00:00Itinanggi ng Malacanang na pananakot ang pag-iimbestiga ng NBI sa mga ginastos ng Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Games
00:08o SEA Games.
00:10Tugo nito ng palasyo sa sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na pananakot ang imbestigasyon sa gitna ng impeachment trial,
00:18Vice President Sara Duterte.
00:20Sabi ng Malacanang, dati na itong issue, kaya hindi panggigipit ang imbestigasyon.
00:26Kabilang sa sinisilip ng NBI ang 10 biliyong pisong sports center sa New Clark City na hindi naman umano-dumaan
00:32sa bidding,
00:33pinunduhan ng insertion sa budget at hindi pa liquidated lahat.
00:38Git ni Cayetano na nooy chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee,
00:42wala siyang kinalaman sa pagpapatayo nito dahil ang namahala ay ang nooy President at CEO ng Basis Conversion and Development
00:50Authority na si Vince Dizon.
00:52Sabi ng palasyo, naimbestigahan noon si Dizon at napawalang sala.
00:56Pero si Cayetano, hindi daw naimbestigahan.
01:00Kinumpirma ng ombudsman na na-dismiss noong 2021 ang kasong isinampan noon kay Dizon dahil sa kakulangan ng ebedensya.
01:07Sabi naman ni Cayetano, kung iimbestigahan ang 2019 SEA Games, imbestigahan din dapat ang flood control scandal.
Comments