00:00Matapos gawing unggoy ang mga Pilipino sa isang A1 generated video ng isang Chinese media,
00:08panibagong pangaharas naman ang ikinasanang kanilang Coast Guard sa mga sundalong Pilipino sa West Philippine Sea.
00:15Yan ay nang mauwi sa pangahatao ng baton ang kalmadong pagtaboy sa mga Chinese na umikot sa BRP Sierra Madre
00:22para kumuha ng mga litrato at video.
00:24Sugataan ang dalawang sundalong Pilipino at nasira rin ang rubber boat ng Navy. Nakatutok si Jonathan Andal.
00:35Hampasan ng sagwan at baton ang nakunan sa videong ito sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy.
00:43Kuha ito ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea kaninang umaga kung saan matatagpuan ang BRP Sierra
00:50Madre na outpost ng Philippine Navy.
00:52Ang nasa mas malaking motorboat ang panig ng China. Ang nasa mas maliit naman na rubber boat ang mga taga
00:59Philippine Navy.
01:00Lamang sa dami ang mga taga China Coast Guard. Gamit ang kanilang malaking motorboat at mas mahabang mga pamalo na
01:06itulak nila palayo ang mas maliit na rubber boat ng Philippine Navy.
01:10Sabi ng Armed Forces of the Philippines na naglabas ng video na hataw sa ulo ang isang Pilipinong sundalo matapos
01:17tamaan ang baton na kahoy ng Chinese Coast Guard.
01:21Sugatan ang ulo ng sundalo na binigyan daw agad ng atensyong medikal pero pinag-aaralan kung kailangan na ang medical
01:27evacuation.
01:28Pati raw rubber boat ng Philippine Navy na sira sa gitna ng gulo.
01:32Dalawang tropa natin na injured. Yung isa required four stitches sa kanyang ulo. Almost two inches yung haba ng kanyang
01:39sugat.
01:40Yung isa sa braso, sapat ng kamay niya sa mga daliri. Sabakat sinasaga niya ang hampas sa kanila.
01:45Kwento ng AFP. Mula sa Chinese Coast Guard ship na may bow number 21560, pinakawalan ng China ang rigid hull
01:53inflatable boat na may walong sakay.
01:56Pinaikutan at kinunan daw nito ng litrato at video ang BRP Sierra Madre.
02:01Ito ang kinakalawang na barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na may nakaistasyong mga Pilipinong sundalo.
02:06Para raw itaboy ang China, naglabas ng dalawang rubber boat sa mga sundalong Pinoy.
02:11Pero kalmado at hindi raw confrontational ang ginawa nilang pagpapaalis.
02:15Pero sinuunang ng hampas?
02:17Yung China Coast Guard personnel. Makita naman natin sa video.
02:21Marami siyang humahampas. Yung ating mga kasundaluhan were purely defensive.
02:27Na pangsanggalang para huwag na siya matamaan.
02:29Tinawag ng AFP na assault ang ginawa ng China Coast Guard na inilagay raw sa balag ng alangani ng buhay
02:36ng mga Pilipinong sundalo
02:38at nagpataas ng tensyon sa West Philippine Sea.
02:41Sabi ng AFP, sa kabila ng tinawag nilang karahasan na natiling profesional, disiplinado at sumunod sa rules of engagement
02:48ang mga Pilipinong sundalo habang ginagampana ng kanilang misyon sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
02:55Panawagan ng AFP sa China, itigil na ang iligal, agresibo at mapanlinlang na kilos sa West Philippine Sea.
03:03At sumunod sa 2016 Arbitral Award na iginigit ang karapatan ng Pilipinas sa naturang karagatan sa ilalim ng international law.
03:10Itong mga ganitong actions ng China Coast Guard are totally irresponsible.
03:16They are unprofessional.
03:17They don't speak of what the Chinese Communist Party has been saying, that they are for the peaceful rise of
03:27China.
03:28Their actions on the ground show otherwise.
03:30Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila tungkol dito.
03:35Sabi ng Department of Foreign Affairs, anumang marahas na aksyon laban sa Filipino personnel ay hindi katanggap-tanggap.
03:41May karampatang diplomatic action daw kaugnay nito.
03:44Nakikipag-ugnayan na raw sila sa AFP sa detalya ng insidente.
03:48Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments