00:00Nanawagan sa Archdiocese of Cebu ng investigasyon ng mga magulang ng isang sanggol
00:05na nahiwa ang daliri sa candle holder na nirequire umano para sa kanyang binyag.
00:10Tila binaliwala raw kasi sila ng simbahan.
00:13May report si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
00:21Bakas sa dugoang damit ni Mami Ivana at sa palahaw ng kanyang baby
00:25ang pagsisikap na maampad ang pagdurugo ng daliri ng anak.
00:29Sa mismong binyag ng sanggol, nahiwa ang kanyang kanang hinlalato.
00:34Nahawakan kasi niya ang babasaging candle holder na matalim pala ang bibig.
00:38Maging ang ama ng bata na sugatan.
00:53Sabi ng ina, kahit may sarili na silang kandila,
00:56sinabihan silang bilhin ang candle holder na ibinibenta ng San Francisco Javier Parish sa Alicria, Cebu.
01:03Dahil ito raw ang pinapagamit ng pare sa binyag.
01:06Hinalan niya galing ito sa binasag na bote na hindi pa pinakinis bago ibenta.
01:12Pinunarin ng ina na walang first aid ang simbahan
01:15at tila di pinansin kahit ng pare ang nangyari sa sanggol hanggang matapos ang binyag.
01:21Kahit man lang sorry sa ano na nasugat pala yung baby, ganyan,
01:27na parang ipagdasal natin sa Diyos, na sana maayos yung pagaling ng daliri niya.
01:33Yung mga ganun, wala talaga, sir.
01:35Nanawagan ang ina, SARS-Diocese of Cebu, ng imbisigasyon.
01:39Pinuntahan ng GMA Regional TV ang simbahan para hingan ng pahayag ang pare.
01:43Noong una, sinabihan kaming kumakain ang curaparoko.
01:47Pero makalipas ang mahigit isang oras na paghihintay, sinabihan kaming nakatulog na siya.
01:52Mula sa GMA Regional TV, Alan Domingo, GMA News.
Comments