gate
00:31price ng manok.
00:32Ang epekto raw ng El Niño, nahihirapang lumaki ang mga manok.
00:35Hindi pa naman daw kailangan ngayon na magtakda ng price control pero gagawa raw ng intervention ng DA sa mga
00:42lugar na mataas ang presyo.
00:44Sa monitoring ng DA, nasa 180 hanggang 250 pesos ang kada kilo ng manok sa Metro Manila.
00:50Sa mga lugar na umaabot ng 250 pesos ang manok, magbebenta raw ang DA sa pamamagitan ng Food Terminal Incorporated
00:58sa mas mababang presyo.
00:59Sa Luzon lang din daw malaki ang sinipa ng presyo ng manok.
01:03Sa Mindanao halimbawa, bumaba pa nga ang farm gate price nito.
01:07Samantala, ang baboy ngayon naglalaro sa 350 hanggang 380 pesos kada kilo.
01:12Hindi pa raw kailangan ng intervention sa baboy ngayon.
01:15Samantala, Rafi, sa ginaganap na Food Security Forum ngayong araw dito sa Makati,
01:19ay nabanggit ng United Waller Racers Association na isa sa mga hamon nila ay ang posibleng pagtaas ng presyo ng
01:26mais,
01:26kaya naman mahalaga raw naman siguro ang sapat na supply nito.
01:29Rafi?
01:30Maraming salamat, Bernadette Reyes.
Comments